Chapter 31 Challenge

231 4 0
                                    

Oliver POV

Dahil nalaman na ni Jake ang totoo,nakahinga din kami ng maluwag dahil lahat...may alam na ng sikreto ni Rei.Ang pinaka-kawawa nga lang ay si Jake.Siya kasi ang huling nakaalam ng sikreto ni Rei kaya heto,nandito siya sa bar kasama ang pinsan niyang si Ella.Kaya heto,tinawagan ako ni Jake kanina para uminom sa bar ng pinsan niya.5:30 pm pa lang ng hapon ay nandito na si Jake.Eight o' clock ako dumating dito sa bar dahil may pasyente ako sa ospital.

"Alam mo,Ella...*hik* Nasasaktaaaan ako dahil...may malalaaaaaaang shakit ang babaeng mahaaaaaaaal ko...Ang tanga-tanga koooo dahil...nasa tabi ko lang pala ang mamahalin ko....Ako na nga itong shi manhid,shi tanga pa." Napailing tuloy kaming dalawa ni Ella.Paano ba naman kasi...Nang dumating na ako galing sa ospital,nakita ko na lang si Jake na lasing na lasing.Biruin niyo,limang bote ng alak ang ininom niya at gusto pa niyang uminom ng alak kaya pinigilan na siya ni Ella.She exhaled.Kawawa naman si Jake.

"Oliver,kumusta na si Rei?Maayos ba ang kalagayan niya?" She's worried about Rei's condition.I inhaled.

"Ayun.Pinapalagpas muna ang galit niya kay Jake.Kawawa nga silang dalawa." Tumayo ako at inalalayan si Jake sa balikat ko.Binayaran ko muna ang ininom namin ni Jake bago ko siya iuwi sa bahay niya.

"Ayokoooong umuwi...Gushto kong makitaaaaaaaaaaaaa si Rei.Gushto koooong makita ang babaeng mahaaaaaaal ko...Alam mo?Ngayon lang *hik* ako nagkaganitoooo dahil kay Reeeei...Ang tanga-tanga ko talaga...Hindi pala.Mas tanga ang puuuuuuso ko..." Isinakay ko siya sa kotse niya.Nagmaneho ako papunta sa bahay ni Jennifer.Kung saan....Nandoon si Rei.

Jennifer POV

Nakalabas na ng ospital si Ate Rei kahapon.Sigurado ako na nasaktan talaga si Jake sa nalaman niya.I feel sorry for him.

"Peaches,kakain na." He back-hugged me.

"Is there a problem,Peaches?" I exhaled.

"Naaawa lang naman ako kay Jake.Siya ang huling nakaalam ng sikreto ni Ate Rei kaya sobra siyang nasaktan.I feel sorry." 

"I understand.But...I will trust him this time.Si Jake lang ang may paraan para ibalik ang tiwala ni Rei sa kanya." He trusted him?He kissed my cheeks.Maglalakad na sana kami para kumain nang may nag-doorbell.

*ding dong*

*ding dong*

Aish!Sino ba naman ang bumibisita ng ganitong oras?It's already eight o' clock in the evening.

"Pasensya na po sa abala." Si Oliver at si...Jake.Wait!What happened to Jake?Pinapasok ni Mommy si Oliver sa guest room at inihiga niya si Jake.Habang nakikipag-usap si Mommy kay Oliver,sumilip si Ate Rei.Oo.Umuwi na kaming lahat nang kasama si Ate Rei.Pumasok siya na may dalang maliit na palanggana na may tubig at towel.April na kasi ngayon.Lumabas na kaming lahat maliban kay Ate Rei.Kumain na kami.

"Sana naman,magkaayos na ang dalawang 'yon." Napatahimik ang lahat sa sinabi ni Daddy.

"I hope so,Daddy." Dylan said.Nagpatuloy na kaming lahat na kumain.Pagkatapos naming kumain,pumasok na kaming lahat sa aming mga kwarto.Natulog na ako.

Rei POV

Pinupunasan ko ang mukha ni Carlo ng basang towel.Ano bang ginagawa ko?Dapat galit ako sa kanya.Pero...Sa tuwing nakikita ko siya,bumibilis ang tibok ng puso ko.Nang matapos kong punasan ang mukha niya,tumayo na ako para lumabas pero...napatigil ako sa kinatatayuan ko nang hinawakan ni Carlo ang kamay ko.Hinila niya ako pahiga sa kama.Niyakap niya ako.

"Rei,naiinis ako sa sarili ko.Bakit ako pa ang taong huling nakaalam ng sakit mo?Alam mo...nashashaktaaan ako...Kapag nakikita kita na nahihirapan,triple ang sakit para sha akin..." Bwiset!Paano ako makakaalis dito?

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon