Chapter 10 Broken Friendships

150 2 0
                                    

Jake Carlo POV

Habang busy ako sa trabaho ko,tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.Aish!Busy ako sa trabaho ko tapos may tumatawag sa akin!Sino ba naman ito?!Parang umaapoy ang ulo ko sa sobrang init ng ulo ko.Kinuha ko naman ito at sinagot ang tawag.

"HELLO?!SINO BA 'TO?!" 

"(Ah...Eh...Hello,C-C-C-Carlo.Pasensya ka na kung naistorbo kita.M-M-Mukhang busy ka,kaya mamaya na lang kita t-t-t-tatawagin.)"

"S-S-S-S-Sandali----."

*toot toot toot toot*

Aish!Si Rei lang pala ang tumatawag sa akin.Teka!Si Rei?Nasigawan ko siya?!Lagot!I'm so stupid.Arrrrrrgh...Baka magtampo siya sa akin.Ayokong nagtatampo sa akin ang girlfriend ko kaya gagawa ako ng paraan para ayusin ito.

Ikaw naman kasi,Jake,sa susunod,tignan mo muna kung sino ang tumatawag sa'yo bago ka sumabog na parang isang bulkan.

Opo,Ms. Author.Sa susunod po,titignan ko na po kung sino ang kinakausap ko bago po ako magpalabas ng inis.Matawagan ko nga ulit si Rei.Di-nial ko ang number niya at nag-ring na ito ng dalawang beses hanggang sa sinagot niya kaagad.

"(Akala ko ba busy ka,Jake?)" Napaawang ang bibig ko.Bakit parang ang cold ng boses niya ngayon?

"Ah...Eh...Rei,pwede ba tayong magkita sa Videoke Bar & Restaurant pagkatapos ko dito sa trabaho ko?Promise,ililibre kita ng masarap na pagkain.Atsaka,magsama ka na rin ng mga kaibigan para mas masaya." Hmmm...Ang tagal naman niyang sumagot.After a few minutes,pumayag na rin siya sa wakas.Kung isama ko kaya si Jennifer?Para makilala na niya ang totoong girlfriend ko.

"Ah...Eh...Rei,magkita na lang tayo mamaya.Busy pa kasi ako." Ininom ko ang coffee na nasa lamesa.

"(Ganun ba?Okay.Huwag kang masyadong magpagod sa trabaho.I love you.)"

Napatigil ako sa pag-inom ng coffee.Parang nabingi yata ako.I love you?

"('Yun naman ang role ko sa buhay mo,diba?Girlfriend mo ako kaya dapat lang na ginagawa ko ang part ko.I-I-I-I mean,I love you,bestfriend.Bye.)"

*toot toot toot toot*

Napabuntong hininga na lang ako.Buti na lang,hindi ito nauwi sa totohanan.Kung magiging totoo ito,siguradong hihiwalayin ako ni Jennifer.Kailangan kong makagawa ng paraan para hindi ako mahulog kay Rei.Dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya.

Rei POV

Buti na lang,binawi ko kanina ang mga sinabi ko kay Carlo.Ang galing ko talagang magtago ng nararamdaman ko at ang galing kong magtago ng sikreto.Great.=_= Hmmm...Kung isama ko kaya si Oliver?Paniguradong mag-e-enjoy 'yun.Mahilig kumanta si Oliver pero ang problema,yung boses niya na parang basag.Kaya kapag narinig naming kumakanta si Oliver,takpan niyo na ang mga tenga ninyo dahil baka mabingi kayo sa sobrang sakit.Tinawagan ko si Oliver.

"(Hello,Rei.Bakit ka napatawag?)"

"Oliver,gusto mo bang magrelax kasama ko?Pupunta tayo sa Videoke Bar & Restaurant.Diba mahilig kang kumanta?Kaya please,samahan mo ako.Please." After a few minutes,pumayag na rin siya.Pinatay ko na ang cellphone ko.

>>>>>>>>>>>Fast Forward>>>>>>>>>>>>>>>>

Lumabas na ako ng kotse ni Oliver at pumasok na kami sa loob ng restaurant para hanapin ang mga bisita.Nakita ko sina Carlo,Jennifer at si...Dylan.Naku po!Malaking gulo ito kapag nalaman ni Carlo na may fiance na si Jennifer.Nang makita ako ni Jennifer,lumapit siya sa akin kasama si Dylan.

"Hi Ate Rei.Hi Oliver." Naghello din kami.Nagyakapan kaming apat.

"Nandito si Jake.Alam ko na kaibigan mo siya kaya huwag mong sasabihin sa kanya na kasama ko ang fiance ko.Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko at wala ng iba.Okay?" bulong niya sa akin.Tumango na lang ako.Lumapit ako kay Carlo.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon