Epilogue

240 2 2
                                    

Yakap-yakap ko siya ngayon.Masaya ako kapag ganito.Masaya ako sa tabi niya.I love her.I really love her.To death.Ang ganda ng lugar na 'to.Tahimik,presko ang hangin at kaming dalawa lang ang magkasama.Sana ganito na lang paggising ko.I cupped her face.

*****

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Kinapa-kapa ko ang bedside table para mapatay ko ang alarm clock.And then,it happened.Bumangon ako.Tumingin ako sa kanya.I smiled.

"Good morning,Rei ko." Naligo na muna ako at nagbihis.Nagluto na rin ako at kumain.Tinignan ko siya.Ang sarap niyang titigan buong araw.Pagkatapos kong kumain,kinuha ko na ang mga dadalhin para sa pag-alis ko.Lumabas na ako ng bahay at dahan-dahang isinara ang pinto habang nakatingin sa kanya.Nagmaneho na ako papunta sa flower shop.Para sa wedding anniversary namin ng asawa ko.Siguradong magugustuhan niya ang bulaklak na 'to.Umalis na ako sa flower shop at nagmaneho.After a few hours,nakarating na ako sa pupuntahan ko.

'In loving memories of

Katrina Dela Rosa-Reyes'

Lumuhod ako para ilagay ang wedding anniversary flowers sa ibaba ng lapida.Huminga ako ng malalim.

"Happy 10th Wedding Anniversary,Rei ko." Humiga ako sa tabi niya.I place my palm to her.

"Ang bilis ng panahon.Parang kahapon lang nangyari ang lahat." 

"I miss you,Rei." Tumingin ako sa mga ulap.Ang ganda ng panahon.Tumayo na ako.

"Uuwi na ako.Huwag kang mag-alala,magkikita pa naman tayo mamaya sa panaginip.I love you,Rei ko." Biglang umihip ang hangin.I smiled.Umuwi na ako.Simula ng namatay si Rei,madaming nagbago.Except me.Simula ng namatay si Rei,wala akong ginawa kundi umiyak gabi-gabi dahil namimiss ko na ang asawa ko.Hindi na ako naghanap ng iba pa simula ng mawala siya sa akin.Nagluto at kumain na ako.Napaupo ako sa paanan ng kama at kinuha ang teddy bear.Yakap-yakap ko ang teddy bear na bigay sa akin ng asawa ko noong 2nd Wedding Monthsary namin.Iyak lang ako ng iyak habang kayakap ang teddy bear.Napahiga ako sa kama.Noong una,hindi ko matanggap na wala na ang asawa ko.Wala na si Rei.Mas masakit pa 'to kesa 'yung namatay si Kuya Tyler sa aksidente.Parang wala ng silbi ang buhay ko simula ng namatay si Rei.Si Rei lang ang mamahalin ko habangbuhay.Siya lang.Kinuha ko ang unan na ginamit ni Rei at niyakap at inamoy ko ito.Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog.I can feel a teardrop on my face.Sana magpakita si Rei sa panaginip ko.

***********

Naglakad-lakad kami habang magkahawak ang mga kamay namin.Ang sarap hawakan ang mga kamay niya.Para kaming nasa flower garden.Naghahabulan.Ang saya namin pareho.Sobrang saya.Pero...Paggising ko,mawawala na naman siya sa tabi ko.Parang isang bangungot ang pagkawala ni Rei sa tabi ko.Nang mahuli ko siya,binack-hug ko siya.I kissed her cheeks.Sana...Namatay na rin ako para makasama ko na si Rei.

***********

Ginawa ko na ang daily routine ko.Nag-leave ako ng four days sa trabaho.Oo.Bumalik na ako sa trabaho ko.Ulit.Mabuti na lang,mabait si Eric.Kaya natanggap ako ulit sa dati kong pinagtatrabauhan.Noong makita ko na ibinaba ang kabaong ng asawa ko,parang sinaksak o pinukpok ang puso ko.Parang...Nawasak ang mundo ko sa isang iglap lang.Minahal ko siya ng buong-buo.Binigay ko ang lahat sa kanya hanggang sa wala na matira sa akin.Pero...Ayos lang.Wala akong pinagsisihan.May binigay rin naman siya sa akin.'Yun ay ang pagmamahal na walang hanggan.Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko dahil may tumatawag sa akin.Sinagot ko ang tawag. 

"Hello,Jennifer."

"(Hello,Jake.Punta ka naman dito sa bahay.May surprise kami para sa'yo na ikatutuwa mo.)" Tumaas ang kilay ko.Surprise?Ibinaba ko na ang cellphone at dumiretso sa bahay ng mag-asawang Dylan at Jennifer.Yes.Mag-asawa na sila.Matapos ang anim na buwang pagluluksa dahil namatay ang asawa ko,nagpakasal na rin sila.Hindi lang silang dalawa ang nagpakasal noong araw na 'yun.Sina Oliver at Stella rin.Kaya ang resulta,nagkaroon ng double wedding nung araw na 'yun.Bago ako pumasok ng gate,napatingin ako sa dalawang magkasintahan na  nakaupo sa bench na naghahawakan ng kamay.They're so sweet.Bagay na bagay sila.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon