Chapter 9 Incurable Disease

128 4 0
                                    

Oliver POV

Nandito ako sa office ko sa ospital.Monday to Friday lang ang schedule ko sa ospital.8:00am-7:00pm ang time schedule na meron ako dito sa ospital.May kasama ako na napakaweird na babae.Hulaan niyo kung sino?Tama kayo.Si Rei ang kasama ko.Lumapit sa akin si Rei.

"Oliver,anong oras ka ba matatapos sa trabaho mo?Kasi may pupuntahan ako.Samahan mo ako.Please?" She pouted with matching beautiful eyes.Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.

"Oo na,sige.Pasalamat ka dahil mahal kita." Binulong ko na lang ang huling sinabi ko para hindi marinig ni Rei.

"Ha?Anong sinabi mo?" Patay!

"Ah...Eh...Ang sabi ko,umalis ka na dahil may mga pasyente pa ako kaya mamaya mo na lang ako hintayin.Sige na,alis na." pagtataboy ko sa kanya.Maya-maya,napahawak si Rei sa kanyang bibig at agad siyang lumabas ng office ko.Huh?Buntis ba siya?O kaya naman,may malalang sakit?Saglit akong natigilan sa pag-iisip.Hindi kaya...Tumayo ako para sundan siya at nakita ko na lang siya na nakahawak sa doorknob na parang konti na lang,mawawalan siya ng malay.Nilapitan at tinulungan ko siya na umupo.Pinagmasdan ko siya ng mabuti.Doon ko lang napansin na may pumatak sa kamay ko.Nang makita ko ito,tinignan ko si Rei mula ulo hanggang paa.Laking gulat ko na lang nang makita ko na dumudugo ang ilong niya,may sugat sa gilid ng labi,may mga pasa sa mga braso,hita,tuhod,pati na rin sa kanyang binti at may mga sugat din siya.Nagsimula na akong mag-alala kaya pinaupo ko siya sa bench ng ospital.Maya-maya,naramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko.Mukhang nakatulog yata.

"Rei?Gising na.Bawal dito matulog.Uyy,Rei.May mga pasyente pa ako." Nagsimula na akong magpanic dahil baka nawalan siya ng malay.

"Rei?Rei?Rei!Huwag kang magbibiro ng ganyan.Hindi na ako natutuwa.Gumising ka,Rei!" Tumitingin na sa amin ang lahat ng pasyente at mga doktor.After a few minutes,ipinasok namin si Rei sa Emergency Room para idiretso siya sa Operating Room.After 4 hours ng operation,idiniretso na namin siya sa 5th floor ng 2nd building.Oo.Dito kasi sa St. August General Hospital,may tatlong building para sa mga pasyente at mga doctor.Ang first building ay para sa mga doctors at nurse.Ang second at third building naman ay para sa mga pasyente.Ang second building ay para sa mga public patients' room and the third building,most of our patient's rooms are private.Ibig sabihin,ang third building na puro private rooms ay para sa mga pasyente na naka-confine na mayamang tao.Lumabas na kaming mga doctor sa kwarto ni Rei.Babalik na sana kami sa aming opisina para makapagpahinga ng konti,tinawag ko si Dr. Lopez.Siya lang ang nag-iisang Hematologist(Blood Specialist) sa aming lahat ng mga doktor kaya kailangan ko siyang makausap.

"Dr. Lopez,pwede ba tayong mag-usap sa office mo?"  Tumango siya.Naglakad na siya papunta sa kanyang office.Sinundan ko siya sa office.Habang naglalakad ako,pakiramdam ko,bumibigat ang mga paa ko.Parang konti na lang,mahihimatay na ako sa malalaman ko.Pumasok na kami sa office ni Dr. Lopez.Umupo na kami.Huminga muna siya ng malalim at may kinuha siya na papeles bago magsalita.Binigay niya sa akin ang papeles.

"Read it." Binasa ko ito.Napansin ko ang pangalan ni Rei na nakasulat sa listahan ng mga pasyente.Napataas ang kilay ko.Anong ibig sabihin nito?

"You see?Napansin mo na pala na may mga pagbabago sa katawan ni Rei.O sige,dahil ikaw ang kaibigan niya at mahal mo siya,sasabihin ko na sa'yo." Tumawa siya.Nanlaki ang mga mata ko.Teka,paano niya nalaman na may lihim na pagtingin ako kay Rei?

"Alam ko na ang itatanong mo kaya sasagutin kita.Nahalata na kita na kapag kasama mo siya,madalas mo siyang ikwento sa mga katrabaho natin,halata naman na kinikilig ka habang kasama mo siya.Wahahaha..." Anak ka nga naman ng pating!Tinawanan niya lang ako?!Pakiramdam ko,namumula ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan.Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ni Russel kaya medyo kinakabahan ako.

"Bihira lang sa mga adults ang magkaroon ng ganito na malalang sakit.1 out of 10,000 people lang ang nagkakaroon ng ganitong sakit.Karamihan sa mga nagkakaroon ng malalang sakit na ito ay ang mga bata na ang edad 10 to 16 years old.You see?Rei has a disease that kills her bone marrow.She's dying." pagpaliwanag niya.Bone marrow?Napatayo ako.

"Russel,ano ba talaga ang nangyayari kay Rei?Sabihin mo sa akin.Please." pagmamakaawa ko.Huminga siya ng malalim.

"Hindi ako mismo ang magsasabi sa'yo tungkol kay Rei.Hintayin mo na lang na siya ang magsalita sa inyong lahat kung anong karamdaman niya.Dahil kapag ako ang nagsabi sa inyo,lalo na sa'yo,Oliver.Baka matakot o lumayo kayo sa kanya,'yun ang iniisip ni Rei.May tamang panahon para sabihin niya ang kanyang sikreto at wala tayong gagawin kundi maghintay." paliwanag ni Russel.Maghintay?Pero hindi ko kayang maghintay.Paano kung mamatay siya nang hindi niya sinasabi sa aming lahat ang kalagayan niya?

"Pero ako ang kaibigan niya kaya dapat sabihin niyo na sa akin kung ano ang sakit ni Rei.Please." pagmamakaawa ko.Huminga siya ng malalim.

"O sige.Dahil ikaw ang kaibigan niya,sasabihin ko na sa'yo kung ano ang karamdaman niya.Mangako ka na hindi mo sasabihin sa iba ang malalaman mo.Kung napansin mo ang mga kinikilos niya,may kakaiba.Dahil mayroon siyang---." Naputol ang pag-uusap namin ni Russel nang nagring ang telepono.Aish!istorbo naman ang tumatawag na 'yan!Wrong timing!Sinagot niya ang tawag mula sa telepono.

"Yes?Hello?Hah?!Yung pasyente na si Miss Dela Rosa,nagwawala?!" Bigla tuloy akong kinabahan.Si Rei.Hindi ko alam kung anong sakit ni Rei kaya lumapit ako kay Dr. Lopez para alamin ang sakit niya.Dahil isa akong Hepatologist(Liver Specialist).

"Sige,pupunta na kami diyan ni Dr. Santos." Binaba na niya ang telepono at lumingon siya sa akin.Lumabas na kami ng office para puntahan si Rei.Papasok na sana kami nang may narinig kaming sumisigaw sa loob ng kwarto.Nakaramdam ako ng kaba.Pagpasok namin,parang nanlambot ang mga tuhod ko sa nakita ko.Nagpupumiglas si Rei habang hinahawakan siya ng mahigpit sa mga wrist at paa niya.Agad na lumapit si Dr. Lopez para pakalmahin si Rei.

"Rei,huminahon ka lang.Hindi ka pwedeng magwala kasi nakakasama 'yan sa'yo.Relax lang.Oliver,tulungan mo ako." Sinunod ko ang utos niya.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Rei habang nagwawala siya.

 "Rei,look at me.Magiging maayos ang lahat basta huwag kang magwawala.Please.Please,calm down.Kumalma ka lang,Rei." pagpapakalma ko sa kanya.

"Palabasin niyo ako sa ospital!Ayoko dito sa ospital!Please,parang awa niyo na!" pagmamakaawa niya habang sumisigaw at umiiyak.Biglang tumulo ang luha ko.

"Nurse Chris,akin na ang injection para sa pampakalma." utos ni Dr. Lopez.Binigay na ng nurse ang injection kay Dr. Lopez.Itinusok na niya ang injection sa kanang wrist ni Rei.After a few minutes,biglang tumigil si Rei at nakatulog.

"Russel,sabihin mo na sa akin kung anong sakit niya.Please.I promise that I will keep it as a secret." Huminga siya ng malalim.

"Are you sure that you will keep it as a secret?" I nodded my head.Huminga siya ng malalim ulit.

"May ALL si Rei.Acute Lymphocytic Leukemia.Walang lunas ang sakit na ito pwera lang kung papayag siyang magpa-therapy.6 months lang ang itatagal ng katawan niya.At ang malungkot,hindi siya pumayag na tumanggap ng therapy.At isa pa,binigyan ko siya ng gamot at pagkatapos,ininom naman niya ito sa first day at nung umabot hanggang 12 days,ang sabi niya...itinigil na niya ang pag-inom ng gamot at yung natitirang piraso,itinapon na lang niya.She give up." paliwanag ni Dr. Lopez.A-A-A-Ano?!May leukemia si Rei?!Malala na?!6 months lang ang itatagal niya?!Imposible.Parang nanginginig ang mga tuhod ko sa sinabi Russel.Idagdag mo pa ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.Sinubukan kong labanan ang pag-iyak ko,pero hindi ko kinaya kaya tumulo na ang luha ko.

"6 months?Paano siya magiging masaya sa loob ng 6 months lang?!Sabihin mo sa akin!!" Napatayo ako at hinawakan ang kwelyo niya.

"I'm so sorry.Pero wala na tayong magagawa kundi ang ipagdasal na lang natin siya." Bigla kong nakita ang namumuong luha sa kanyang mga mata.Napabitaw na lang ako sa kwelyo niya at napaupo ako.Lumabas na si Dr. Lopez.Buhay na buhay ang katawan ko pero ngayong nalaman ko na ang tungkol sa sakit niya,unti-unti na akong pinapatay.I think I'm living dead here.

Author's note:Hello,readers.OHMYGOSH!Hindi ko kinaya.Anyway,if you have suggestion,just comment.I hope that you like it.Don't forget to read,comment,vote & share my stories.Please support WYBMBIJ6M?(Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?) & also MBSL(My Bodyguard Sweet Lover).I love you all,readers.Thank you.Goodnight.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon