Chapter 47

12.7K 236 1
                                    

Naalimpungatan ako sa narinig kong bumagsak galing sa hallway. Jusmiyo! Sino ba ‘tong nangbubulahaw sa kalagitnaan ng alas-dos ng madaling araw?! 2 hours pa lang kaya ako nakakatulog! Alas-dose na kasi kami naka-uwi ni Renz galing sa safe haven, ‘yan ang tawag namin sa field ng pink roses. Ako ang nagpangalan nun, pakiramdam ko kasi ‘yun na ang pinaka-safe na lugar sa mundo dahil unang-una, itsura pa lang mukha ng heaven. Tapos sobrang tahimik din. At kasama mo pa dun ang pinaka-gwapong angel na mahal na mahal mo. Kaya bagay lang ang tawag na safe haven sa lugar na ‘yun.

Anyways, bumangon ako at lumabas ng kwarto para makita kung ano ang nangyayari. Then nakita ko ang kwarto nila mama at papa na naka-open. Iche-check ko na sana ng bigla akong pinigilan ni unni.

“Stay here.” Sabi niya sa ‘kin.

“Ano ba’ng nangyayari dun?”

“Nothing. Just stay here.”

“Eh pero –“

“Stay here, princess.” Bigla namang dumating si Jung Min Oppa at sinabi sa ‘kin ‘yan. Kaya no choice na ‘ko kundi bumalik sa room. Ano ba kasi ang nangyayari sa labas at ayaw nila akong palabasin?

Nanatili lang ako dun ng ilang minuto. ‘Di ko kasi mapigilan si curiousity. Binuksan ko ang pinto at tiningnan ang buong paligid ng hallway. Nung nakita kong walang tao, dahan-dahan akong pumunta sa kwarto nila mama. Habang papalapit na ‘ko sa room nila mama, may naririnig na ‘kong nag-sisigawan.

“Papa! Please! Let me…” Ta’s napatigil siya sa pagsasalita dahil sa paghikbi niya. Parang lasing at the same time umiiyak ang boses niya.

“Hyung! Geu man hae!” [Kuya, stop it!] Si Jung Min Oppa ‘yun ha! Si Jang Min Oppa ba ‘yung tinutukoy niya?

Lumapit pa ‘ko ng lumapit sa kwarto nila mama. Then nakita kong nakaluhod si Jang Min Oppa sa harap ni papa na naka-upo sa bed. Si mama naman nakatayo at naka-hawak sa noo niya. Si Jung Min Oppa at unni, naka-tayo sa likod ni Jang Min Oppa. Anong nangyayari rito? Ba’t ganito ang mga itsura nila?

“Gusto mo bang masaktan si Ji Min?” Tanong sa kanya ni mama. O, ba’t nasali ang pangalan ko?

“Kung una pa lang wala na ‘tong tradition na ‘to, wala sanang masasaktan!” Sagot sa kanya ni Jang Min Oppa. Sinigawan ni oppa si mama? First time! Pero teka, naguguluhan pa rin ako eh! Ano ba kasing nangyayari?

“Hyung, ‘wag mong sigawan si mama. Itigil mo na lang kasi ‘to!” (Alfred/Jung Min)

“Pa, please. I love her! I can’t live without her!” Sabi ni Jang Min Oppa ng hindi pinapansin ang sinasabi ni Jung Min Oppa.

“SHUT UP KIM JANG MIN!” Sigaw naman ni mama si kanya. Sinong “her” ba ang tinutukoy ni oppa? At ba’t ako damay? Narinig ko na naman ang hikbi ni oppa. Second time ko na siyang nakitang umiyak ng ganito. First, ‘yung alam niyo na, nung pinilit niya ‘kong i-try na mahalin si Renz.

“Please, papa!” Pagpapatuloy ni oppa ng hindi pinapansin ang sinasabi ni mama. “I love Laurene! I want to be with her! Please Pa! Please!” Laurene? Si Ate Laurene ba? Nag-sigh muna ng malalim si papa bago sinagot si oppa.

“Jang Min, I’m sorry.” Sabi naman ni papa, calmly but sad.

 “But…. *sob* I….. I *sob* love her. I can’t *sob* live without Laurene *sob* in my life.” Tumahimik ang lahat at ang tanging naririnig na lang ay ang iyak ni oppa at ang pa-ulit-ulit niyang sinasabing mahal na mahal niya si Ate Laurene at hindi niya kayang mawala ito. Naka-hawak na nga siya ngayon sa tuhod ni papa dahil sa panghihina niya sa pag-iyak. Para siyang batang nagmamakawa sa tatay niya na bilhin ang paboritong robot.

