Papunta ako ngayon sa bahay nila Renz. 'Di kasi siya pumasok ngayong araw na 'to. Hindi lang man siya nag-text o tumawag para lang sabihin kung bakit siya umabsent. Akala ko rin umabsent siya dahil may kailangan siyang asikasuhin about sa school, pero nung pumunta ako sa principal's office, wala naman siya. Tinanong ko rin ang SPrince kung may sinabi ba sa kanila si Renz, wala naman daw.
Tinext ko si Renz na papunta ako sa kanila, at nagbabasakaling mag-reply siya ng kahit "ok" man lang. Pero namuti na lang ang mata ko kakatitig sa screen pero nga-nga. Jusmiyo naman 'tong si Renz o!
"Nandito po ba si Renz?" Tanong ko agad kay Butler Camora pagkarating ko sa bahay nila Renz.
"Wala po, young miss. Hindi pa po siya umuuwi simula nung pumasok siya ngayong umaga." Pumasok? Sasabihin ko pa sanang hindi siya pumasok sa school ng may biglang tumawaga sa 'kin.
"Althiya! Oh my, my future daughter-in-law!" Sabi ni Tita Andrea sabay yakap sa 'kin. "Kasama mo ba si Renz?"
"Hindi nga po eh. Pumunta nga po ako rito kasi akala ko nandito siya. Hindi nga po siya pumasok kanina."
"Hindi pumasok? Sa'n naman kaya pumunta 'yung batang 'yun? Pero, anyways, dito ka na lang mag-dinner."
"Naku, 'wag --"
"Sige na. Baka malay mo, dumating si Renz habang kumakain ka ng hapunan." At dahil may point si Tita Andrea, pumayag na lang ako.
Pero natapos na lang kami sa pagdi-dinner, walang dumating na Renz. Umuwi ako sa bahay ng nag-aalala na sa kanya dahil kahit 'yung mga kasama niya sa bahay ay hindi alam kung saan siya pumunta.
***
Friday
"So ano, naabutan mo na ba sa bahay nila?" Tanong ni Andrea pagkarating na pagkarating ko sa classroom.
"Hindi. Hindi pa rin ba siya nagtetext or tumatawag sa inyo?" Pag-aalala ko ng tanong.
Simula nung umabsent kasi siya nung Monday, nagtuloy-tuloy na 'yun hanggang ngayong Friday, at hindi pa rin siya tumatawag sa 'kin (or sa amin, siguro). Simula rin nung Monday, lagi na lang akong pumupunta sa bahay nila at 10 PM na ako laging umuuwi sa amin kakahintay sa kanya umuwi sa kanila. Lagi kasi siyang wala tuwing pumupunta ako. Pakiramdam ko tuloy iniiwasan niya 'ko. Pero bakit? May nagawa ba akong masama na hindi ko alam?
"Walang pangalang Renz na lumalabas sa phone screen ko." (Alex)
"Baka naman papasok na 'yun ngayon, maghintay lang tayo." (Spencer)
Kung papasok man siya ngayon, bakit 'di niya ko sinundo? Pero mawawala ang tampo ko sa kanya sa hindi 'pag sundo sa 'kin kung magtetext siya or tatawag, o mas mabuti kung papasok na lang siya.
Dismissal. Walang nagpakitang Renz. Nakakainis na 'yung lalakeng 'yun ha! One week siyang hindi pumasok, hindi nagparamdam, at hindi nagpakita! Ano ba'ng problema ng lalakeng 'yun?!
"Pupuntahan mo ba ulit si Renz sa bahay nila?" Tanong ni Kevin sa 'kin.
"Oo. Sobrang nag-aalala na kasi ako eh. Akalain mong one week 'di pumasok. Ngayon pa siya umaabsent na graduating student na tayo." At miss ko na rin ang wirdong 'yun. "Sa palagay mo Kevin, maabutan ko na kaya siya ngayon?"
"Siguro naman. Isang linggo ka rin pabalik-balik dun eh, baka na-miss ka na rin nun at naawa na sa'yo kaya magpapakita na. At tyaka, 'di ka naman matitiis nun eh." Sagot niya with a smile, napangiti rin naman ako. "May maghahatid na ba sa'yo?"
"Oo, darating na 'yung..." Napahinto ako sa pagsasalita ng dumating na 'yung sundo ko. "Speaking of. Sige Kevin, alis na 'ko."
"Sige, ingat ka Althiya."
"Sa Francisco Residents po ba tayo, Young Miss?" Tanong ni manong pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse.
"Yes, manong"
"Pero miss, hindi po raw pwede."
"Ha?! Sino naman po ang nagsabi niyan?" Gulat kong tanong kay manong.
"Si Young Master Renz po mismo. Tumawag po raw kasi siya sa bahay sabi ni Young Miss Yanni, at pinapasabi raw po sa inyo na 'wag na po raw kayong pumunta sa bahay nila."
"Tumawag siya sa bahay?" Ba't sa bahay? Ba't hindi sa 'kin? "'Yan lang daw ba ang sinabi niya?"
"'Yan lang po ang pinapasabi ni Young Miss sa akin." Sagot ni manong sa 'kin. "Didiretso na lang po ba tayo sa bahay?"
Nagdalawang-isip akong sumagot. Iniisip ko kasi na baka mag-expect siya na hindi ako pupunta kaya nandun siya ngayon sa bahay nila, at makikita ko siya. At matatanong ko rin siya kung bakit hindi siya pumasok for 1 week, at kung bakit parang iniiwasan niya ako. Pero... "Sige manong, sa bahay na lang po tayo."
***
Monday
"O, mabuti nandito ka na." Sabi ni Spencer sa 'kin pagkapasok ko ng classroom. "Kanina ka pa namin hinihintay eh."
"Ha? Bakit naman?" (Althiya)
"Pumasok na kasi si Renz." (Alex)
"Talaga?! Asan siya?" 'Di ko kasi siya nakikita ngayon sa classroom, pero nakikita ko ang bag niya sa upuan niya.
"'Yun nga 'yung dahilan kung bakit ka namin hinihintay. Sabi niya kasi papuntahin ka raw namin sa rooftop pagkarating mo." (Andi)
"Ok, thank you." Lalabas na sana ako ng room ng bigla akong tawagin ni Andrea "Bakit?"
"'Wag ka na lang kaya pumunta ng rooftop?"
"Ha?"
"Wala. Sige, umalis ka na" Tiningnan ko muna siya ng ano-bang-nangyayari-sa'yo look bago ako tumakbo papunta sa rooftop.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...