Chapter 57 One Last Song

196 1 1
                                    

Jake Carlo POV

Wala akong kasama dito sa kwartong 'to kundi si Rei na nakahiga sa hospital bed na 'to at wala pang malay.Sina Jennifer at Dylan,inaasikaso ang nalalapit na kasal nila sa susunod na taon.Ganun din naman sina Oliver at Stella.Sa madaling salita,magkakaroon ng double wedding sila next year.Noong isang araw naman,malakas naman siya pero bakit ngayon,parang humihina na ang resistensya ng katawan niya?Tapos,konti na lang kinakain niya at kung minsan,hindi na siya kumakain.Hawak-hawak ko ang kamay niya ngayon.Ano bang dapat kong gawin?Hindi ko na siya makakasama sa Christmas.Gagawin ko ang lahat para sa kanya.Ipaparamdam ko sa kanya ang Christmas kahit ngayong araw o bukas.

"Kapag umuwi na tayo bukas,may sorpresa ako para sa'yo.Kaya sana...Gumising ka na." I kissed her forehead.

"Uuwi muna ako ngayon.Kasi...Ihahanda ko na ang surprise ko para sa'yo,Rei.Alam ko na matutuwa ka kapag nakita mo na ang ginawa ko.Bukas,babalik ako sa'yo.Pangako." I kissed her forehead again.Umuwi na ako.Kinuha ko ang mga box.Kinuha ko sa loob ng box ang Christmas tree at in-arrange ko ito.Pati na rin ang mga Christmas decorations.Napaupo ako sa sahig dahil sa pagod.

"You need some help?" Napatingin ako sa pinto at...Nandito silang lahat.I'm confused.

"Diba dapat...nandun kayo sa simbahan at ina-arrange niyo ang kasal?Paano 'yung seminar niyo?" Lumapit si Stella sa akin.

"Haaaaaaaay...Naku,Jake.Diba nga dapat...tulung-tulong?One for all,all for one?Nasaan ang salitang 'pagtutulungan' kung hindi naman kami tutulong sa'yo?Huwag mong solohin ang lahat.Basta kahit anong mangyari,nandito kami para sa'yo." Tama si Stella.Maya-maya,nagsimula na ulit ako pero ngayon ay may mga kasama na ako.

*After three hours*

Napahiga kaming lahat sa sahig dahil sa pagod.Sa wakas,natapos na rin kami.Tumayo ako para kumuha ng maiinom naming lahat sa refrigerator.Binigay ko sa kanila ang bottled water at ininom namin ito.

"Salamat,Jake."

"Kumusta na nga pala si Rei?" Umiiling ako.Inakbayan ako ni Dylan.

"Hayaan mo,baka bukas,kasama mo na siya sa pag-uwi.At baka malay mo,magustuhan niya rin 'tong ginawa natin para sa kanya." He's right.I wish she will love it.

*Next Day*

Pinauwi na kami ng doktor kaya lang,iba na ang itsura ni Rei.Mala-papel na ang kanyang labi,maputla ang balat,bumaba ang timbang niya at higit sa lahat,nakaupo na lang siya sa wheelchair.Naiiyak ako kapag nakikita ko siya na nasa ganitong sitwasyon.

"Carlo...N-Nakauwi na ba t-tayo?" Tumango ako.Habang tinutulak ko ang wheelchair papasok sa bahay,dumating ang mga magulang namin.Pati na rin sina Jayson at Tita Sandra.Including Ella.

"Hija,are you okay?Don't push yourself if you're not." She smiled.Inalalayan nila si Rei pagpasok sa bahay.I turned on the light.

"Advance Merry Christmas,Rei!/Ate!" Napaluha na lang siya sa mga nakita niya.She smiled.Sinusubukan niyang tumayo kaya inalalayan ko siya.Humarap siya sa akin at umiiling siya.Kaya...Hinayaan ko na lang siya sa sarili niyang mga paa.Lumapit sila Mommy at Daddy kay Rei at niyakap nila ito.

"T-T-Thank you p-p-po,Mommy,Daddy.I-I-I love you po.Lalo ka na....Jennifer." Nakisali na rin si Jennifer sa yakapan.

"Mommy,Daddy,Jennifer.Mawala man ako....lagi niyong tatandaan na....Mahal na mahal ko kayo..." Lumapit siya kina Tita Sandra,Jayson at Ella.Niyakap nila si Rei.

"Tita...Salamat po sa lahat....Salamat po.Ah...Nakalimutan ko pala....Jayson,Ella,lapit kayo rito.May ibibigay si Ate Rei." May kinuha siya sa kanyang bulsa at ibinigay niya ito kina Ella at Jayson.Dalawang maliit na rectangular box.Binuksan nila ito.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon