Agad akong tumawag ng ambulansya pagkakita ko sa kanya. Wala na siyang malay at bumubula ‘yung bibig. Anong ba’ng ginawa nito kagabi?
Pagkarating namin sa hospital, pinahintay muna ako sa labas ng ER. Sasabihin ko ba ‘to kay Ate Laurene? Mamaya na lang siguro kapag nalaman ko na kung anong nangyari kay Renz. Nagkaganito na ba siya dati? Wala naman akong naaalala na nagkaganito siya eh. Naman! Baka nakakain siya ng panis? Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang lumabas ‘yung doctor na nakain-charge sa kanya.
“Doc, ano po’ng nangyari sa kanya?”
“Ikaw ba ‘yung kasama ng lalakeng bumula ‘yung bibig?”
“Opo! Ano po’ng nangyari sa kanya?”
“Mabuti na lang nadala mo agad siya rito. Na-overdose siya ng cocaine at alchohol. Kung hindi mo siya nadala rito baka namatay na siya.” Cocaine? Diba drugs ‘yun?
“Ah… o-okay na po ba siya?”
“Stable na ang vital signs niya kaya wala ka ng dapat alalahanin.”
“Sige, salamat po.” Umalis na ‘yung doctor at na-iwan akong nagtataka. Kailan pa gumagamit ng drugs si Renz? Oo, may bisyo siya pero… drugs?
Tatawagan ko na sana si Ate Laurene para sabihin at tanungin na rin at the same time ng biglang naalala ko si Charles. May sinabi siyang sa safe haven raw namin laging tumatambay si Renz simula nung naghiwalay kami, na hindi ko alam. Baka alam niya rin na nagda-drugs si Renz, na hindi ko rin alam. Siya muna ang una kong tinawagan bago sila Ate Laurene.
***
“Althiya!” Hay salamat at dumating na rin si Charles. Nandito na ako ngayon sa hospital room ni Renz at kanina pa ‘ko ‘di mapakali sa kakaisip. “Kumusta si Renz?”
“Okay na raw.”
“Ano ba’ng nangyari? Ba’t umabot kayo rito sa hospital?”
“Alam mo ba’ng nagda-drugs si Renz?” Diretsa kong tanong sa kanya.
“Drugs?!” Halata sa boses ni Charles na nagulat siya sa narinig niya.
“Hindi mo rin alam? Akala ko alam mo ‘to kasi parang alam mo ang lahat ng tungkol kay Renz. Teka, pa’no mo nga pala nalaman ‘yung mga tungkol sa kanya?” Sasagutin na sana ako ni Charles ng biglang pumasok si Ate Laurene kasama si oppa at ang SPrince. Niyakap ako ni oppa pagkapasok niya.
“Althiya, ano’ng nangyari? Kumusta si Renz?” Natatarantang tanong ni Ate Laurene.
“Okay na po raw siya sabi ng doctor.”
“Ano ba’ng nangyari?” Tanong ni oppa.
“Ano….” Pagdadalawang-isip ko. Pa’no ko ba ‘to sasabihin? “Kasi… ‘yung nangyari kay Renz… overdose po raw sa cocaine at alcohol.”
“Cocaine?! Kailan pa nagda-drugs si Renz?! May alam ba kayo rito?” (Laurene)
“Ngayon lang din po namin nalaman na nagda-drugs si Renz, Ate Laurene.” (Marco)
“Sa labas ko sasabihin kung bakit ko alam.” Bulong sa ‘kin ni Charles. Tahimik naman kaming lumabas sa kwarto.
***
“I’m sorry Althiya. Sinabihan ko siya na sabihin na sa’yo ang totoo pero ayaw niyang makinig. Ini-insist niya na mapapahamak ka kung sasabihin niya sa’yo ang totoo.”
Halos wala na ‘kong marinig sa sinasabi ngayon ni Charles. Lahat pala ng nangyari, puro kasinungalingan lang! Akala ko panakip-butas niya lang ako, akala ko ginamit niya lang ako, akala ko wala talaga siyang nararamdaman para sa ‘kin. Pero lahat ng ‘yun, akala lang talaga! Ano ba’ng pumasok sa utak niya at hindi niya ‘to sinabi sa ‘min, sa ‘kin?! Kailangan pa talaga naming umabot sa ganito?!
“At ‘yung drugs. I think kagabi niya lang ‘yan ginawa. Bigla kasi siyang umalis nung nag-uusap pa kami at sinabing gusto niya munang mapag-isa. I’m really sorry, Althiya.”
“Don’t be. Wala ka namang ginawang mali.”
“Umiiyak ka?” Tinatabunan ko kasi ng dalawa kong kamay ang mukha ko, kaya siguro na-isip niyang umiiyak ako. How I wish na umiyak, kasi sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon na gusto ko na talagang ilabas. Parang may siniksik na barbell sa puso ko. Pero walang lumalabas na luha. Dapat kasi sinabi na ‘to ni Renz eh! Hindi niya naman kailangan pasanin ‘yun lahat! Kahit kailan wirdo talaga ‘yun!
“Hindi.” Sagot ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
“So, sasabihin mo sa kanila?”
“Hindi ko alam. Siguro ‘pag naka-usap ko na si Renz. Bakit ba sinabi niya ‘to sa’yo na hindi niya close kaysa sa ‘min na close at mga kamag-anak niya?”
“I think dahil hindi nga kami close.”
“Ha?”
“Unang sinabi sa ‘kin ni Renz ang lahat dahil hindi kami close. Dahil akala niya hindi ako maaapektuhan at wala lang akong pake kung sasabihin niya sa ‘kin. Pero sa totoo lang, naapektuhan rin ako. Lalo na kapag tungkol sa’yo.” Napalingon ako sa kanya. “Kung alam mo lang, kapag paglimot na sa’yo ang usapan…. or about sa inyo ni Kevin…. parang bata na ‘yan si Renz kung umiyak. Ni minsan ‘di ko nga na-imagine na ganun ‘yun umiyak. Pagkatapos niyang umiyak, tititig na lang ‘yan sa kawalan… Althiya, mahal mo pa rin ba si Renz?”
“Sobra” Diretso kong sagot kay Charles. Totoo naman eh. Kahit anong pilit kong kalimutan at kamuhian siya, ‘di ko magawa. Kaya ni minsan simula nung nag-hiwalay kami, hindi nawala ang nararamdaman ko sa kanya. “At ang about kay Kevin, magkaibigan lang kami. Ni-minsan hindi pumasok sa isip ko na makipag-relasyon sa kanya.”
“Ikaw, oo. Si Kevin, tss, hindi.”
“Charles, please.”
“Okay. Pero may isa pa ‘kong tanong. Tutal parehas pa rin naman kayo ng nararamdaman, magbabalikan ba kayo?”
“I don’t know. Pagsasabihan ko muna ang wirdong ‘yun. Pagkatapos, depende na kung ano ang susunod na mangyayari.”
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Ficção Adolescente[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...