Chapter 13 Visitors

121 2 0
                                    

Oliver POV

Haaaaaay...What a boring day.Nandito ako sa office ko sa ospital.Kumusta na kaya si Rei?Speaking of Rei,nandito siya sa ospital.Pasyente siya dito ngayon.Tatlong araw na siyang hindi gising.Yeah,you're right.Hindi pa siya nagigising hanggang ngayon.Pinuntahan ko siya sa Room no.459 sa seventh floor ng 2nd building.Nilapitan ko siya ng dahan-dahan.Umupo ako at pinagmasdan siya.Habang pinagmamasdan ko siya ay napapaluha na naman ako.Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.

"Rei,kailangan mong lumaban ngayon.Ang daming naghihintay sa'yo na mga kaibigan mo lalo na ako.Please,Rei.Gumising ka na." Mas lalo lang akong umiyak kapag nakikita ko siyang nagkakaganito.When I look into her eyes,she's trying to open her eyes.Nang magising na siya,bigla na lang siyang bumangon at tinanggal ang mga dextrose sa wrist niya.Pinipigilan ko siya sa ginagawa niyang pagtanggal ng mga dextrose sa wrist.

"Rei,huwag mong gawin 'yan,please.Kailangan mong magpahinga."

"Ayoko dito sa ospital,Oliver.Uuwi na ako." Hindi ko napigilan ang sarili ko.

"REI!Anong gusto mong mangyari sa buhay mo?Ang makita ka ni Jake na nanghihina dahil sa sakit mo?!Kapag nakita ka niya na nasa ganyang sitwasyon,mas masasaktan lang siya.Kaya please,lumaban ka.Huwag kang susuko." Napayuko siya.Napasandal siya sa headboard ng kama.

"Sorry,Oliver.Kasi...Bumitiw na ako.Para saan pa kung lalaban ka?Wala.Wala na akong mapapala sa buhay ko.Kaya naman,please...pabayaan mo na ako." Nang marinig ko na umiiyak siya,parang nadudurog ang puso ko.Sana ako na lang ang minahal mo,Rei.Kaya lang,hindi na kita puwedeng mahalin dahil may nagnakaw ng puso mo.At hindi ako 'yun kundi si Jake.

Rei POV

Hindi ko alam na tatlong araw na pala akong comatose dito sa ospital.Pero...Habang nasa comatose ako,may napanaginipan ako.Isang matandang lalaki at isang batang babae.Parang si papa at ako.Habang nakikinig ako kay Oliver,bigla akong nakaramdam ng panghihina.Tinakpan ko ang ilong ko.Sa itsura pa lang ni Oliver,mukhang ninenerbyos na siya.I tried to look up to stop the bleeding of my nose but it's too late.Kumuha si Oliver ng tissue para punasan ang ilong ko.After a few minutes,wala nang tumutulong dugo sa ilong ko.Tuluyan na kaming nahimasmasan sa nangyari.Biglang pumasok si Dr. Lopez sa kwarto ko.

"Buti na lang,nagising ka na sa wakas,Rei." Tumingin siya kay Oliver.

"Oliver,puwede mo ba kaming iwan muna saglit?May pag-uusapan lang kaming dalawa." Pumayag naman siya at lumabas na ng kwarto ko.Umupo na siya sa folding chair.

"How are you feeling,Rei?" Base sa pagtanong niya,parang malungkot siya.

"Heto...Medyo nanghihina dahil sa mga gamot na pinapainom sa akin.Atsaka,hindi pa ako kumakain ng tatlong araw.Tatlong araw po akong comatose kaya mahina pa ako." Bigla tuloy ako inubo.Kumuha si Dr. Lopez ng tissue at ibinigay niya ito sa akin.Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang tissue.Nang makita ko kung ano ang nasa tissue,mas lalong nanghina ang katawan ko.

"Ang dahilan ng pagsuka at pag-ubo mo ng dugo ay ang pagdurugo ng gums mo.At hindi lang 'yon,kapag nasusugatan ka,dapat lagi mong gagamutin dahil 'yan ang dahilan kung bakit ka nagkakaroon ng mga namamagang lymph nodes.'Yan din ang nagiging dahilan kung bakit ka nagkakaroon ng bukol sa leeg,tiyan,underarm at groin.At isa pa,'yun din ang dahilan kung bakit ka nahihirapang huminga,nad-drain ang energy mo at madali kang himatayin.Kaya pinapaalalahanan lang kita na mag-ingat dahil magiging delikado ang lagay mo kapag hindi mo inalagaan ang sarili mo." sabi ni Dr. Lopez.Kailangan ko ng dobleng pag-iingat sa sarili ko.

"Salamat po sa pag-aalala niyo po sa akin.Hindi ko po kayo makakalimutan.Dr. Lopez,puwede ko po ba kayong yakapin?" Tumango siya.Lumapit siya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit.I felt his tears falling down.Basang basa na ang balikat ko pero wala akong pakialam.He's my second friend here in the hospital.And Oliver is my first best friend here in this hospital.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon