Chapter 26 Dylan's Decision

141 3 1
                                    

Jake Carlo POV

Hawak-hawak ko ang picture naming dalawa ni Jennifer.Kung ako na lang sana ang pinili mo ulit.Iinumin ko sana ang tubig sa baso nang bumagsak sa sahig at nabasag ito.Bakit parang may masama akong kutob na nangyari?Nang pinupulot ko ang baso na basag na nagkapira-piraso,nasugatan ang daliri ko.Sh*t!Naglagay ako ng band-aid pagkatapos kong maglinis ng sahig.Maya-maya,nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"(Hello,Jake.Pumunta ka dito sa ospital.May nangyari kay Jennifer.)" Dali-dali akong nagmaneho papunta sa ospital.Anong nangyari kay Jennifer?Mga ilang minuto lang ang nakalipas,nakarating na rin ako sa wakas.

"Nasaan si Jennifer?Anong nangyari sa kanya?" 

"Nasa Operating Room siya at kasalukuyang inooperahan siya ngayon.Nakidnap siya." sabi ni Mr. Villanueva.Nakidnap?!Halos wala pa kaming tulog para hintayin ang doktor na lumabas.After five minutes,lumabas na ang doktor.Napatayo kaming lahat at lumapit sa doktor.

"Sino po ang mga magulang ng pasyente?" Lumapit ang pamilya ni Jennifer sa kanya.

"Tatapatin ko na po kayo.Hindi namin siya puwede operahan hangga't hindi natatanggal ang baby sa loob ng tiyan ng pasyente.At kapag hindi ninyo pinatanggal ang baby sa loob ng tiyan,baka ikamatay po ng pasyente.Kailangan niyo na pong magdesisyon." Tumingin silang lahat kay Dylan.Nakasalalay sa kanya ang kaligtasan ni Jennifer.

Dylan POV

Bakit sila tumitingin sa akin?Ibig sabihin,nakasalalay sa akin ang desisyon.Pero bakit ako?Patawarin mo ako sa magiging desisyon ko,Jennifer.Mahal na mahal kita.Sana maintindihan mo ako sa naging desisyon ko.Pumasok na ang mga doktor sa Operating Room.Napaupo na lang ako sa bench.Bakit ganito ang naging kapalaran namin ni Jennifer?Kung para talaga kami sa isa't isa,bakit binibigyan kami ng mas mahirap na pagsubok?Napaiyak na lang ako sa naging desisyon ko.Nakakainis!Bakit ko pa kailangang ipatanggal ang baby namin ni Jennifer?Maya-maya,may umupo sa tabi ko.Si Jake.

"Magiging okay din siya." sabi niya.Nagulat ako.After two hours,lumabas na ang doktor.

"Successful ang pagkakatanggal ng fetus sa kanya at baka magising na siya sa loob ng apat na oras.Puwede ninyo po siyang puntahan sa loob.Sige po,una na po ako." Umalis na ang doktor.

"Wait!Nasaan si Rei?" Maya-maya,may dumating na mga pulis.Anong ginagawa nila dito?

"Mrs. Villanueva,puwede po ba namin makausap ang anak niyo na si Jennifer?Baka makatulong po siya para makulong si Kyle kaya lang po,nang dalhin na ang katawan niya dito,dead-on-arrival na si Kyle.Mabuti na lang po,dumating si Atty. Dela Rosa para tulungan si Jennifer ang kaso nga lang,nahulog po siya sa third floor."  sabi ni P/Insp. Palermo.Nang tinignan ko si Jake,parang nagliliyab sa sobrang galit.

"Nasaan si Rei?" Bakit parang may kutob ako na hindi maganda?Sinabi namin kung nasaan si Rei at dali-dali siyang pumunta sa kwarto niya.Sumunod kami sa kanya.Binuksan ni Jake ang pinto at pumasok kami.Nakita namin si Rei na nakasandal sa headboard ng kama at agad lumapit si Jake.Masama ang kutob ko dito kay Jake.

Jake Carlo POV

Nang makita ko si Rei,parang umabot hanggang langit ang galit ko sa kanya.May balak ba siyang patayin si Jennifer?Nakatingin lang sa akin si Rei.Lumapit ako sa kanya at...

  *slap*

"Bakit tinulak mo siya sa third floor ng building?!" 

"Wait!Jake,it's not what you think---." Oliver said.Nakayuko lang siya.

"Sinaktan mo si Jennifer!!Hindi kita mapapatawad kahit mamatay ka pa!!!!!BREAK NA TAYO!" Nakayuko lang siya.Umalis na ako at pinuntahan ko si Jennifer.Kumuha ako ng upuan at umupo sa harapan niya.Hinawakan ko ang kamay niya.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon