Chapter 43 New Necklace

123 2 0
                                    

Dylan POV

Huli na ang lahat para sa akin.Pero...Nandito pa rin si Jennifer.Kapag nalaman niya na may crush ako sa kanya,hindi ko alam kung anong mangyayari.Paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya.'Yun lang.Wala ng iba.Kakalimutan ko na ang feelings ko para sa kanya.Tutal naman,may asawa na siya.Malapit na kaming ikasal ni Jennifer.Haaaaay...Bakit ba kasi ako nahulog sa kanya?!!!Bullsh*t!Sasabihin ko na sa kanya bago pa ako magpaalam sa nararamdaman ko para sa kanya.Lumapit ako sa kanya.I inhaled.

"Ah...Eh...Rei,puwede ba tayong mag-usap?Isama mo na rin si Jake.Jennifer,sumama ka na rin sa amin." Pumayag siya.Dinala ko sila sa office ni Jennifer.Umupo na kaming lahat sa kanya-kanyang upuan.Huminga ako ng malalim.

"Peach,anong sasabihin mo kay Ate Rei?" Lumingon ako kay Jennifer.I cupped her face.

"Ah...Eh...Jennifer,do you love me after these conversation?" 

"Wait!Dylan,I don't understand what you're talking about." Bumuntong hininga si Rei.

"May gusto ka sa akin.Tama ba ako,Dylan?" Boom!Diniretso niya talaga.Humarap ako sa kanya.I shyly nodded.Ngumiti siya.What the---.

"Pero...Hanggang doon lang 'yon.I like you,Rei.Bago ako magpakasal kay Jennifer...gusto kong...malaman mo na..."  Rei giggled.Nagulat kami.

"Alam ko na 'yon.Kaya ba nahihiya ka sa akin kapag kaharap mo ako dahil...gusto mo ako?Am I right?" Tumawa siya.Maya-maya,bigla siyang sumeryoso.

"Dylan,listen to me.Okay lang na may gusto ka sa akin,pero...huwag mo lang akong mahalin.Isang kapatid o kaibigan lang ang turing ko sa'yo.Hanggang 'dun lang 'yon.Wala nang iba.Masasaktan ka lang kapag minahal mo ako.Ah,oo nga pala,may hiling ako sa'yo.Magiging brother in-law na kita kaya sana....alagaan mo si Jennifer.Baka nga...Kapag dumating na ang kasal ninyo...wala na ako.Wala nang poprotekta sa kapatid ko.Pinapaubaya ko na siya sa'yo,Dylan." Tinignan niya si Jake.Tumango siya.Niyakap ako ni Rei.

"Jennifer,huwag kang magselos sa akin.Friendly hug lang 'to,ha?" Tumango si Jennifer.Niyakap ko rin si Jennifer.Umiiyak rin siya.Tumayo na kaming lahat pero...biglang nawalan ng malay si Rei.

Jennifer POV

Binuhat ni Jake si Ate Rei ng pa-bridal style.Lumabas na kami ng restaurant at sumakay sa kotse.Si Dylan ang nagmaneho papuntang ospital.

"Ate Rei,huwag ka munang bibitaw,ha?Malapit na tayo sa ospital.Malapit na tayo.Please.Lumaban ka." Mga ilang minuto na ang lumipas,sa wakas,nandito na rin kami sa ospital.Inihiga nila si Ate Rei sa isang hospital bed at idiniretso siya sa ER.Nang malapit na kami sa pintuan ng ER,doon na kami hinarang ng mga nurse.

"Pasensya na po.Hindi po kayo puwedeng pumasok." Pumasok na ang mga nurse sa ER at isinarado ang pinto.Napaupo na lang kami.Tinawagan ko sina Mommy at Daddy para sabihin kung anong nangyari kay Ate Rei.Mga isang oras na ang lumipas,nandito na silang lahat at tamang-tama lang ang dating nila dahil lumabas na ang doktor sa ER.Lumapit kami sa doktor para alamin kung anong kalagayan ni Ate Rei.Kinakabahan ako.

Lord,sana okay lang si Ate Rei.Huwag mo po siyang pababayaan.Huwag niyo muna kukunin siya sa amin.Please.

"Hindi maganda ang kalagayan niya ngayon dahil sa komplikasyon ng dugo niya.Habang tumatagal,palala nang palala ang kondisyon ng pasyente.Sa tingin ko,mayroong 40% para magising siya.Sa tingin ko rin....hindi na siya magtatagal.I'm sorry." Umalis na ang doktor.Parang nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi ng doktor.Niyakap ni Daddy si Mommy.Niyakap rin ako ni Dylan.Bakit ganun?Bakit kailangang mangyari ito kay Ate Rei at sa aming lahat?Habang si Jake naman ay natulala.Pero...Ramdam ko na nasasaktan rin siya.Ano ba ang ginawa naming mali?Gusto ko pang makasama ang kapatid ko.Maya-maya,inilipat na siya sa isang room.Naghihintay lang kami na gumising siya para makausap na namin siya.Pumasok na kami sa loob ng kwarto.Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ate Rei....gumising ka na.Mahal na mahal ka namin.Don't give up.I love you,Ate Rei.Please?Wake up." Hanggang kailan ba kami iiyak?Hanggang kailan ba kami masasaktan nang ganito?

"Sana gumising ka na,Rei.Pakiramdam namin,parang mababaliw na kami kapag...nawala ka sa amin...Parang...Mawawalan kami ng isang kaibigan...o kaya naman...ng isang kapatid...Kaya huwag muna,Rei.P-P-P-Please?" sabi ni Stella habang magkahawak-kamay sila ni Oliver.

"Rei,please.Lumaban ka...Mahal na mahal kita...Alam kong...naririnig mo ang boses ko,d-d-d-diba?Sana gumising ka na,Rei...Kasi...Hindi ko kakayanin...Atsaka,madami pa tayong gagawin...Kaya naman...huwag muna ngayon....Please,don't leave me...Don't give up...I love you,Rei..." sabi ni Jake habang hawak-hawak ang kamay ni Ate at umiiyak rin.

"Umuwi na muna tayo.Bukas na lang tayo bumalik para bantayan si Rei." sabi ni Mommy.

"Ako na po ang magbabantay sa kanya." pagb-boluntaryo ni Jake.Si Mommy,binigyan si Jake ng 'are-you-serious-look'.

"Asawa ko po siya at hinding hindi ko po siya pababayaan." sabi niya ulit.Pumayag si Mommy na si Jake ang mag-alaga kay Ate Rei.Umalis na ang lahat para umuwi na.Napaka-sweet ni Jake kay Ate Rei.Inaalalayan niya ito na parang prinsesa.Nakakainggit! >////< Umuwi na rin kami ni Dylan.Pagdating namin sa bahay,hinigit ako ni Dylan sa bewang at--------.He kissed me.I kissed him back.Our lips parted.We leaned our forehead to each other.

"I love you,Peach."

"I love you more,Peaches."

Kumain na kami kanina sa ospital kaya ang gagawin na lang namin ay matulog.Nakakapagod ang mga nangyari ngayong araw na 'to.Ano kaya ang mangyayari bukas?Sana maging okay na si Ate Rei.

Jake Carlo POV

Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa nangyayari sa asawa ko.Wala akong magawa para sa kanya.Kapag iniisip ko ang sakit niya,lalo akong tumitibay sa mga pagsubok na binibigay sa aming lahat lalo na kay Rei.Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.Ang lambot ng kamay niya.At ang ganda niya talaga.I kissed the back of her hand.Humiga ako sa tabi niya na tamang-tama ang space para sa aming dalawa.I hugged her.I kissed her cheeks.Kailan kaya siya magigising?I closed my eyes and then,I fall asleep.

*Next Day*

Narinig ko na may gumising sa akin kaya napadilat ang mga mata ko.Kinusut-kusot ko ang mga mata ko.Naramdaman ko na may humalik sa pisngi ko.I closed my eyes once.I opened it.Nanlaki ang mga mata ko.

"Masarap ba ang tulog mo kagabi,Carlo ko?" She giggled.Napabangon ako bigla at niyakap ko siya agad-agad.

"Rei,mabuti naman at nagising ka na.Pinag-alala mo kami ng husto.Alam mo ba 'yon?" Hinahagod-hagod niya ang likod ko habang magkayakap kami.

"Rei,Anak!Mabuti naman at gising ka na!!" Si Mommy.Nandito silang lahat kaya nag-group-hug kami.

"Rei,siya nga pala si Jean.Kapatid ko siya." pagpapakilala ni Dylan kay Rei. 

"Hello po,Ate.Ang ganda niyo po pala sa personal.Para po kayong si Aphrodite na Goddess of Beauty.You're my idol." She's blushing.And it makes my heart beats faster.

"Carlo,may ibibigay pala ako sa'yo." Maya-maya,tinanggal niya ang kwintas sa leeg ko.At may bago siyang ikinabit sa leeg ko.Kwintas rin pero iba na siya.Hindi na isang susi na may angel wings kundi isang silver oval locket necklace.Ang ganda.

"Itago mo ang una kong binigay ko na kwintas sa'yo at itatago ko rin itong kwintas na 'to,Carlo.Ingatan mo 'yan ah?" Nakita ko na magkapareho kami ng kwintas na suot.Binuksan niya ang kanyang kwintas at nakita ko ang isang picture namin na magkaakbay.Tinignan ko rin 'yung akin at...parehong pareho kami ng picture na nakadikit sa kwintas.We hugged each other.I'm so happy that I've met this girl.I'm so happy to have her in my life.I'm so happy that I'm her husband.And I'm so lucky to be with her.Sana wala ng sakit si Rei.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon