(Enrique's POV)
******Friday: 6 AM******
Maaga ako ngayon pumasok. Para naman kahit papano gumanda ang records ko sa school na 'to. Hindi naman ako nag-trabaho para guminhawa ang buhay eh. Mayaman naman kami, meron na kami lahat. Gusto ko lang talaga maging independent. Ayoko namang umasa lang sa parents ko 'no. At tyaka, sabi rin kasi sa 'kin ni Althiya, maaga daw papasok si Miss Jung ngayong araw na 'to.
**Flashback
******Thursday: Dismissal******
Papunta ako sa SZ room. May gusto lang akong itanong kay Miss Kim. Lagi niya kasing kasama si Miss Jung kaya baka close sila at tyaka baka marami siyang alam rito. Grabe lang talaga, ni minsan sa buong buhay ko, kahit nung high school at college, hindi ako nagka-ganito dahil sa isang babae. Eh yung mga babae pa nga ang nagkaka-ganito sa 'kin eh. Eh kasi naman, ang ganda niya talaga. Nung una ko siyang nakita nung Monday pakiramdam ko nakakita ako ng Barbie slash Aphrodite na kagandahan. At simula rin nun, hindi na mawala sa utak ko yung napaka-ganda niyang mukha.
"Sir Gaudiano?"
Bigla akong na-distract sa pagpapatansya kay Miss Jung nang bigla akong tawagin ni Miss Kim, kasama niya yung lima niyang kaibigan. Nasa tapat na pala ako ng SZ room, hindi ko man lang namalayan. Isa yan sa resulta ng kagandahan ni Miss Jung sa 'kin.
"Oh, Miss Kim, pa-uwi na ba kayo?"
"Yes sir. Sige po alis na po kami." - Althiya
"A-ah, t-teka lang sandali Miss Kim." Napatigil sila.
"Bakit po sir?" Sagot naman ni Miss Kim.
"Ah, eh ano kasi." Napakamot ako ng ulo. "Uhm, may i-itatanong lang sana ako sa'yo Miss Kim, kung pwede?" Napataas ng kilay si Miss Kim.
"Ahh, sige po sir. Ano po ba yun?"
"Ah ano, p-pwede bang tayong dalawa lang muna?"
Nilingun ni Miss Kim yung mga kaibigan niya.
"Sige girls, ma-una na kayong umuwi. At tyaka, paki-sabi na lang kay unni na kaka-usapin muna ako ni Sir Gaudiano sandali."
Umagree naman yung mga kaibigan niya at umalis na rin pagkatapos.
"Ano po ba yung itatanong niyo?"
Tanong agad sa 'kin ni Miss Kim pagka-alis ng mga kaibigan niya.
"Ahh, about lang naman kay Miss Jung."
Biglang ngumiti ng nakakaloko sa 'kin si Miss Kim na parang nag-sasabi ng "uiii"
"Huwag mo naman akong ngitian ng ganyan." Nahihiya kong sabi sa kanya, pakiramdam ko pa nga namumula ako. Shit, 'wag kang magpahalata Enrique!
"Sorry po sir. Sige po, ano po ba itatanong niyo about kay unni?" Sagot niya naman habang tumatawa.
"Unni? Unni ang tawag mo sa kanya?"
Parang ang panget naman kasi ng tawag na yun 'no! Hindi bagay sa napaka-ganda niyang mukha.
"Yup. Ate in Korean."
"Ahh, yun pala yun."
Sorry naman. Hindi ko alam eh. Koreano ba 'ko?
"Start na po kayong magtanong sir."
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...