Hindi ko natagalang tignan si oppa na umiiyak, ng ganun ka sobra, kaya naglakad na ‘ko pabalik sa room ko. Nung nasa harap na ‘ko ng pintuan, nanatili muna ako dun at hindi pumasok. Bigla kasi akong naguluhan, naguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko alam pero merong….. merong….. EWAN!

Bigla naman akong dinala ng paa ko palabas ng bahay at diretso sa kotse ni Jung Min Oppa. ‘Yung bawat susi kasi ng mga kotse rito sa bahay nasa garage lang lahat kaya na-gamit ko siya papunta sa safe haven namin ni Renz. Bumaba ako papunta sa swing at nanatili lang dun. Naka-tingin lang ako sa stars at walang iniisip. As in, blanko ang utak ko. At dun ko lang na-realize, ba’t nga ba ‘ko pumunta rito?

“Althiya!” Napalingun naman ako sa tumawag. Tumakbo siya papalapit sa ‘kin na may halong pag-aalala sa mukha. “Ba’t ka ba andito? Alas-tres na ng madaling araw ha!” Sabi niya sabay hubad ng jacket na suot niya at isinuot sa ‘kin.

“Renz.”

“O? Ba’t ganyan ang mukha mo? Ano ba’ng nangyari sa inyo?” Tanong niya sabay hawak sa mukha ko.

“Alam mo ba kung bakit tayo pinagkasundo?”

“Ha?”Tiningnan ko lang siya. “Ahhh…. Ang pagkaka-alam ko, dahil sa business and tradition. Hindi mo ba alam ang tungkol jan?”

“’Yung business, oo. Anong tradition ba ‘yun?” Wala silang sinabi sa ‘kin about sa tradition chu chu na sinasabi ngayon ni Renz. Ni wala nga silang sinabi sa ‘kin na dahilan kung bakit kami na-arrange. Akala ko dahil sa business LANG, may tradition pa pala. Umupo siya sa tabi ko at nag-simulang mag-salita.

“It’s the Hwang-Im Tradition. Koreano ang mga ancestors namin, at ‘yun ang Im Family.”

“At sa amin ay Hwang Family.”

“Yes. At sa tradition na ‘yun, every 5th century ng family ay kailangang ikasal ang isang member ng Hwang Family sa Im Family, and vice-versa. Then ang nakasanayan, is ‘yung youngest ng both family kaya…. tayo ‘yung na-arrange.” Sabi niya habang napapakamot ng batok niya.

“Pa’no kung sa dalawang pamilyang ‘yun eh meron ring gustong magpakasal? Kunwari ‘yung isang ate tyaka ‘yung isang kuya.”

“Depende na raw.”

“Depende?”

“Oo. Kunwari na-buntis nung kuya ‘yung ate, sila na dapat ang makasal.”

“So hindi na mapapakasal ‘yung dalawang bunso?”

“Parang ganun na nga. Hindi ka ba talaga sinabihan about jan?” I shook my head. “Ikaw ‘tong mas close sa family mo, ikaw ‘tong walang alam sa tradition.” Then tumawa siya ng mahina. Tiningnan ko naman siya ng masama. Biglang nawala ‘yung confusion ko sa nalaman ko mula kay Renz. Siguro ‘yun ‘yung “EWAN!” kanina.

“Pa’no mo nga pala nalaman na nandito ako ngayon?” Tanong ko sa kanya. Diba kahit nga ‘yung mga kasama ko sa bahay hindi alam na lumabas ako.

“Tinawagan ako ni Kuya Alfred. Bigla ka raw kasing nawala sa kwarto mo kaya tinanong niya ‘ko. Pinakaba mo kaming lahat, alam mo ba ‘yun.” Ta’s inayos niya ‘yung pagkakaharap niya sa ‘kin. “Nakita mo ba kung ga’no ako namutla?” Sabi niya habang tinututuro ang mukha niya.

“Sorry po kung napag-alala ko kayo, mahal na wirdo!” Sarcastic ko namang sagot sa kanya.

“Pero seryoso, ba’t ka ba pumunta rito ng alas-tres ng madaling araw?”

“Alam mo, ‘di ko rin alam eh. Basta dinala na lang ako rito ng kotse na pinagda-drive ko.”

“Tss. Weirdo!”

“Eh sino ba’ng nanghawa sa ‘kin?”

“Okay, okay! Halika na nga, umuwi na tayo.” Ginamit namin ang kotse ni Renz pa-uwi at hinatid niya ‘ko sa bahay. ‘Yung kotse naman ni Jung Min Oppa na ginamit ko, pinuntahan na lang ni manong.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon