"Althiya, ikaw nga!"
Sabi ulit ni Charles sa 'kin habang ako, parang tuod pa rin rito sa sobrang gulat.
"Do you know her, Charles?"
Tanong ni Archie sa kanya.
"Yes. Siya yung kini-kwento ko sa'yo."
Kini-kwento? Nabalik yung atensyon niya sa 'kin. Tapos, NIYAKAP NIYA 'KO! (O o O)
"Woah!"
Narinig kong sinabi ni Marco nung niyakap ako ni Charles.
"It's been awhile. Kumusta ka na."
Sabi ni Charles pagkahiwalay niya ng yakap sa 'kin.
"O-okay lang n-naman. I-ikaw?"
Tapos niyakap niya 'ko ulit. LANGYA! >_<
"Not okay since you left me."
WHATDA! ANO RAW?! Ako pa talaga ang nang-iwan ha! Nakita ko naman na nagulat yung SPrince na nasa harap ko. Tapos bigla silang napatingin sa likod ko. Humiwalay ako sa yakap ni Charles para makita ko kung sino. SI RENZ! Nakatitig siya sa 'min ni Charles ng masama, tapos tumitig siya dun sa kamay ni Charles na nasa balikat ko at mas lalong sumama yung tingin niya. Lumapit siya ng ilang hakbang sa 'min.
"Nakuha mo na yung cellphone mo?"
Tanong ko sa kanya para ma-distract siya. Nag-nod lang siya sa 'kin habang nakakatitig pa rin ng masama kay Charles. Yayakapin sana ulit ako ni Charles ng biglang hinalbot ni Renz yung right wrist ko. Habang si Charles naman, hinawakan yung left wrist ko. Uhm........
"Bitiwan mo siya."
Sabi ni Renz with a cold voice and with matching blazing stare kay Charles.
"What? Why, sino ka ba?"
"Me? I'm HER FIANCÉ. And you?"
Halatang nagulat si Charles sa sinabi ni Renz kaya napatitig siya sa 'kin ng is-he-serious look. Inalis ko yung wrist ko sa kamay niya bilang sagot. Bigla namang nag-down yung facial expression niya nung ginawa ko yun. Hinila naman ako ni Renz at inakbayan. Tapos ningitian si Charles ng nakakaloko.
"So, who are you?"
Tanong ulit ni Renz kay Charles.
"I'm her –"
"Friend!"
Singit ko naman sa sagot ni Charles. Baka kasi sabihin niya na ex ko siya. Yes, EX.KO.SIYA! Tiningnan naman ako ni Charles ng what look.
"Oo. Friend ko siya sa US."
"Friend? Oh, friend ka lang pala."
Tiningnan ko ng masama si Renz. Binigyan niya lang rin ako ng i'm-proud-of-what-i-say smile. Langya! Itapon kaya kita sa Bermuda Triangle! >_<
"Uhm, anong nangyayari rito?"
Napalingun kami sa nag-salita at nakita namin si Amy na kakapasok lang.
***
Kumakain kami ngayon ng lunch, AT ANG AWKWARD NG POSISYON KO NGAYON! Ikaw ba naman pinapagitnaan ng ex at ng fiancé mo, like duh! Ang manhid mo na kung hindi ka mao-awkward-an! Tahimik lang din kami habang kumakain. Nafe-feel rin siguro ng barkada yung awkwardness overload na namamagitan sa 'min.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...