Chapter 49 1st Wedding Monthsary

129 1 0
                                    

Jake Carlo POV

Tatlong araw na lang,1st Wedding Monthsary na namin pero bakit ngayon pa siya nawalan ng malay?Sana ako na lang ang nasa kalagayan niya.I hope that she's awake now.I kissed the back of her hand.Ang lambot ng kamay niya.

"I love you,Rei." Paulit-ulit kong sinasabi 'yung tatlong salita na 'yun sa kanya.Paulit-ulit.Hindi ako magsasawang sabihin 'yun sa kanya.I kissed her forehead.Lumabas na ako para umuwi at magpalit ng damit at para gawin ko na rin ang cookies na ireregalo ko sa kanya para sa 1st Wedding Monthsary namin.Dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng ingredients na para sa cookies.Para kay Rei,gagawin ko ang lahat.Para sa pinakamamahal kong babae sa buong mundo.Pagkatapos kong bumili ng ingredients,umuwi na ako.Bukas na ako magsisimula.

*Next Day*

Paggising ko,kumain na muna ako bago maligo.Pagkatapos kong maligo at magbihis,sinimulan ko na ang paggawa ng cookies.Hindi ako susuko.Kahit ilang beses pa akong magkamali,basta hindi ako susuko na lang ng basta-basta.Pina-init ko na ang oven kanina pa bago ako magsimula.Inilagay ko na ang tray na may cookie dough sa oven.Pagkatapos ng labinlimang minuto,inilabas ko na ang tray sa oven.Kahit ilang beses pa akong mapaso,iniinda ko na lang.Basta para lang kay Rei.Pinalamig ko muna ito bago ko ilagay sa gift box.Twenty one pieces of cookies lang ang ginawa ko pero bigla akong nagutom kaya kumain ako ng isang pirasong cookies.Kaya imbes na twenty one pieces,naging twenty pieces na lang.Inilagay ko na ang mga cookies sa maliit na box.Nilagyan ko pa ng ribbon.Bukas ko na ibibigay 'tong homemade cookies na ginawa ko para sa kanya.Lumabas muna ako at nag-jogging at napadpad ako sa isang pet shop.Napatigil ako sa pagj-jogging nang may nakita ako na isang White Persian Kitten.Pumasok na ako sa loob ng pet shop para bilhin ang White Persian Kitten.Pagkatapos kong bilhin ang White Persian Kitten,umuwi na ako.Babaeng pusa itong binili ko.I'm sure she will love this.Bumili na rin ako ng cat food.Saka na lang kami bibili ng cat collar.Gagawa ako ng homemade cat bed para sa alaga naming pusa.Hindi ko kayang mag-isa.Kailangan ko ng tulong.Tinawagan ko si Dylan at sinabi ko na kailangan ko ng tulong.Maya-maya,dumating na rin siya at kasama niya si Jennifer at may dala silang tools para sa DIY cat bed.Lumapit si Jennifer sa White Persian Kitten na nasa kulungan.Sana magustuhan 'to ni Rei.

"Waaaaaaaaah...Ang cute naman nitong pusa.May pangalan na ba ito?Lalaki ba 'to o babae?" Kinuha ko sa loob ng kwarto ang isang lumang maleta ko.

"Ah...Eh...Wala pang name 'yan.Atsaka,babae 'yan." Napa-'aahhh' na lang silang dalawa.Sinimulan na namin i-makeover ang lumang maleta ko.

*After 3 hours*

Haaaaaay...Tapos na rin sa wakas ang DIY cat bed na ginawa naming tatlo.Napaupo kami sa sahig dahil sa sobrang pagod.Pininturahan at pinatuyo pa kasi ni Dylan kaya medyo natagalan.Sigurado ako na magugustuhan ito ni Rei.

*Next Day*

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Rei.Lumapit ako sa kanya.I kissed her lips for a few second.Inalis ko ang mga nakaharang na hibla ng buhok na natatakpan ang kanyang mukha.

"Puwede na daw ako umuwi sabi ng doktor,Carlo." Napangiti tuloy ako.

"Siya nga pala,may ibibigay ako sa'yo,Rei.Pasensya na kung maliit lang 'to pero sana magustuhan mo." Kinuha ko ang box of homemade cookies na ginawa ko sa maliit na bag at ibinigay ito sa kanya.She give me a confused look.Binuksan niya ang maliit na box.Napangiti siya.Kinuha niya ang maliit na papel.Binasa namin ito.

Take care always.I love you,Rei.

