Rei POV
Binuksan ko ang closet ko at naghanap ng damit para sa first date namin ni Carlo.I mean...My first date.Ever.Kaya nga sobra akong excited.Nagsuot ako ng gray t-shirt,black skin-fitted jeans & rubber shoes.Bakit ako nakasuot ng skin-fitted jeans?Para itago ko ang mga pasa at sugat sa binti ko.Lumabas na ako at nagulat ako dahil nakasandal siya sa kotse at nakacross-arms.Nang mapansin ako ni Carlo,inalalayan niya akong sumakay sa kotse.Sumakay na din siya.
"San mo gustong pumunta para sa first date natin?" he said with a smile.Shet,puwede ba akong matunaw dito sa kinauupuan ko?
"Sa puso mo." sabi ng isip ko.
"Sa Mall Of Asia tayo." Pumayag naman siya.Nagdrive na siya papuntang MOA.Mukhang mahaba-haba pa ang biyahe.Ano kaya kung matulog muna ako? *yawn* Umidlip muna ako.
**********************
"TULUNGAN MO AKO,PLEASE!" Hawak-hawak ko ang kamay niya habang tinutulungan ko siya na umakyat.Hindi ko hahayaang mamatay siya.
"HUWAG KANG MAG-ALALA.KUMAPIT KA LANG SA AKIN.ILILIGTAS KITA,PANGAKO." Wala akong pakialam kung nanginginig na ako sa sobrang sakit ng braso ko basta kailangan ko siyang iligtas.
"UGH!H-H-H-HINDI KO NA KAYA!PASENSYA KA NA KUNG NADAMAY KA PA DITO." Ngumiti muna siya bago niya binitawan ang kamay ko.Nakita ko kung paano siya nahulog sa 3rd floor ng lumang building.Pakiramdam ko,nanginginig ang buong katawan ko sa nangyari sa babaeng ito.
********************
"Rei!Rei!Wake up!" Idinilat ko ang mga mata ko.Ang lagkit ng pawis ko sa sobrang takot dahil sa napanaginipan ko.Mas lalong kumakabog ang dibdib ko dahil sa panaginip na 'yun.Hingal na hingal ako habang pinagpapawisan ang buo kong katawan.Laking gulat ko na lang nang yakapin ako ng mahigpit ni Carlo.
"Don't be scared,okay?Just relax.I'm here for you.Rei...It's just a dream.Relax.Ang isipin mo,walang mangyayaring masama ngayon.You should think about positive things.It's just a dream.Calm down." Hinahagod niya ang buhok ko.Hindi ko alam na...umiiyak na pala ako sa sobrang takot.Nanginginig ang buong katawan ko habang niyayakap ko siya.After 1 hour,nahimasmasan na rin ako sa wakas.
"Okay ka na,Rei?Kung hindi pa,iuuwi na lang kita at sa susunod na araw na lang natin ituloy itong date na 'to." he said.
"Okay na ako.Salamat sa pag-aalala mo para sa akin.Halika na,lumabas na tayo kasi nagugutom na ako.Nakakagutom pala kapag nasa biyahe." Lumabas na kami sa kotse.Pumasok na kami sa loob ng mall.Brrr...Ang lamig.Magkaholding-hands nga kami ngayon ni Carlo.
"Huwag kang aalis dito sa pwesto na 'to.I'm going to restroom.Okay?" Tumango ako.Umupo na lang ako sa bench.After 2 minutes,bumalik na si Carlo.Tumayo ako.Napansin ko na may dala siyang shopping bag.Binigay niya ito sa akin.
"Para sa akin?" paninigurado ko.Tumango siya.Kinuha ko ito at nagpasalamat ako.Hmmmm...Ano kaya ang laman nito?
"Can I open it?" tanong ko.Tumango na naman siya.Binuksan ko na ang shopping bag.Kinuha ko ang laman ng shopping bag at pakiramdam ko,may malaking ngiti sa aking labi.Isang scarf na kulay yellow.
"Do you like it?" Tumango ako.Niyakap ko siya.Nagpasalamat ako.Inilagay ko ang scarf sa leeg ko.Naglakad na kami.Bumili kami ng ticket para manuod ng sine at dumiretso na kami sa sinehan.Romance movie ang pinapanood namin ni Carlo kaya hindi ko maiwasang kiligin.Nang matapos na ang movie,lumabas na kami.Grabe,naiyak ako doon sa babaeng nagmamahal sa lalaking may malalang sakit.Ang ending,namatay ang lalaki at ang babae naman ay nabangga ng kotse kaya namatay.Napakatragic naman ng story na 'yon.Parang Romeo & Juliet lang.Parang ako lang.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓
Любовные романыHindi alam ng marami na may tinatagong sikreto ang lahat ng tao.Walang lihim na hindi nabubunyag.Tulad ni Rei,marami siyang tinatagong sikreto pero may isa siyang sikreto na hindi dapat malaman ng ibang tao,lalo na si Carlo.Hindi nila alam na may le...