Chapter 13.5 Let's Break Up

127 2 0
                                    

Jake Carlo POV

Habang nagbabasa ako ng libro,may biglang nag-doorbell sa labas ng bahay ko.Pumunta ako sa pintuan para pagbuksan ng pinto ang bisita.Pagbukas ko,natuwa ako.Si Jennifer.Pinapasok ko siya sa loob ng bahay ko.Pinaupo ko siya.Umupo naman siya.Pumunta ako sa kusina para ipagtimpla siya ng apple juice na gustong gusto niyang inumin.Favorite drinks niya ang apple juice na gawa sa totoong prutas.After 2 minutes,inilagay ko na ito sa baso at ibinigay ko na ito sa kanya.Umupo na ako.Ininom naman niya ito.Huminga siya ng malalim.

"Bakit ka nga pala pumunta dito,Jennifer?Anong kailangan nating pag-usapan?" Huminga ulit siya ng malalim bago magsalita.May kinuha siya sa loob ng bag niya at inilapag niya ito sa centre table.

"Gusto ko sanang isauli ang bagay na 'yan sa'yo,Jake.Sa totoo lang...Yung sinabi mo na...Maghihintay ka na makita mo akong suot 'tong engagement ring na 'to at kapag sinuot ko ito,ibig sabihin,pumapayag na ako na magpakasal tayo,'di ba?" Tumango ako.I gave her a confused look.

"Ibig sabihin,pumapayag ka na ba na...magpakasal tayo?" Pakiramdam ko,parang may lumilipad na mga bituin sa puso ko sa inaasahan ko sa sagot ko noong isang taon.

"No,Jake.Kaya ako nagpunta dito sa bahay mo dahil gusto ko sanang...isauli ang engagement ring na binigay mo sa akin.And I...I...I..." Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin ako kay Jennifer.Ano kaya ang sasabihin niya sa akin?Kinakabahan ako.Parang may mali.Huminga siya ng malalim sa pangatlong pagkakataon.

"Jake,I...I...I...

.

.

.

.

.

I want to break up with you."

Parang hindi naglo-load ang utak ko sa mga sinabi niya.Pero nang nagprocess ang utak ko,parang naramdaman ko na nanginginig ang buong katawan ko.

"A-A-A-Anong sinabi mo,J-J-J-Jennifer?" nanginginig kong wika.

"I said...LET'S BREAK UP." sabi niya habang tumitingin ng diretso sa mga mata ko.

"B-B-B-B-Bakit,Jennifer?Hindi mo na ba ako mahal?" Parang konti na lang,tutulo na ang luha sa mga mata ko.Hindi ako makapaniwala.Tumingin siya sa mga mata ko.Na parang...ang cold ng kanyang mga mata.Please,Jennifer.

"Oo.Hindi na kita mahal.Kasi...Ikakasal na ako sa totoo kong mahal.And...And...

.

.

.

.

.

I'm pregnant for one month and ten days."

Whaaaaaaaaaat?!B-B-Buntis siya?Sino ang nakabuntis kay Jennifer?Hindi ko matatanggap 'to!

"Kailangan ko nang umalis.Naghihintay na sa akin ang lalaking mahal ko sa bahay namin." Lalaking mahal niya?Bahay nila?!Ibig sabihin,nagsasama sila sa iisang bahay?Live-in partner sila?At...nakatira siya sa bahay ng pamilya ni Jennifer?Sino kaya ang tinutukoy niya?Umalis na siya.Nang makaalis na siya,napaupo ako sa sahig at umiyak.Ganito pala kasakit ang makipaghiwalay sa'yo ang girlfriend mo.Matagal ang pinagsamahan naming dalawa,pero parang bigla na lang itong nabasag na parang isang flower vase na matagal mong iniingatan.Kailangan kong sundan si Jennifer.Lumabas na ako at dumiretso sa garahe ng kotse ko.Pumasok ako sa kotse at nagmaneho ako papunta sa bahay nila Jennifer.Nang makarating ako sa bahay nila,pumasok ako ng walang paalam.Wala akong pakialam kung tumawag sila ng pulis para hulihin ako o makasuhan ako ng tresspassing basta kailangan ko siyang makausap.Dumiretso ako sa kwarto ni Jennifer.Habang naglalakad ako papunta sa kwarto niya,may narinig akong nag-uusap sa kabilang kwarto.Pinakingggan ko ang pinag-uusapan nila at sumilip ako sa maliit na butas kung sino ang nasa loob ng kwarto.

"Peaches,don't cry.Nakasasama 'yang pag-iyak mo sa baby natin.Don't think too much about the bad things." Peaches?Baby nila?

"I'm so sorry,Peach.But I can't take it anymore.It's hard to stop." Peach?Peaches?'Yun ba 'yung endearment nila sa isa't isa?I can see that he cupped her face.

"I love you,Jennifer."

"I love you more,Dylan."

Mas lalo akong nasaktan nang makita ko kung ano ang ginagawa nila.They are going to make love with each other.</3 Harap-harapan nilang ginagawa ito sa akin.Parang nagkaroon ng malaking butas ang puso ko sa mga nakita ko.Sobrang sakit.Sa sobrang sakit na nararamdaman ko,tumakbo ako palabas ng bahay at nagmaneho ng napakabilis papunta sa bar na pagmamay-ari ng pinsan ko na si Ella.Pumasok ako sa loob ng bar at umupo ako sa harap ng counter at umorder ng tatlong brandy.Ininom ko na ang isang brandy at saktong dumating si Ella,umupo siya sa tabi ko.

"Hey,Jake.Do you have a problem?Let's talk about it." Agad kong niyakap si Ella.Napasubsob ako sa dibdib niya habang umiiyak ako.

"Break na kami ni Jennifer....Ang sabi niya,ikakasal na daw siya sa lalaking mahal niya at ang mas masakit sa lahat...Buntis siya." Napabitaw siya sa akin.

"ANO?!BUNTIS SI JENNIFER?SINONG NAKABUNTIS SA KANYA?HAH!SABIHIN MO KUNG SINO ANG NAKABUNTIS SA KANYA,JAKE!AT...MAPAPATAY KO TALAGA 'YANG BABAENG 'YAN!"

"Ella,relax.Nakatingin na sa'yo ang mga tao dito.Baka mawalan ka pa ng customer sa pagsisigaw mo." pagpapakalma ko kay Ella.Huminga siya ng malalim.

"Okay.Basta sabihin mo sa akin kung sino ang sinasabi mong lalaking mahal niya.Alam mo ba kung anong pangalan ng lalaki?" mahinahon niyang sabi.

"Ang pangalan ng lalaking mahal ni Jennifer ay Dylan.At...ang pinakamasakit sa lahat ay...fiance niya ang lalaking 'yun.Mukhang mahal nila ang isa't isa.Simula nung makita ko kung ano ang...ginagawa nila sa loob ng kwarto ni Dylan.At isa pa...Magkasama sila sa iisang bahay." Napahagulgol ako ng iyak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan.First crush.First girlfriend.First love.First kiss.First heartbreak.Nang magpatugtog ang banda,sa tono pa lang ng kanta,parang tinatamaan ako.Nananadya yata 'tong kanta sa akin.Parang tinamaan ng malaking tipak ng bato ang puso ko.Parang nawasak ito na parang baso na puwede ng itapon sa basurahan.

May gusto ka sa 'king mahal

May balak kang agawin siya

Itsura pa lang saking lamang ka na

Ligawan mo siya siguradong

magwawagi ka

Nakikiusap ako sa'yo,nagmamakaawa

Kunin mo nang lahat sa akin

Wag lang siya

*******

Inagaw niya ang puso ni Jennifer sa akin.Sa itsura niya pa lang,wala akong laban sa kanya.Ano pa ang ipaglalaban ko?Susubukan ko sanang magkaawa kanina,pero nang pumasok sa isip ko na...buntis siya.Fiance niya ang lalaking 'yun.Wala akong laban sa kanya.Mas gusto siya ng mga magulang ni Jennifer kaysa sa akin.Mahal nila ang isa't isa at mahal ko si Jennifer.

Kunin mo na ang lahat sa akin

Huwag lang ang aking mahal

Alam kong kaya mong paibigin siya

sa'kin maagaw mo siya

Pakiusap ko sa'yo,

magmahal ka na lang ng iba

Kunin mo na ang lahat sa akin

Huwag lang ang aking mahal

Ikamamatay ng puso ko

'pag sa akin inagaw mo siya

********

Paano pa ako mabubuhay kung wala si Jennifer sa tabi ko?Hindi ko kaya.Mukhang matagal pa bago ako makamove-on kay Jennnifer.Sino ang makakapagpagaling sa puso kong sugatan?Sino?

Author's note:Hello,readers.Waaaaah...Sorry,mga readers.Kung pinapahirapan ko sa storyang 'tong si Jake.Pasensya na sa ginawa ko sa kanya,readers.Please,don't hate me.T_T Anyway,sana magustuhan ninyo po ang ginawa kong bagong chapter kasi kung meron kayong gustong sabihin tungkol dito sa new chapter,just comment.If you have any suggestions,just comment.Please support my first & second story.I love you all.Salamat.Thank you.Xiexie.Arigato.Kamsahamnida.Goodnight,everyone.


Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon