Chapter 74

11.5K 190 4
                                    

(Renz POV)

Pumunta ako sa isang bar na sinisigurado kong walang nakaka-alam dahil kahit ako ‘di ko rin alam. Basta nag-drive lang ako ng nag-drive hanggang sa nakita ko ‘tong bar na ‘to. Walang masyadong tao kahit madaling araw na. Mabuti na rin ‘yun, para wala masyadong disturbo. Gusto ko muna magpahupa ng nararamdaman. Mawawala ‘to, ‘tong urge ko na sabihin na kay Althiya. Kailangan lang ng time.

“Babae?” Biglang tanong ng lalakeng kakaupo lang sa bakanteng upuan sa tabi ko.

“Ha?”

“Babae ba ang dahilan kung bakit parang nabagsakan ka ng dinobleng langit at lupa?”

“Tss, ano ba sa’yo kung ‘yun nga?” Irita kong sabi para tuluyan na siyang umalis.

“May i-aalok kasi ako sa’yo kung ganun nga.” Pabulong niyang sabi.

“Hindi ako interesado.” Siguradong mga prostitute ang inaalok nito. Ayokong madagdagan ang kasalanan ko kay Althiya.

“Sus, sige na! Epektibo ‘to, sigurado ako.” Aayaw sana ulit ako pero bigla na lang siyang naglabas ng kung ano sa bulsa niya.

“Alam mo naman kung ano ‘to diba?”

“Drugs?”

“Oo. Pare, na-subukan ko na ‘to dati nung niloko ako ng gago kong ex-girfriend.”

“Hindi ako gumagamit niyan.”

“Kaya nga subukan mo. Sige ka, nakakamatay ang depression.”

“Bakit ‘yan, hindi ba?” Saracastic kong sabi.

“’Pag na-sobrahan. Hindi mo naman paso-sobrahan eh, konti lang ang ilalagay mo at makakalimutan mo na agad siya.”

Bigla akong napa-isip. Pa’no kung bigla na naman akong tamaan ng topak ko na sabihin na naman kay Althiya ang totoo? Pa’no kung ‘di ko na ma-control? Baka… baka mapigilan ako ng drugs na ’to. Nakita ko ng gumagamit ng drugs ang mga kasamahan ko dati sa underground. Nagbalak rin akong gumamit pero ‘di ko tinuloy. Buhay pa naman sila hanggang ngayon. Pero… alam kong mali naman talaga ‘to. Sobrang mali. Lalong mas magagalit sa ‘kin si Althiya kung magda-drugs pa ‘ko. Pero pa’no kung ito lang din ang makakapag-ligtas sa kanya?

“O ano pare? Kukuha ka? Sige na! Mura lang naman eh.” Napalingon ako sa kanya.

“Magkano?”

***

(Althiya’s POV)

“Hi Jazzil!” Bati ng A’a sa napaka-cute kong pamangkin na karga-karga ko ngayon. Habang pinapa-ayos pa ‘yung bahay na para sa kanila, dito or kanila Ate Laurene sila magsi-stay. Napagdesisyunan nilang dito muna ngayon at by next week dun naman sa kabila. Ewan ko ba kay papa at ayaw niya ibigay sa kanila ‘yung nakalaan sana para sa ‘kin. Sa ‘min… “sana”.

“Pakarga naman Althiya!” Pagmamakaawa ni Alex.

“Ayoko nga! Wala akong tiwala sa’yo pagdating sa babies eh.” Pagbibiro ko naman

“Aissh! Sige na sandali lang.” Binigay ko naman kay Alex si Jazzil

“Ayan! Ang cute nga naman talaga nitong si Jazzil! Sigurado akong ganito rin ang magiging mukha ng magiging anak namin ni Tristan.”

“Alex.” Sabay-sabay naming sabi sa kanya. Halos na lang kasi lahat may konektado na kay Tristan. Katulad na lang ngayon. Hindi naman siya masyadong ganito nung nandito pa si Tristan. Tss, ganyan niya na nga siguro talaga ka-miss ‘yung boyfriend niya.

Habang nilalaro namin si Jazzil, napalingon ako sa kinaroroonan nila Ate Laurene at oppa. Nasa garden sila ngayon at kitang-kita sila rito mula sa ‘min. Parang nagpa-panic si Ate Laurene habang parang pinapakalma naman siya ni oppa. Ano na naman kaya ang nangyayari?

Na-distract ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ni Andrea. Sinagot niya naman ito agad.

“Hello, Marco… oo, actually nandito kami sa kanila, bakit?... ha? Ba’t mo naman itatanong ‘yan sa kanya?... HA?!........ o sige… okay bye.”

“O, anong sabi sa’yo at grabe ka makagulat?” Tanong agad ni Andi pagkababa ni Andrea ng cellphone niya.

“Si Renz daw kasi, nawawala. Walang nakaka-alam kung saan siya at ‘di rin nila ma-contact.” That explains kung bakit nagpapanic si Ate Laurene.

“Natawagan na ba daw nila lahat?” Tanong ni Ahriya.

“Oo. Mukhang pati si Ate Laurene nga natawagan na rin nila.” Sabi ni Andrea na nakatingin sa direksyon nila Ate Laurene at oppa. Saan na naman kaya pumunta ang wirdong ‘yun?

“Ikaw, Althiya? May alam ka bang pwedeng puntahan ni Renz?” Tanong ni Andi

“Wala eh. Natawagan na ba nila si Anamarie?” Tanong ko naman.

“Oo. Pero simula raw kagabi ‘di na raw sila magkasama.” Sagot naman ni Andrea. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko muna.

“O, Charles! Napatawag ka?”

“Nawawala raw si Renz?”

“Oo, eh. ‘Di namin malaman kung sa’n siya hahanapin.”

“Try mo dun sa safe haven niyo.”

“Ha? Pa’no mo nalaman ‘yun?”

“Long story, basta try mong puntahan dun. Nandoon na siya palagi simula nung nag-hiwalay kayo.” Itatanong ko pa sana kung pa’no niya nalaman ‘yun ng biglang pinatay na lang niya.

“Anong sabi?” (Alex)

“Mukhang alam ko na kung nasa’n si Renz.” (Althiya)

“Talaga? Sa’n?” (Andi)

“’Di pa ‘ko sure kung nandun nga siya. Pupuntahan ko na lang para maka-sigurado tayo.” (Althiya)

“Sige, samahan ka na namin.” (Amy)

“’Wag na, dito na lang kayo. Tyaka ‘wag niyo muna sabihin kay Ate Laurene, baka kasi wala siya dun. Tatawag na lang ako.” At dali-dali na ‘kong umalis papunta sa safe haven namin.

***

Pagkarating ko, nakita ko agad ang kotse ni Renz. Mukhang nandito nga siya. Sinilip ko muna ang loob ng kotse para tingnan kung nandun ba siya, wala. Agad-agad akong bumaba papuntang fountain pero wala namang tao. Inikot ko ang paningin ko sa buong lugar pero wala talaga. Paalis na sana ako papuntang bridge ng biglang may narinig akong bumagsak. Pag-lingon ko, may kamay sa likod ng fountain, sa sahig mismo. Si Renz ba ‘to? Dahan-dahan akong lumapit sa kamay at sinilip kung sino ito.

“RENZ!!”

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon