Chapter 31

14.8K 257 1
                                    

“Hoy Renz, sa’n mo ba talaga ako dadalhin?” Pang-sampung beses ko na yata ‘tong tinatanong sa kanya pero hindi niya pa rin ako sinasagot. Papunta kami ngayon sa kung saan ni Renz habang naka-sakay sa kotse niya.

“At pwede ba, ayoko pang mamatay ng maaga. 15 pa lang kaya ako noh!” Ang bilis niya kasing mag-drive ng kotse eh. Parang papunta sa langit ‘tong biyahe na ‘to!

“Hoy Renz! Sa’n ba talaga –“

“Just wait and shut your f*cking mouth.” Sagot rin sa wakas ni Renz sa ‘kin kaso with matching cold voice. Nanahimik na lang din ako. Natakot ako sa tono ng boses niya eh. Parang galit na galit talaga siya kaso nilabas niya lang gamit ang bibig niya in a relax but creepy way.

***

Huminto kami sa isang lugar na tatlo or apat lang yata ang street lights.

“Uhm, nandito na ba tayo?” Tanong ko sa kanya. Lumabas siya sa kotse.

“Go out.” Sabi niya sa ‘kin with again, a cold voice, bago niya sinara ang pinto ng driver’s seat. Lumabas naman ako gaya ng sabi niya. Sinundan ko siya at napunta kami sa harap ng kotse.

“Humarap ka.” Sabi niya sa ‘kin. Hindi agad nag-process sa utak ko yung sinabi niya pero kala-unan naman eh na-gets ko na. Nakaharap kasi pala ako sa kanya habang siya nakatingin sa harap. Lumingon ako sa harap ko at, WOAH! ANG GANDA! Yung kahit ang dilim-dilim na, kitang-kita mo pa rin ang kulay ng kulay pink na field of flowers. Hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak ‘tong mga ‘to pero ang ganda talaga. Samahan mo pa ng maraming stars sa langit. PERFECT NIGHT VIEW!

“Mas maganda sana kung sa umaga, mas makikita mo yung kagandahan ng field. Nagagandahan ka ba?”

“Oo. Kahit madilim maganda pa rin.”

“Dito ako pumupunta kapag galit, depress, malungkot, or kahit masaya ako. Si Anamarie ang nag-turo sa ‘kin sa lugar na ‘to.”

Anamarie? Anamarie. Anamarie. Bakit parang naiinis ako kapag binabanggit niya ang pangalan na ‘yun? Dati naman hindi eh. Aissh! Ewan, nagiging Renz na talaga ‘tong nararamdaman ko!

“Bakit ba tayo pumunta rito? Dahil ba galit ka, malungkot, depress, masaya, or ano?”

“Galit.”

Galit? Ba’t siya galit? Langya, ‘wag mong sabihing dahil kanina sa kotse? Ang babaw naman kung ‘yun nga ha!

“Bakit?”

“Ewan. ‘Di ko alam.”

-____-

“Tss. Wirdo as always.”

“Alam mo ba kung anong date ngayon?”

Date? Pa’no kami na-punta sa petsa?

“Uhm, September 7?” Nagtataka kong sagot sa kanya. Napatawa siya ng mahina.

“Birthday ko kahapon.”

WHATDA! SERYOSO?! BA’T HINDI KO ALAM? BA’T WALANG PARTY?

“Uhm, hindi ka nag-celebrate?”

“Hindi. Ayokong mag-celebrate. Birthday man or kahit anong occasions.”

“Ba’t hindi sinabi sa ‘kin ng SPrince kahapon?” Tanong ko ng mahina sa sarili ko.

“Ayaw ko nang ipa-announce sa buong mundo ang birthday ko at alam yun ng SPrince kaya hindi na nila sinabi sa inyo.” Narinig niya? Tss, ang hina lang nun eh -___-

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon