Jake Carlo POV
Walang kaalam-alam si Rei kung saan talaga kami uuwi gayong nandito na kami sa Pasig.Iniba ko ang daan.Nang mapansin niya na iba ang dinaanaan namin,nagulat siya.
"Teka,hindi ito ang daanan pauwi sa bahay ni Mama.Hindi rin ito 'yung daanan pauwi sa condo ko.Saan ba talaga tayo pupunta?" I giggled.
"Secret.Malalaman mo rin mamaya." Hindi na siya nagsalita pa.Nagplay na lang ako ng music sa USB car stereo para hindi ma-bored si Rei.Isang oras na ang nakalipas at nandito na kami sa bahay ko.Oo.Dinala ko siya sa bahay ko o mas tamang sabihin na...bahay namin ni Rei.Lumabas na kami sa kotse.She's cute when her face makes an expression.It makes my heart beats faster than before.
"Carlo,bakit tayo nandito?" I back-hugged her.
"Rei,simula ngayon...dito ka na titira sa bahay natin.Mula ngayon,kung ano ang nasa bahay na 'to,sa'yo na rin." Binitiwan ko na siya at hinayaan ko siya na libutin ang bahay.Kinuha ko ang mga maleta namin sa likod ng kotse at ipinasok ko sa loob ng bahay.Maya-maya,pumasok na si Rei at nilibot niya ang buong bahay.
"Ang ganda.Parang nasa loob ako ng palasyo." Tinignan ko lang siya habang pinagmamasdan ang bahay namin.Kinuha ko ang camera at kinuhanan ko siya ng picture ng palihim.Ilalagay ko sa photo album ko.Hihihi...
"Carlo,saan ako matutulog?" Lumapit ako sa kanya.I patted her shoulder.
"Bilang mag-asawa,sa iisang kwarto na tayo matutulog.Halika,ituturo ko sa'yo kung saan ang kwarto natin." Dinala ko siya sa kwarto ko o mas tamang sabihin na...kwarto namin.Binuksan ko ang pinto ng kwarto at pumasok na kami sa loob.Humiga na siya sa kama na parang bata.
"Waaah!Ang lambot ng kama.Ang sarap matulog dito.Carlo,mahiga ka." Haaaay...Para siyang bata sa kinikilos niya.Humiga rin ako sa tabi niya.
"Do you like it?" She nodded happily.Niyakap ko siya.I looked at her.Siya na yata ang pinakamagandang babae sa buong mundo.Inalis ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya at inilipat ko ito sa likod ng tenga niya.
"Carlo,are you hungry?You want me to cook some food for our lunch?" I nod.Tumayo na kami at lumabas na para magluto sa kusina.Para hindi siya mapagod,tinutulungan ko siya na magluto.Pagkatapos ng isang oras,tapos nang lutuin ang Sinigang Na Hipon.Kumain na kami.
"Siya nga pala,Rei.Papasok na ako sa trabaho ko next week.Alam mo naman na may pagka-terror kung magalit ang Boss ko na si Eric.Galit 'yun sa mga late sa trabaho.Kaya...Pagpasensyahan mo na kung hindi tayo makakapag-bonding kahit ngayon lang." Kumakain lang si Rei ng tahimik.
"Okay lang 'yun,Carlo.I understand.Sa ibang araw na lang." Bumuntong hininga ako.Buti naman,hindi siya nagtampo.
"Are you sure?" Maya-maya,bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa Comfort Room.Sinundan ko siya.Hawak-hawak niya ang kanyang bibig.Isinarado niya ang pinto.And the worst,she locked the door.Hinihintay ko siyang lumabas sa C.R. pero hindi pa siya lumalabas.Doon na ako kinabahan.Naririnig ko na umiiyak siya sa loob ng C.R. kaya ang ginawa ko...Kinuha ko ang duplicate key at sinusi ko ito sa C.R.Minadali kong binuksan ang pinto at nakita ko si Rei na...nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader.Umiiyak na naman siya.Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sorry.Sorry.Sorry talaga.P-P-P-Pagpasensyahan mo na ako,Carlo...N-N-N-Nasasaktan ka nang dahil sa akin...I'm so sorry...Kung nasasaktan na kita..." Hinayaan ko lang siya na umiyak habang yakap-yakap ko siya.Wala man akong magawa para matanggal ang sakit na nararamdaman ni Rei.Binuhat ko siya papunta sa kwarto namin at inihiga ko siya sa kama.Nang mapansin ko na mahimbing ang tulog niya,kinumutan ko siya para hindi siya lamigin.Umupo ako sa plastic chair habang pinagmamasdan ko siyang matulog.Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya napayuko na lang ako sa mga braso ko at doon ko na ibinuhos ang lahat.Sabi ko...magiging matatag at palaban ako para sa sarili ko.Pero...Bakit ganito?Kapag nakikita ko na nasasaktan si Rei,doon na nagsisimula ang paglabas ng emosyon ko.Doon na rin ako nanghihina.Lahat ng sakit,hindi ko kayang ilabas.Ang sakit!Sobrang sakit!Napakasakit!Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓
RomanceHindi alam ng marami na may tinatagong sikreto ang lahat ng tao.Walang lihim na hindi nabubunyag.Tulad ni Rei,marami siyang tinatagong sikreto pero may isa siyang sikreto na hindi dapat malaman ng ibang tao,lalo na si Carlo.Hindi nila alam na may le...