Chapter 50 In Pampanga

128 2 0
                                    

Jennifer POV

Nagbihis na ako ng dress na hanggang tuhod at ng blazer.Pupunta daw kami sa Pampanga sabi ni Mommy para matupad ang pangarap ni Ate Rei na makasakay sa hot air balloon.Sigurado ako na magiging masaya siya.Ako rin.Gusto ko ring makasakay sa hot air balloon simula bata pa ako.Kaya nga masayang masaya ako dahil kasama ang kapatid ko.Sumakay na kami sa kani-kanilang kotse.

*After 2 hours*

Lumabas na kami ng kotse.Natulala ako dahil sa ganda ng Clark,Pampanga.Sigurado ako na mag-e-enjoy talaga kami dito.I'm so excited.Hmmm...Ano kaya ang magandang gawin dito sa Pampanga?Six days na lang,birthday ko na sa June 5.Hmmm...

"Ate Rei,sigurado ako na magiging masaya tayo dito sa Pampanga.Anong gusto mong puntahan natin mamaya?" Ngumiti siya.

"Kahit saan,basta kasama ko kayong lahat." Napangiti rin ako.Niyakap ko siya ng mahigpit.Ayokong mawalan ng kapatid.Kahit nag-iisa lang akong anak ng Mommy at Daddy ko,kahit hindi ko naranasan ang magkaroon ng kapatid noon,basta ayokong maramdaman kung paano mawawala si Ate Rei sa akin.Ang sarap pala sa pakiramdam 'yung magkaroon ka ng kapatid kahit half,step o adopted sister/brother.

"Aish!Ang gulo na ng buhok mo,Jennifer.Halika nga dito.Aayusin ko ang buhok mo." Pinaupo niya ako sa kama,kumuha siya ng suklay at sinuklayan niya ang buhok ko.I blushed.Tapos may nilagay siyang hairclip sa buhok ko.Kinuha ko ang salamin ko at tinignan ang itsura ko.Wooooow...

"Do you like it?" I nodded my head.A flower hair clip.Nagpasalamat ako.

*Next Day*

Sumakay na kaming lahat sa kotse papunta sa hot air balloon.I'm so excited.Ano kaya ang regalo nila para sa akin?Malapit na ang birthday ko kaya dito kami magc-celebrate sa Pampanga.Sana hindi mahimatay si Ate Rei sa araw ng birthday ko.Inalalayan kami ni Dylan ng isang professional at sumakay na kami sa hot air balloon.Maya-maya,umakyat na sa itaas ang hot air balloon na may tali nga lang sa ibaba.Para hindi lumipad ng mataas ang hot air balloon.Niyakap ko si Dylan dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.He hugged me back.

"Thank you for this gift.I love you,Dylan." 

"Advance happy birthday.I love you too,Jennifer." 

"HOOOOOOOY,ANG SWEET NIYO NAMAN DIYAN!" Boses 'yon ni Ate Rei.Pero nasaan siya?Nagulat ako dahil nakasakay rin sila ni Jake sa hot air balloon.What the---.Aish!Si Ate Rei talaga.Mga ilang minuto na ang lumipas,bumaba na kami at umalis sa hot air balloon.Ang sarap pala sa pakiramdam 'yung magkaroon ka ng kapatid.

Rei POV

My thirteenth wish is....Success!Huminga ako ng malalim.Grabe,ang saya palang sumakay sa hot air balloon.Pero...Nakakalula kasi mataas!Binack-hug ako ni Carlo.

"Are you happy,Rei ko?" I nodded my head happily.Mga ilang minuto na ang lumipas,umalis na kami sa hot air balloon.

"Ang sayaaaaaaaaaaaaa!" Niyakap ko si Carlo ng mahigpit.He hugged me back.Bumalik na kami sa kani-kanilang kwarto dito sa rest house ng Villanueva Family.Pumasok na ako sa banyo para maligo.Mga ilang minuto na ang lumipas ay tapos na rin akong maligo at nagbihis na rin.Lumabas na ako para kumain sa restaurant.Kumain na kaming lahat.

"Mommy,Daddy,puwede po ba kami pumunta ulit ni Carlo sa Tagaytay?Please?Babalik kami mamaya dito sa Pampanga.Promise." I pouted.Pumayag sila.Two days and one night lang kaming lahat dito pagkatapos ay uuwi rin kaming lahat sa Pasig.Pero bago kami umuwi,bibisitahin namin si Tita Sandra sa Tagaytay.

*After 3 hours*

Nakarating na rin kami sa wakas dito sa Tagaytay.Bwiset talaga!Ang traffic kanina bago pa kami makarating dito.Arrrrrrrrrrrgh...Kumatok na si Carlo.Maya-maya,bumukas na ang pinto at ang bumungad sa amin ay si Jayson.Ang pinsan ko.

"Kuya JC!" Niyakap niya si Carlo.Pumasok na kami sa dati naming naging kwarto.Tinanong niya kung nasaan si Tita Sandra pero ang sabi ni Jayson ay nasa flower farm daw kaya pumunta kami ni Carlo doon.

"Tita!" Lumapit si Tita Sandra nang narinig niya ang boses ni Carlo at niyakap kami.

"Kumusta na kayo?Naku!Sana nagsabi kayo na pupunta pala kayo.Hindi tuloy ako nakapaghanda." sabi niya.Umuwi na kami sa bahay kasama si Tita.Pinakita namin sa kanya ang suot-suot naming wedding ring.

"Wooow...Mag-asawa na pala kayo?Sinasabi ko na nga ba na kayo talaga ang para sa isa't isa.Sayang.Hindi tuloy ako nakapunta sa kasal ninyo.Atsaka,wala man lang akong regalo na binigay sa inyo.Pasensya na kayong dalawa." Bumuntong hininga ako. 

"OK lang po 'yun,Tita." 

"No.Dapat may regalo rin kayong natatanggap mula sa akin.Sandali lang.Babalik ako." Umalis si Tita at makalipas ang tatlumpung minuto,nakabalik na siya na may dalang maliit na paso na may bulaklak na limang pirasong tulips at kulay yellow pa.Wow.Ang ganda.

"Salamat po,Tita." sabi ni Carlo.Nagpasalamat rin ako.Nagpaalam na kami kay Tita na babalik na kami sa Pampanga.Umalis na kami.Nagdrive na si Carlo pabalik sa Pampanga.

"Carlo,may request ako sa'yo.Puwedeng ako ang magdrive ng kotse pabalik sa Pasig mamaya?" Bigla niyang pinahinto ang kotse.Napatingin siya sa akin na parang nagulat.

"Ikaw ang magmamaneho mamaya pag-uwi natin sa Pasig?" I shrugged my shoulder.

"Wala namang masama doon.Atsaka,marunong akong mag-drive ng kotse at motor.Mayroon naman akong driver's license.Kaya huwag kang mag-alala." He gulped.Pumayag siya.Maya-maya,nakarating na kami sa Pampanga.Nagpahinga muna ako ng ilang oras bago umuwi sa Pasig.

*After 2 hours*

Nakahanda na ang lahat sa pag-uwi namin sa Pasig.Nagpicturan kaming lahat bago kami umalis at noong nasa hot air balloon kami nakasakay.Nakasakay na kami ni Carlo sa kotse niya at pinaharurot ko ito ng mabilis pauwi sa Pasig.

"Rei,mamamatay tayo sa klase ng pagmamaneho mo ng kotse kooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo...Magdahan-dahan ka naman kahit konti!" Tumawa na lang ako.Maya-maya,binagalan ko ang pagmamaneho.125 kph ang takbo ng kotse kanina kaya medyo binagalan ko ng konti dahil malapit na kami sa Pasig.Maya-maya,nakauwi na rin kami sa bahay.Nakita ko si Carlo na parang nanginginig sa takot at nakatulala.Tinapik-tapik ko ang balikat niya.

"Ayos ka lang ba,Carlo?Pasensya ka na kung masyadong mabilis ang pagmamaneho ko." Niyakap ko na lang siya.He hugged me back.Pinasok na ni Carlo ang mga gamit namin sa loob ng bahay.Dumaan muna ako sa garden at doon ko inilagay ang paso na may limang yellow tulips na katabi ng Tea Rose at Statice.Kumain na kami.

"Rei ko,turuan mo naman akong magluto ng adobo.Paborito ko kasi 'yun at ang sarap-sarap kasi kaya hinahanap-hanap ko.Sige na,Rei ko.Please?Pumayag ka na." Nagpapa-cute pa siya sa harap ko para lang pumayag ako na turuan siya.Bihira niya lang 'tong gawin sa buong buhay niya kaya nakakahiya para sa kanya pero sa tingin ko,unti-unti na siyang nasasanay.

"Oo na.Oo na.Basta bukas na lang kita tuturuan kung paano magluto ng adobo." Bigla niya akong niyakap.

"Ang swerte-swerte ko talaga dahil ikaw ang minahal,pinakasalan at napangasawa ko.Kaya nga,mahal kita eh." Kyaaaaa...Parang namumula ang pisngi ko.

"Suuus!Nambola ka pa." I hugged him back.We leaned our forehead to each other.

"Siya nga pala,'yung mga ingredients para sa Mango Cake!Nakalimutan kong bumili!" Haaaay...Naku naman.Sa lahat ng dapat kong kalimutan,bakit 'yun pa?!AISH!You're so stupid,Rei!

"Rei,don't panic.Okay?Nakabili na ako noong isang araw pa.Kaya lang,wala nga lang mangga.Kaya wala kang dapat alalahanin dahil ako na ang gumawa ng paraan." Ginawa niya 'yun lahat?Para sa akin?Nagpasalamat ako.

"You're the best husband that I have in my life.I love you,Carlo ko."

"And you're the best wife that I have in my life too.I love you too,Rei ko." 

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon