Ilang araw na rin simula nung nakalabas si Renz. Ilang araw na rin ang nakalipas nung kinausap ni Renz, ulit, si Anamarie. Wala siyang kinwento sa ‘kin kung ano ang nangyari nung araw na nag-usap sila ni Anamarie. Pero wala pa namang nangyayari. Siguro okay na kay Anamarie at sa kuya niya. Mabuti kung ganun na nga. At ngayon, nandito kami sa bahay namin at ginagawa ang final project sa History.
“Ang hirap naman nitong final project natin sa History.” Pagrereklamo na naman ni Alex. Ilang beses na namin siyang narinig mag-reklamo about sa project namin sa History simula nung binigay ‘to sa ‘min. Kailangan kasi naming gumawa ng miniature historical sites dito sa Pilipinas, tapos i-explain kung ano ang papel nito sa history at sa ekonomiya ng bansa. By group naman siya, ikaw ang pipili ng grupo mo at kami nga ng A’s. Pero ewan ko ba rito kay Alex, ayaw niya lang talaga sigurong gumawa ng mga miniature kaya siya reklamo ng reklamo.
“Rinding-rindi na ‘ko sa pagrereklamo mo sa project natin ha. ‘Wag mo na lang kaya gawin?” Sermon sa kanya ni Andrea.
“Ayoko nga! Baka hindi pa ‘ko maka-graduate dahil lang sa wala akong project sa isang subject.” Sagot niya habang pinipinturahan ang isang miniature post.
“Gusto mo naman palang grumaduate edi ‘wag ka na lang mag-reklamo at gawin mo na lang. Gutom pa naman ako kainin kita jan eh!” (Andrea)
“’Wag kang mag-alala Andrea, malapit na sigurong ma-bake ‘yung cookies na ginagawa ni manang.” (Althiya)
“Ayan! Foods!” (Andi)
“Uy, A’s, wala na tayong glue.” (Amy)
“Tingnan mo jan sa box. Jan lahat nakalagay ang materials natin eh.” (Ahriya)
“Wala na talaga. Pintura na lang ‘to at cardboard tyaka mga iba pang scraps.” Sagot ni Amy habang hinahalungkat ang box.
“Ako na lang ang bibili.” (Althiya)
“Sige, samahan na kita.” (Andrea)
“’Wag na. Malapit lang naman ang 7/11 dito eh. Tyaka sa Monday na natin ‘yan ipapasa hindi pa tayo nangangalahati.” (Althiya)
“Althiya, alam mo namang may threat sa buhay mo ngayon kaya isama mo na si Andrea.” (Ahriya)
“Isasama ko na lang ang isa sa mga 20 kung guards. At magko-kotse na rin ako. Okay na?” Sabi ko sa kanila. At oo, tinotoo ni papa ang 20 guards. Parang White House na nga ‘tong bahay namin dahil napapalibutan na ng mga guards. Tinitigan muna nila ako bago bumuntong hininga.
“Okay sige. Basta mag-iingat ka at laging makiramdam kung may sumusunod sa’yo.” Huling pa-alala ni Alex sa ‘kin.
“Opo. Sige na, sandali lang naman ‘to.”
***
Hindi lang glue ang binili ko sa 7/11, bumili na rin ako ng karagdagang construction paper at glue sticks. Mukhang kaunti na lang kasi ‘yung natitira dun eh. Tyaka, gummy bears! Habang nagbabayad na ‘ko sa cashier, biglang tumawag si Renz.
“Hello Renz? Napatawag ka?”
“Nasa’n ka?”
“Nasa 7/11, bumibili ng materials para sa project namin.”
“May kasama ka ba?”
“Oo, isa dun sa 20 guards na hiningi mo.” Na nasa labas ngayon. Ang awkward kasi kapag susunod pa siya sa ’kin rito.
“Dapat ‘di ka na lang lumabas. Dapat inutusan mo na lang ‘yung guards mo.”
“Renz naman, ‘di ba ‘ko pwedeng lumabas at lumanghap ng sariwang hangin paminsan-minsan? Tyaka, ‘wag kang masyadong hysterical, okay. Nag-kotse na nga ako kahit pwedeng malakad lang ‘tong 7/11 mula sa ‘min eh. Kaya relax and breath.”
“Ayoko lang namang—“
“Oo na, alam ko, ayaw mong mapahamak ako. Sige na, uuwi na ‘ko para makahinga ka na ng maluwag jan.”
“Sige, ingat ka. I love you.”
“I love you, too. Bye.” Pinatay ko na ang cellphone at lumabas. Nung nasa kotse na kami, sinabihan ko ang guard na sa front seat ako uupo.
“Pero miss—“
“Pagbigyan mo na ‘ko. Malay mo nasa likod pala ng kotse ‘yung kikidnap sa ‘kin at ‘di mo na namalayang inabduct na pala nila ako.” Gaya ng A’s, tinitigan niya muna ako bago bumuntong-hininga. “Sige na. Don’t worry walang mangyayaring masama at kung meron man, sasabihin kong ako ang nag-insist para ‘di ka mawalan ng trabaho.” Tinitigan na naman niya ‘ko bago siya sumagot. Ang hilig tumitig sa ‘kin ng mga tao ngayon.
“Sige po miss.”
“Ayan! Let’s go!”
Nag-simula ng mag-drive ‘yung guard ko habang ako naman ay kinuha ang gummy bears at nagsimula ng kumain.
“Gusto mo?” Pag-aalok ko sa guard.
“Salamat na lang po, miss.”
“Sure ka? Masarap pa naman ‘to.”
“Nagda-drive po kasi ako.”
“Ay ganun? Hindi naman nakakalasing ang gummy bears eh. Sige na nga, kung ayaw mo edi ‘wag. Basta inalok kita ha.” Pagbibiro ko. Nag-work naman siya kasi tumawa si guard.
Tahimik lang kami ng biglang may muntik ng bumangga sa ‘min na truck. Mabuti na lang na-iwasan ni manong guard.
“Anong klaseng driver ba ‘yun? Ayos lang po ba kayo miss?” Lumingon sa ’kin sandali si manong guard.
“Oo, okay lang—“
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...