Love,

Jake Carlo

Niyakap niya ako ng mahigpit.Nagpasalamat siya.Kumuha siya ng isang piraso atsaka kinain niya ito.

"Hmmmm...Ang sarap naman nito.Ah!Wait lang,may ibibigay rin ako sa'yo.I hope that you like this." Inalis niya ang kumot na nakatakip sa kanyang binti at kinuha ang isang makapal na tela na kulay dark blue.Pinakita niya ito sa akin.Isang sweater na may design na malaking bulaklak sa gitna.

"Wow.Where did you bought that sweater?" She laughed.

"Hindi ko binili 'yan.Ginawa ko 'yan simula noong tatlong buwan.Ngayon,ito ang kinalabasan ng pagc-cross-stitch ko." Marunong siyang mag-cross-stitch?Kahanga-hanga talaga siya.Kinuha ko ito.Ang ganda-ganda naman nito.I kissed her forehead.

"Thank you,Rei." I hugged her tight.Sana laging ganito na lang ang nangyayari sa amin.'Yung masaya,pero walang problema na darating sa buhay namin.Tinulungan ko siyang makatayo at inalalayan siya palabas ng ospital.Sumakay na kami sa kotse ko at nag-drive na pauwi.

*Fast Forward*

Inalalayan ko siya papalabas ng kotse.Tinakpan ko muna ang kanyang mga mata gamit ang mga kamay ko.Inalalayan ko siya papasok sa loob ng bahay.

"Carlo,ano 'to?Baka may gagawin kang kalokohan.Naku..." I giggled.

"Relax.Wala naman akong gagawin na hindi mo gusto.Bukod sa cookies,may isa pa akong surprise para sa'yo." Nang makapasok na kami sa bahay,inalis ko na ang mga kamay ko sa kanyang mga mata.Narinig namin ang ingay ng pusa kaya tumungo kami sa kinaroroonan nito.Nasa kulungan pa rin hanggang ngayon ang kuting at nang makita ito ni Rei,bigla siyang tumakbo papalapit sa kulungan ng kuting.Pinakawalan niya at itinaas habang hawak-hawak ito.

"Waaaaaaaaaaaah...Ang cute-cute naman nitong kuting na 'to.Isang Persian kitten.Carlo,babae ba 'to o lalaki?" Sinabi ko sa kanya na babae ang alaga naming kuting.Dinala ko siya sa kung saan ang tulugan ng kuting namin.Inihiga niya ito sa cat bed na ginawa naming tatlo.

"Woooow...Ang ganda naman ng higaan ng kuting natin,Carlo.Saan mo ba 'to binili?" I giggled.Para siyang bata.

"Ginawa namin 'yan nila Dylan at Jennifer." Napa-'aaahh' na lang siya.Inakbayan ko siya.

"Rei ko,anong gusto mong pet name ng kuting natin?" Hmmm...Kahit ako,wala rin maisip na pangalan ng kuting namin.Ano kaya?

"Kung Rei na lang rin kaya?" Tumaas ang kilay niya.

"Mukha ba akong pusa sa tingin mo?" She glared at me.I gulp.Nag-peace sign na lang ako.

"Hmmm...Kung pagsamahin na lang natin ang two letters ng mga pangalan natin.What do you think?" suggestion niya.Pumayag ako.

"O sige.Anong magiging pangalan ng alaga nating pusa?" 

"Hmm...Kung C for Carlo...tapos R for Rei...Edi...CR." Kumunot ang noo ko.

"CR?As in Comfort Room?" She giggled.

"I'm just kidding.Kung baliktarin na lang natin ang two letters na 'yun?" sabi niya.Hmmmm...Sabagay,magandang suhestyon iyon.

"RC?" She nodded her head.Pumayag ako.Our pet name is....RC.Ang cute niya habang hinihimas ang alaga naming kuting.Kinuhanan ko siya ng litrato ng palihim.Napakaganda niya talaga.

"Carlo ko...Happy 1st Wedding Monthsary.I love you." She kissed my cheeks.We leaned our forehead with each other.

"I love you more,Rei ko.Happy 1st Wedding Monthsary." I smiled.I really really love her.And no one can replace my love for her.Every people,asked me a question about love.But for me,love is a gift.A gift that no one can replace it in my heart.

Author's note:Hello,readers.Do you like the new chapter?Sorry for the wrong grammars and errors.Sorry if this was a short chapter.But...I will do my best to the next chapter.Hope that you like it.I love you all.Salamat.Thank you.Xiexie.Arigatou.Kamsahamnida.Goodnight.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon