Jennifer POV
Nang makabalik na si Jake sa ospital,sinabi niya sa amin na nag-resign na siya sa trabaho at nagulat din kaming lahat.Naiintindihan namin si Jake kung bakit siya nag-resign.Kung ako ang nasa pwesto niya,gagawin ko rin 'yun.Hindi pa rin nagigising si Ate Rei hanggang ngayon.Apat na araw nang hindi pa siya nagigising.Si Jake naman,hindi na siya umuuwi para lang alagaan si Ate.Naaawa tuloy ako sa kanya.Kapag iniisip ko ang sakit ng kapatid ko,hindi ko maiwasang mapaluha.Pero...Kung sino ang mas nasasaktan,wala ng iba kundi si Jake.Hinihintay na lang namin na magising si Ate Rei.I covered my face with my hands and then, I cry because of too much pain.Niyakap ako ni Dylan ng mahigpit.
"Ayokong mawalan ng kapatid,Dylan.Anong gagawin ko...para hindi mawala....sa atin si Ate Rei?Bakit kailangang maranasan...pa natin ito?Bakit si Ate Rei pa?Bakit?!" Hindi ko na alam kung anong gagawin namin kung mawawala siya sa amin.Parang pinapatay na ang puso ko sa sobrang sakit.
"Ang kailangan nating gawin ay magdasal.Baka malay natin,pakinggan ni God ang mga hiling natin.At isa na doon,sana magising na si Rei.Araw-araw dapat tayo nagdadasal para sa kanya." Huh?I can't understand.He exhaled.
"Hindi binibigyan ni God si Rei ng parusa.Kundi...Tayo ang binibigyan ng pagsubok para alamin kung hanggang saan ang kakayahan nating lahat.Kaya...Don't cry,Peaches.Malalagpasan din natin 'to." Maybe he's right.Si Dylan talaga.Haaaaay...Maya-maya,lumabas na si Jake.
"Ah...Eh...Jennifer,puwede ba ako humingi ng pabor?" Tumango ako.
"Puwede ba kami ni Rei na mag-stay ng dalawang araw sa bahay niyo?Huwag kang mag-alala,magiging mabait ako sa inyo at hindi ko kayo guguluhin.Pangako." Tumingin muna ako kay Dylan at sa mga magulang namin.Tumango din sila.
"Sige.Payag kami." Ano kaya ang gagawin nila doon sa bahay namin sa loob ng dalawang araw?Hmmm...Pumasok na ulit si Jake sa ICU para bantayan si Ate Rei.Sumilip kami sa pinto para makita kung anong ginagawa ni Jake.Nakaupo lang siya habang nakatingin siya kay Ate.Binuksan ng Daddy ni Jake ang pinto at pumasok na siya.Habang kami ay nakikinig lang.He patted his shoulder.
"JC anak,umuwi ka muna.Alam kong pagod ka na."
"Hindi pa po ako pagod,Dad.Hihintayin ko munang gumising si Rei bago ako umuwi." Maya-maya,lumabas na ang Daddy niya.
"Sige.Uuwi na ako." Umalis na ang Daddy niya.Huminga ako ng malalim.Pumasok na ako sa ICU.Sumunod naman si Mommy.
"Jake,kami na bahala dito.Kami na muna ang magbabantay sa kanya.Umuwi ka muna para makapagpahinga ka.Babalitaan ka na lang namin kapag gising na si Rei.Bumalik ka na lang sa susunod na araw." Napatingin siya sa amin.Tumango siya.
"Mukhang kailangan ko munang magpahinga.Babalik rin po ako.Sa susunod na araw.O sige po,uuwi na po ako." Tumayo na siya pero bago umalis,lumapit siya kay Ate Rei.
"Rei,uuwi muna ako para makapagpahinga kahit isa o dalawang araw lang.Babalik ako sa'yo.Pangako." He kissed her forehead.Umalis na siya para umuwi.Huminga kami ng malalim ni Mommy.Umupo si Mommy sa upuan kung saan nakaupo kanina si Jake.Hinawakan ni Mommy ang kamay niya ng mahigpit.
"Anak,naalala mo ba noong eight years old ka pa?Lagi kong pinapalo ang mga kapatid mo na si Kristine...kasi makulit siya,palabiro atsaka tamad.Gustung gusto kong iwanan ang Papa mo dahil...hindi ko siya mahal pero hindi ko magawa dahil sa'yo.Lagi mo akong inaawat na itigil ko na ang pagpalo sa mga kapatid mo.Ang Kuya Jacob mo naman,mabait rin siya hanggang sa lumaki ang ulo kaya ayun,hindi na ako ginalang.Alam mo,ang Ate Sophia mo,manang-mana siya sa akin.Bakit?Noong kasing edad ko si Sophia,lagi akong sumasali sa mga beauty contest pero ayaw ng lolo mo kasi...strikto siya.Lagi niyang kinokontrol ang buhay ko.Ganun din ang ginawa ng Ate Sophia mo.At ang Ate Charlotte mo,masipag mag-aral,topnotcher,mahilig maglaro...pero alam mo kung ano ikinainis ko?Bata pa lang siya pero...bully na siya sa school.Kaya hindi kita kayang paluin....kasi....napakabait mo.Lagi mong binibigyan ng baon mo 'yung mga kaklase mo,hindi ka nagrereklamo,sinusunod mo yung mga payo namin sa'yo,palaban ka at higit sa lahat,mabait ka sa lahat ng tao.Anak...Sana gumising ka na...Kasi nasasaktan na ako na...makita kang nasa ganitong sitwasyon.Please...Don't give up...Anak ko..." First time kong narinig na nagkuwento si Mommy ng ganito.Mabait talaga si Ate Rei.First time kong magkaroon ng kapatid kahit anak siya ni Mommy sa unang asawa niya.Nakita ko na gumagalaw ang daliri niya.Am I hallucinating?Kinusut-kusot ko ang mga mata ko para makita kung gumagalaw talaga ang mga daliri niya.Nang madapo ang tingin ko sa mga mata niya,nakadilat na ito.Lumapit agad ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓
RomanceHindi alam ng marami na may tinatagong sikreto ang lahat ng tao.Walang lihim na hindi nabubunyag.Tulad ni Rei,marami siyang tinatagong sikreto pero may isa siyang sikreto na hindi dapat malaman ng ibang tao,lalo na si Carlo.Hindi nila alam na may le...