Chapter 13

16.7K 295 0
                                    

(Author's POV : again . hahaha)

Natapos na rin ang party. Nakauwi na rin sila Althiya sa bahay nila. Hindi naman siya napagod kasi wala naman daw siyang ibang ginawa dun kundi makinig sa usapan ng mga matatanda. Isali mo pa dun ang pagtataka niya kay Laurene at sa kuya niya.

"Oppa!"

Pagtawag niya sa kuya niya. Nasa loob na sila ng bahay at papasok na sana sila sa kanilang mga kwarto.

"Mmm?"

"Uhm, pwede mag-tanong?"

"Ano yun princess?"

~Shemay!! Itatanong ko ba?? Aissh!!!~

"Ah, sino po 'yung nagmamanage ng business natin sa states?"

~Ay tokwa! Ewan ko sa'yo Althiya! Ba't naman 'yan ang tinanong mo?~

"Ba't mo naman natanong? Akala ko ba, wala kang interest sa business natin?"

Medyo natatawa pang tanong ni Aldwin kay Althiya.

"Ah, hehehe. Wala lang po, natanong ko lang naman."

"Si tita (mother of Yanni) ang nagma-manage ngayon dun. So ano, may tanong ka pa?"

"Ahh, wala na oppa. Sige pasok ka na."

"Sige. Good night princess. Pasok ka na rin."

"Good night oppa."

At pumasok na sila sa kanilang kwarto. Hindi na lang itinuloy ni Althiya ang kanyang tanong dahil nagdadalawang-isip siya na itanong iyon sa kanyang kapatid.

******Kinabukasan******

Sabay pumunta ng IPA si Althiya at Yanni. Syempre, dun nag-aaral si Althiya at dun naman nagtuturo si Yanni. Hinatid sila ni Aldwin.

"Oppa, ikaw rin ba magsusundo sa 'min mamaya?"

Tanong ni Althiya sa kuya niya pagkababa nila ng kotse.

"Yup. Pinag-day off ko muna si manong. At tyaka wala rin naman kasi akong gagawin rito."

"Swerte naman ni manong, dalawang beses magde-day off"

"Ayos lang yun Yanni. May sakit rin daw kasi yung anak niya. At tyaka, alam rin naman 'to ni papa."

"Sige, alis na kami oppa."

"Okay. Bye princess, bye yanni."

"Bye oppa!"

"K Bye."

Pumasok na sila Althiya sa loob.

"Althiya, hinahanap ka ni Miss Principal. Pumunta ka daw sa office niya pagkadating mo."

Sabi ni Alex kay Althiya. Kararating lang ni Althiya sa classroom nila at ito agad ang salubong sa kanya. Nilagay muna niya 'yung bag niya sa table niya at dumiretso na sa office ni Laurene. Medyo kinakabahan siya kasi wala naman siyang maalala na may nagawa siya at pangatlong araw niya pa lamang niya sa school na'to. Kinakabahan niyang kinatok ang pintuan ng office.

"Come in."

Sabi nung nasa loob. Binuksan niya ang pinto at nakita niya si Laurene na nagbabasa ng mga papers.

"Good morning po Ate Laurene."

"Oh, Althiya, come. Mabuti nandito ka na."

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon