(Renz’ POV)
Nandito ako ngayon sa park na malapit sa school. Hinihintay ko si Althiya habang kumakain ng kwek-kwek. Nasarapan kasi ako nung pinakain sa ‘kin ‘to ni Althiya kahapon. Akala ko nga madumi ‘to eh, street food nga kasi! Nasa street siya kaya pwede siyang maalibukan ng tambutso.
“Wow!” Napahinto ako sa pagkain at napalingun sa nag-salita.
“Ate? Anong ginagawa mo rito?”
“Diba dapat ako ang mag-tanong sa’yo niyan? Hindi usual sa’yo ang kumain ng street foods.” Napatitig naman ako sa hawak kong kwek-kwek.
“Tss, eh… sa masarap eh! Masisisi mo ba ‘ko?” Sabi ko sabay subo sa kwek-kwek.
“Hulaan ko, si Althiya ba nagpatikim sa’yo niyan?” Tanong niya sa ‘kin sabay lapit kay Manong-nagbebenta-ng-street-foods at bumili ng fishball.
“Pa’no mo naman nalaman?”
“Well, I just know.”
“Tss. K -___-“ Wala kong ganang sagot kay ate sabay subo ulit sa kinakain ko.
“May feelings ka na ba kay Althiya ngayon?” Bigla naman akong nabila-ukan sa tinanong ni ate.
“HA?! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo ate? Pinatikim niya lang sa ‘kin ‘tong kwek-kwek, may feelings na agad?”
“Yes.” Sarcastic na sagot ni ate. “Renz, nasasabi ko ‘to kasi, may napapansin na ‘ko sa titig mo kay Althiya.”
“Bakit, pa’no ba ‘ko tumitig kay Althiya?”
“Parang ‘yung titig mo lang din dati kay Anamarie.”
“Tss. Kainin mo na lang ‘yang fishball mo ate, gutom lang ‘yan!”
“Renz, nagse-selos ka ba kapag may kasamang ibang lalake si Althiya?” Napahinto ulit ako sa pagkain at napalingun kay ate.
“H-ha? H-hindi.” Sagot ko kay ate sabay focus ulit sa pagkain ko. HINDI NAMAN TALAGA EH!
“Lagi bang siya ang nasa isip mo?”
“H-hindi.” HINDI TALAGA!
“Kapag tinititigan mo ba siya ng matagal, biglang bumibilis ang tibok ng puso mo?”
“H-hindi!” HINDING-HINDI TALAGA!
“Really?” Napalingun naman ako kay ate, at tinitigan niya ‘ko ng nakakaloko.
“B-ba’t g-ganyan ka makati-ti-titig sa ‘kin?”
“Sinisigurado ko lang na hindi ka nagsisinungaling.” Sagot ni ate sa ‘kin habang nakatitig pa rin ng nakakaloko. May bigla naman akong naramdaman na guilt. SHEMAY!
“OO NA! OO NA! NAGSESELOS NA ‘KO KAPAG MAY KASAMA SIYANG IBANG LALAKE!” Lalo na ‘pag si Charles >_< “LAGI KO NA RIN SIYANG NAIIISIP!” Lalo na ‘pag wala akong ginagawa at kumakain ng oreo. “AT BUMIBILIS RIN ANG TIBOK NG PUSO KO KAPAG TINITITIGAN KO SIYA!”
Napansin ko namang nakatitig na sa ‘kin ang ibang tao sa park at nagpipigil na ng tawa si ate. Shemay, ganun ba talaga kalakas ang boses ko? Langya! -___- ATEEEEEE >_<
“Well, well, well. May feelings ka na nga para sa kanya. You already love her.”
“Nope. I think I don’t.” Sabi ko sabay yuko. Napansin ko namang napalingun sa ‘kin si ate.
“Bakit naman?”
“I think, kung mahal ko na talaga siya, siguro kasi… kamukha niya si Anamarie.”
“Kapag ba tinititigan mo siya, si Anamarie pa rin ang nakikita mo?” Napalingun ako kay ate. “No, right?” Tumangon ako. Yes, it’s true. Kapag tinititigan ko siya, si Althiya Kim ang nakikita ko. Si Althiya Kim ang dahilan kung bakit tumitibok ng mabilis ang puso ko.
Bigla namang tumunog ang cellphone ni ate kaya na-interrupt kami. Sinagot niya muna ‘to sandali then bumalik agad pagkatapos.
“Renz, I need to go na. Basta, inamin mo na na-inlove ka na kay Althiya, okay?”
“Tss. Oo na.” Then umalis na si ate pagkatapos. Right! I’m already inlove to Althiya Kim. Tss, ni hindi ko man lang namalayan na nagka-crush ako sa kanya. Diba dapat una mong magiging crush ang isang tao bago ka ma-inlove sa kanya?
“LAURENCE!” Napalingun ako sa tumawag. THE F*CK!
“Tss, anong ginagawa niyo rito?”
“Nakita ka kasi namin rito kaya nilapitan ka namin. Ang tagal ka naming hinanap pre!” Sabi ni Fred sabay akbay sa ‘kin.
Si Fred ang leader ng kinabibilangan kong gang dati. Ewan ko ba kung bakit nandito siya ngayon kasama ang apat ko pang ka gangmate dati.
“Ba’t niyo naman ako hinahanap?” Tanong ko sa kanya sabay tanggal ng braso niya na naka-akbay sa balikat ko.
“Kasi, may bagong laban tayo. At ikaw ang hinahanap nilang makakalaban. At kung hindi ka namin madadala, makukuha nila ang lugar natin!” Ang tinutukoy ni Fred na lugar is ang underground. Diyan nagaganap ang mga gang battle.
“Ano namang pake ko kung makukuha nila ang underground?”
“Pake? Pare, ano bang nangyayari sa’yo? Syempre may pake ka dahil ikaw ang kanang kamay ko.”
“Fred, ‘di niyo ba halata? Hindi na nga ako sumasama sa inyo eh! Kaya ‘wag niyo na akong isali sa laban.” Aalis na sana ako pagkatapos kong sabihin ‘yun ng bigla akong tawagin ni Fred. Medyo naiinis akong lumingon sa kanya.
“Ano?!”
“Hindi mo kami pwedeng talikuran.”
“What? Seryoso ka sa sinabi mo, Fred? Pwede kong talikuran ang gusto kong talikuran, at wala ka ng magagawa dun.”
“Tss. Laurence Francisco, pagsisihan mo ‘tong ginawa mo!”
“Okaaay! Natatakot na ‘ko.” Sarcastic kong sagot sa kanila. Nakita ko namang uminis ang mukha ni Fred bago sila umalis.
“Renz!” Napalingun ako sa tumawag.
“Althiya!” Tumakbo ako papunta sa kanya.
“Sino ‘yung mga kausap mo?” Tanong niya na nakatitig kanila Fred. Nung lumingon ako ulit kanila Fred, binigyan niya ‘ko ng evil smile. Mukhang may pina-plano talaga sila.
“Wala. Mga nagtatanong lang ng direksyon.” Sagot ko sa kanya.
“Ahh. Teka, kumain ka ng kwek-kwek?”
“Oo. May problema ba?”
“Wala naman.” Sagot niya sabay ngiti ng nakakaloko. Tss, tinutukso na siguro ako nito sa utak niya -___- “So, uwi na tayo?”
“Sige, tara na.”
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Ficção Adolescente[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...