Chapter 18 A Lion And A Tiger Confrontation

131 2 0
                                    

Oliver POV

Nandito kaming lahat sa labas ng Emergency Room.Maliban lang kay Jake.Si Dylan,kanina pa niya kino-comfort si Jennifer.Si Mrs. Villanueva naman,parang nanginginig sa takot.At si Mr. Villanueva naman,umalis saglit para kumuha ng coffee.Dapat sinabi ko na sa simula pa lang.Maya-maya,may narinig kaming bumukas na pinto galing sa Emergency Room.Napatayo at lumapit kami sa doktor na si Dr. Christian Gonzales.Isa siya sa limang Emergency Doctors dito sa St. August General Hospital.

"Sino po ang magulang ng pasyente?" Tumingin-tingin siya sa magulang ni Jennifer.

"Ah...Eh...Doc,ang totoo po niyan...wala na pong magulang si Rei.Kaya kinupkop na lang namin po siya."  sabi ni Mrs. Villanueva.Huminga siya ng malalim.Tumingin muna siya sa akin bago sa magulang ni Jennifer.

"Successful naman ang operasyon sa kanya.Ang kailangan niyo lang pong gawin ay ang bantayan siya.One more thing,hindi po siya puwedeng mapagod.Kasi madali siyang mapagod at mahimatay.Kailangan niya ng pahinga.Bawal ang matatamis na pagkain.At higit sa lahat,bawal po sa kanya ang mga hilaw na pagkain katulad ng meat,seafood,eggs,vegetables at yung mga hindi binabalatan na mga prutas atsaka unpasteurized products katulad ng raw milk at eggs." paliwanag ni Dr. Gonzales.Aaaayyy...Kung ganun,bawal sa kanya ang cupcake?Sayang naman ang plano ko na patikimin sa kanya ang ginawa kong Chocolate Cupcake.Nasabi niya sa akin na favorite niya ang Chocolate Cupcake kaya gumawa ako ng anim na piraso.I'm so disappointed.Umalis na si Dr. Gonzales.Inilipat na siya sa isang private room.Naaawa tuloy ako sa kalagayan niya.

*Next day*

Jake Carlo POV

Pumunta ako sa bahay ni Jennifer para magmakaawa.Oo.Isipin niyo na tanga ako sa kanya dahil mahal ko siya.Hindi ako susuko.Umupo ako sa sofa para hintayin si Jennifer.Maya-maya,may dumating na tao at yun ay walang iba kundi si Dylan.Ang fiance at ang lalaking mahal ni Jennifer.Umakyat siya papunta sa second floor ng kwarto niya.Maya-maya,lumabas na siya at nakapagpalit na ng damit.Umupo siya sa sofa na siya ang nasa harapan ko.Lumapit ang maid at naglagay ng tea.Umalis na ang maid.Uminom muna siya ng tea at ganun din ang ginawa ko.

"Jake,listen to me.I know it's hard to talk to you,but I try to.But please...For the sake of our baby,try to forget her.I know that how much you love her and you can do anything just to have her again.Please?" Pakiramdam ko,ako pa ang masama.Sabagay,masama naman talaga ako at handa kong gawin ang lahat para kay Jennifer.For the sake of my own happiness.Nagulat na lang ako dahil bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"Please,Jake.Maawa ka.Huwag mo nang habulin si Jennif---." 

"HINDI!HINDI KO SUSUNDIN ANG GUSTO MO,DYLAN.AKIN LANG SI JENNIFER.HINDI SIYA SA'YO.AKO ANG NAUNA SA KANYA.KAYA UMALIS KA SA BUHAY NAMIN.KUNG HINDI KA SANA DUMATING,SANA NAGAWA NA NAMIN ANG MAGPAKASAL.PERO ANONG NANGYARI?WALA NA SA AKIN ANG LAHAT KASI INAGAW MO SIYA SA AKIN.KINUHA MO NA ANG LAHAT." Galit na galit ako sa kanya at lalung-lalo na sa mga magulang ni Jennifer.Bakit lahat na lang ng minamahal ko,kinukuha sa akin?

"Dahil hindi siya kagaya mo,Jake.Tatanggapin niya kung masaya ang mga babae sa piling ng iba.Gagawa siya ng paraan para makamove-on kahit gaano pa katagal." Tumayo si Dylan at lumapit siya kay Jennifer.

"Peaches,nagpacheck-up ka na ba?Wait!Where's Rei and Mommy?" She whispered something to him.Tumango na lang siya.Aakyat na sana sila papunta sa kwarto nila pero may sinabi pa ako.

"Akala mo ba na basta-basta na lang ako magpapatalo sa'yo,Dylan?Pwes,hinding-hindi ako magpapatalo sa isang katulad mo." Napatigil siya sa paglalakad at lumapit siya sa akin.Eye to eye.

"Ganun ba?Pwes,hindi rin ako magpapatalo sa 'yo.At ako mismo ang magpapa-realize na hindi lahat ng bagay na nawala na sa buhay mo ay kayang ibalik.Hindi lahat ng tao o bagay ay kayang ibalik sa dati.Ipaparamdam ko sa'yo kung anong pakiramdam ng iniiwan ka nang lahat ng tao sa paligid mo o yung walang nagmamahal sa'yo.Para tumigil ka na sa kahibangan mo."  Parang may kuryente na lumalabas sa mga mata namin at parang may tigre at leon sa gilid namin.Kung siya ay water at ako naman ay fire,ibig sabihin,ako ang pinakamahina sa lahat.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon