Rei POV
Nagising ako dahil sa sobrang ingay.Bakit kaya ang ingay?Atsaka,anong oras na ba?Pagdilat ng mga mata ko,nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.Si Jennifer at si...Mommy.Napabangon ako bigla.
"Nasaan ako?Hindi ito ang kwarto ko." Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto.Wow.Ang ganda.
"Hmmm....Ate Rei,kuwarto mo na daw 'to mula ngayon.Dito ka na titira,sabi ni Mommy.Atsaka,pinakuha na namin ang mga gamit mo sa condo mo kanina pang hapon." Kanina pang hapon?Napatingin ako sa sahig at...andoon na talaga ang mga gamit at ang tatlong maleta ko.Napatayo ako at lumapit sa mga maleta ko.Binuksan at hinanap ko ang family picture.After a few minutes,nahanap ko na rin ang photo album at ang family picture.Lumapit sa akin sina Jennifer at Mommy.
"What is that,Ate Rei?" Pinakita ko kay Jennifer ang laman ng photo album at ang family picture.
"Ito ang photo album ng pamilya namin.Hanggang ngayon,iniisip ko na mabubuo pa ang pamilya namin kaya lang,namatay na ang papa ko pati na mga kapatid ko.Iniisip ko,hindi na mabubuo muli ang pamilya na gusto ko dahil ang mama ko ay pinagpalit lang naman kami sa pera.Sumama siya sa ibang lalaki.Ang sabi ng mama ko dati,hindi na niya kaya kami alagaan.Sumama siya sa first love niyang mayaman.Buti ka pa Jennifer,may matatawag ka na pamilya mo.Ako?Wala.Kaya nga naiingit ako sa'yo.Samantalang kami,iniwan niya kaming lahat kaya nga abot langit ang galit ko sa kanya.Sumunod naman ang papa ko sa mga kapatid ko,namatay kasi siya sa lung cancer dalawang taon na ang nakakaraan." paliwanag ko.
"Ano nga pala ang nangyari sa mga kapatid mo,Ate Rei?"
"Ayun.Namatay sila sa car accident.Lima kaming magkakapatid at ako lang ang naka-survive.Nang malaman ko ang nangyari sa mga kapatid ko,galit na galit ako sa sarili ko at sa mama ko.Hindi ko alam kung sino ang lalapitan namin ni papa para humingi lang ng pera pambayad ng bills sa ospital.Three years ago,nalaman ko na lang na may lung cancer ang papa ko." Napatakip si Jennifer sa kanyang bibig.
"Ah...Eh...Rei,kailan ang birthday mo?" tanong ni Dylan.
"February 14, 198* ako ipinanganak." sagot ko.
"Wow.Tapos na pala ang birthday mo.Belated happy birthday na lang,Rei.Heto nga pala ang regalo ko sa'yo." I'm shocked.May regalo si Dylan sa akin?Kinuha ko at binuksan ko ito.I'm totally shocked by this.Isang brand new cellphone.
"Naku,Dylan.Sobra-sobra naman yata ang binibigay mo sa akin na regalo.Pasensya na pero...hindi ko ito matatanggap." Ibabalik ko sana kay Dylan ang cellphone kaya lang,tumanggi siya.
"Sa'yo na 'yan,Rei.Kung ano ang ibibigay namin sa'yo,dapat tanggapin mo.Kasi bahagi ka na ng pamilya namin.Masamang tumanggi sa grasya na binigay sa'yo.Sige na,kunin mo na." Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ko na ang cellphone.Nagpasalamat ako.
"Nasaan nga pala ang luma kong cellphone at yung mini speaker ko?" Kinuha ni Dylan sa kanyang bulsa ang mini speaker at ibinigay niya ito sa akin.
"Wait!Where's my cellphone,Dylan?" Hindi siya makatingin sa akin.Kinuha niya ito sa bulsa ng pantalon niya at ibinigay ito sa akin.Nanlumo ako dahil nasira na ang cellphone ko.
"Sorry,nabasa kasi ng ulan ang cellphone mo.Kaya binili kita ng bagong cellphone." Imbes na malungkot ako,natuwa ako dahil nasira na ang cellphone ko.Lumang-luma na kasi ang cellphone ko kasing luma ng isang libro.
"Rei,bakit ka nga pala nag-resign sa trabaho mo bilang attorney?" Parang pinagpapawisan ako sa tanong ni Mommy.
"Ah...Eh....Personal reasons." tipid kong sagot.
"Pwede po bang lumabas muna kayo?Kasi magliligpit ako ng gamit ko." Tumawa sila.
"O sige,Rei.Lalabas na kami kasi maghahanda kami ng hapunan para sa'yo." Lumabas na silang lahat at sinarado ang pinto.Nagsimula na akong magbihis.Ano kaya ang magiging buhay ko dito sa bagong pamilya ko?
BINABASA MO ANG
Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓
RomanceHindi alam ng marami na may tinatagong sikreto ang lahat ng tao.Walang lihim na hindi nabubunyag.Tulad ni Rei,marami siyang tinatagong sikreto pero may isa siyang sikreto na hindi dapat malaman ng ibang tao,lalo na si Carlo.Hindi nila alam na may le...