"Yah! Ji Min-ah! Wake up!"
Narinig kong sigaw ni unni habang inaalog-alog ako sa kama.
"Ugh! Sandali lang! Inaantok pa 'ko eh!"
Tinakpan ko ng kumot ang mukha ko para hindi na mang-istorbo 'tong si Madam Hitler. Istorbo kasi masyado eh, natutulog pa yung tao. Naramdaman ko na lang na may biglang humalbot ng kumot ko.
"Hoy! Tanghali na po mahal na prinsesa!"
Sigaw na naman ulit ni unni.
"Ugh! Anong oras na ba?"
Sabi ko sa kanya habang naka-pikit parin ang mga mata at naka-higa.
"12:30 na po ng hapon."
Narinig kong sabi ni unni with a sarcastic voice. 12:30? Nako naman o! Ang aga—12:30!! Bumangon kaagad ako nung sinabi ni unni na 12:30 na. Kinuha ko yung cellphone at nakita kong may 38 messages. Grabe naman! Tiningnan ko rin yung oras sa cellphone ko, 12:30 na nga! Patay! Ano ba naman yan! Ang aga ko naman natulog kagabi ha, mga 6pm yun! Ba't ang tagal kong nagising?! Aissh!
"Grabe! Anong oras ka ba natulog kagabi? Ba't tanghaling tapat ka na nagising?"
Tanong ni unni sa 'kin habang naka-pameywang.
"Patay! May lakad pa 'ko ngayon!"
Sabi ko habang kumakamot ng ulo.
"Ano?"
Pagtataka ni unni sa sinabi ko.
"Unni, may lunch na bang nakahanda?"
"Tapos na kong mag lunch. Yung lunch mo kanina pa nakahanda. Pati nga breakfast mo nakahanda na eh. Kanina pa."
Sarcastic ulit na sinabi ni unni. Hindi ko na pinansin yung sinabi ni unni at tumayo na ko kaagad at tumakbo papunta sa cr ng room ko.
"Aba! Hoy!"
Sigaw ni unni sa 'kin.
"Maliligo lang ako sandali!"
Pagkapasok na pagkapasok ko sa shower room eh agad-agad na 'kong naligo. Pagkatapos kong maligo, nagmadali na 'kong nagbihis ng isusuot ko. Tiningnan ko ulit yung oras, 12:35 pa lang. Bumaba na ko kaagad pagkatapos kong magbihis.
"Kumain ka na ng lunch."
Sabi sa 'kin ni unni habang naghuhugas ng plato. Nung humarap siya sa 'kin, nagtanong kaagad siya kung sa'n ako pupunta.
"Bumalik na galing U.S. si Amy. Magkikita daw kami ngayon."
Sagot ko na naman sa tanong ni unni habang naka-upo na at nagsasandok na ng kanin.
"Talaga? Kailan lang?"
"Kahapon."
"Ahh. Anong oras naman kayo magkikita?"
"1pm"
"20 minutes before 1pm. Bilisan mo ng kumain jan. Ba't kasi ang tagal gumising eh."
Pagkatapos niyang sabihin 'yun eh lumabas na siya ng dining area. Aissh! Opo Prinsesa Yanni, magmamadali na po. 'Pag nabilaukan ako dito, siya sisisihin ko. Anyway, kailangan ko naman talagang magmadali eh. Nag-promise pa naman ako kay Amy na hindi ako male-late ngayon kahit 1 second lang. Dapat pala hindi na lang ako nag-promise, tss. Hala patay! Yung apple! Hindi pa 'ko nakabili! Aaaaaah! Kainis naman o! Pagkatapos kong kumain, nagmadali na kong nag-toothbrush, tapos nagmadali na naman akong pumunta sa kwarto ko para mag-ayos. Nag-suklay na lang ako at nag lagay ng face powder. Tapos kinuha ko na yung bag ko at nagmadali na kong umalis.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Jugendliteratur[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...