Jake Carlo POV
Nandito na ako sa trabaho ko.Kapag nandito ako sa trabaho,hindi ko maiwasang mag-alala kay Rei.Lumapit sa akin si Eric.Inakbayan niya ako.
"JC,kumusta ang buhay ng may asawa?How's your honeymoon?" Pakiramdam ko,namumula ang tenga ko sa mga tanong ng Boss ko.
"Huwag mo na sabihin.Alam ko na 'yon.Hahahahahahahaha..." Aish!Nagsimula na akong magtrabaho.Mga dalawang oras na ang lumipas,sa wakas,lunch time na rin naming lahat.Hmmm...Kumusta na kaya si Rei?Kapag wala kasi ako sa tabi niya,hindi ko maiwasang mag-alala lalo pa't mag-isa lang siya sa bahay.Tapos may sakit pa siya.Kinain ko na lang ang nasa lunch box ko na hinanda ni Rei para sa akin.Haaay...Ang asawa ko talaga.Napailing tuloy ako dahil sa pagkain na ginawa niya na nasa lunchbox.Napangiti ako.Ang sweet talaga ng asawa ko sa akin.Kumain na ako.After one hour,bumalik na ako sa trabaho ko.The best talaga magluto ang asawa ko.
>>>>>>>>>>>>>Fast Forward>>>>>>>>>>>>>
Gaya ng sabi ko kanina,nagdala talaga ako ng makakain namin ni Rei.Pinindot ko ang doorbell.Maya-maya,binuksan na ni Rei ang gate,pumasok na sa loob at kumain na.Ganito pala ang pakiramdam ng may asawa.Masarap sa pakiramdam.
*Next Day*
Pumasok na ulit ako sa trabaho.Lunchtime namin ngayon.Hmmm...Ang sarap ng pagkain na ginawa ng asawa ko para sa akin.Kasi paborito ko ang niluto niya.Ang adobo.Mainggit kayo.Hahahahahahaha....Joke lang.Habang kumakain ako,biglang tumunog ang cellphone ko.Si Jennifer.Tumatawag sa akin si Jennifer.Nang pinindot ko ang cellphone ko para marinig ko ang kausap,bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Hello,Jennifer."
"(Hello,Jake!Pumunta ka dito sa ospital...bigla na lang sumuka ng dugo si Ate Rei at nahimatay pa siya!)" Doon na ako nagsimulang nerbyusin.Pinatay ko ang cellphone ko at tinanggal ang helmet ko.Dali-dali akong umalis papunta sa ospital para malaman kung anong lagay ng asawa ko at para maalagaan ko na rin siya.Nagdrive ako papunta sa ospital.Pagdating ko,nadatnan ko silang lahat na nakaupo habang naghihintay sa paglabas ng doktor.Maya-maya,lumabas na ang doktor at agad kaming lumapit sa kanya.
"Stable na ang condition niya ngayon.Pero...Kailangan pa rin ng tripleng ingat.At kailangan lang ilipat siya sa ICU para maobserbahan namin ang kalagayan niya." sabi ng doktor.Nakahinga kami ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor.Umalis na ang doktor.Bago kami pumasok,nagsuot muna kami ng damit na kagaya sa mga doktor na nag-oopera.Pumasok na ako sa loob.Hinawakan ko ang kamay niya.I closed my eyes.And then,I pray.
"Lord,huwag niyo munang kukunin ang asawa ko.Mahal na mahal ko po siya.Maawa po kayo.Alam kong madami akong nagawang kasalanan sa kanya pero...pinagsisihan ko na ang lahat ng 'yun.Kung galit kayo sa akin,ako na lang ang parusahan niyo.Kahit anong parusa,tatanggapin ko po.Basta huwag lang masaktan ang asawa ko.Sana pakinggan niyo ako kahit konti.Isa lang naman ang hiling ko.Gusto ko pa siya makasama ng matagal.Huwag niyo po siyang pahirapan ng ganito.Please...Ako na lang ang kunin niyo.Parang awa niyo na.Sana makinig po kayo sa akin."
Hinding hindi ko iiwan ang asawa ko na nasa ganitong sitwasyon.I want to stay by her side.Forever.Gagawin ko ang lahat para sa kanya.Handa akong iwan ang lahat para lang sa kanya.Oo.Ganoon ko siya kamahal.Mahal na mahal.I leaned down to her and I whispered to her ear.
"Rei,aalis muna ako.Babalik rin ako sa'yo mamaya.Bibisitahin kita dito araw-araw.But now,I have to do something just to make sure that we're not in a long distance.Pangako,ito na ang huli na magkakahiwalay tayo.I promise that." I kissed her forehead.Umalis na ako.Nagdrive na ako pabalik sa trabaho.Alam kong aabot na hanggang umaga ang pagsesermon sa akin ni Eric kaya uunahan ko na siya bago pa niya magawa 'yun.Kinuha ko ang resignation letter na ginawa ko kahapon.Ito lang ang tanging paraan para makasama ko lang siya araw-araw.Nandito na ako sa trabaho ko.At paglabas ko ng kotse,nakita ko na agad si Eric.Lumapit agad ako sa kanya.
"Jake,buti naman at dumating ka na rin sa wakas.Bakit bigla ka na lang umalis ng walang paalam?!Bumalik ka na sa trabaho.Bilis!" pagsesermon sa akin ni Eric.Huminga ako ng malalim.
"Boss...Puwede po ba tayong mag-usap?" Pumayag naman siya.Dumiretso kami sa office niya.Pero bago 'yon,kinuha ko ang helmet na binigay sa akin ni Eric at 'yung mga gamit ko na hinanda ni Rei para sa akin.Umupo na siya.Huminga ulit ako ng malalim.Nakatayo lang ako sa harap niya.Inilagay ko ang resignation letter ko sa lamesa niya.Napabuntong hininga siya.
"Are you sure to your decision,Jake?" malumanay niyang tanong.I nodded my head.Ibinalik ko ang binigay niya sa akin na helmet na galing sa kompanya na ginagawa namin na building.Isa akong civil engineering kaya naman gumagawa kami ng mga building.At ngayon,hindi na muna ako magt-trabaho dahil babantayan at aalagaan ko ang asawa ko.Bumuntong hininga ako.
"If you need some help,we're here for you.I understand that she needs you.Pero...Kung kailangan mo ng trabaho,bumalik ka at tatanggapin ka pa rin namin." Nagbow ako sa kanya bilang pasasalamat dahil siya ang nag-hire sa akin dito.
"You may go now." I nodded my head.Lumabas na ako ng office.Umalis na ako at bumalik sa ospital.Napangiti tuloy ako dahil sa ginawa kong desisyon.
"Saan ka galing,Jake?" tanong ni Dylan.
"Iniwan ko na ang trabaho ko.Para lang kay Rei."
"What?!!!!You mean,nag-resign ka na sa trabaho?!!!" Tumango ako.Ngumiti ako na may kasamang pait.Napabuntong hininga siya.He crossed his arms.
"Are you sure to your decision,Jake?I mean...Alam ng lahat na mahal mo ang trabaho mo,pero sana maisip mo na kung paano ka mabubuhay kung wala kang trabaho.Kung gusto mo,magtrabaho ka muna doon sa restaurant namin.Mahirap na ang buhay ngayon." Wala na akong pakialam sa sarili ko.Ang tanging laman ng isip ko ay si Rei lang.Wala ng iba.
"Salamat na lang,Dylan.May natitira pa naman akong pera sa bangko para sa amin ni Rei." Maya-maya,may kinuha siya sa kanyang bulsa at sinulatan niya ito.Binigay niya ito sa akin.Wait!Ito 'yung...
"Dylan,sobra-sobra naman yata 'tong binibigay mo sa akin---." Isasauli ko sana ang tseke na may nakasulat na two million pesos,kaya lang,tumanggi siya.
"Kunin mo na,Jake.Para sa inyong dalawa 'yan." sabi ni Dylan.Nagpasalamat ako.Buti naman,may mga handang tumulong sa amin kahit papaano.Kung wala si Rei,paano na ako?Hindi ko kayang mabuhay ng wala si Rei.Kahit ako na lang ang parusahan,huwag lang si Rei.
Author's note:Hello,readers.Do you like the new chapter?Hope that you like it.Don't mind my errors.Sorry for the wrong grammars.I love you all.Salamat.Thank you.Xiexie.Arigatou.Kamsahamnida.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓
RomanceHindi alam ng marami na may tinatagong sikreto ang lahat ng tao.Walang lihim na hindi nabubunyag.Tulad ni Rei,marami siyang tinatagong sikreto pero may isa siyang sikreto na hindi dapat malaman ng ibang tao,lalo na si Carlo.Hindi nila alam na may le...