(Althiya’s POV)
Bwisit talaga ‘tong wirdong ‘to kahit kailan! Sabing day-off ko ngayon sa pagtu-tutor sa kanya eh! ARGH! ANG SARAP TALAGA ITAPON SA BERMUDA TRIANGLE! >_<
**Flashback
“Day-off ko ngayon sa pagtu-tutor sa’yo!”
Sagot ko sa kanya sa telepono. Siguro hindi nasabi sa kanya ni Ate Laurene ‘yun. Pssh -___-
“Day-off? Sino may sabi?”
“Si Ate Laurene!”
“Eh ngayon? Pake ko? Nasa’n ka ba ngayon?”
“Sa bahay nila Amy. Kasama ang barkada.”
“Ano?! Ba’t hindi niyo ‘ko sinabihan?! Aissh! Basta dapat, pumunta ka rito ngayon sa bahay!”
“Ano?! Day-off ko nga diba! DAY.OFF! At tyaka, anong oras na ngayon oh! Ano rin naman kaya ang ituturo ko sa’yo?!”
Hindi ba nakaka-intindi ng day-off ‘tong wirdong ‘to? -____-
“I.DON’T.CARE! PUMUNTA KA NA RITO NGAYON DIN KUNG AYAW MONG MAWALAN NG TRABAHO!”
“Hoy wirdo –“
*toot toot*
Walang hiya! Binabaan ba naman daw ako?! Aisssh!! Ipapalapa ko yun sa mga buwaya ‘pag dating ko dun!
**End of Flashback
Kaya eto ako ngayon, parang higanteng nagdadabog papunta sa kwarto ng bwisit na wirdong yun. Pagka-dating ko sa harap ng pinto, kinatok ko agad ng malakas yung pintuan. Bumukas naman ‘to kaagad.
“Sa susunod, ‘wag kang ganun kumatok. Sisirain mo yata yung pintuan ng kwarto ko eh.”
“Eh ngayon? Pake ko?”
Binalik ko yung sinabi niya sa ‘kin kanina sa telepono with matching pameywang at taas kilay. Tiningnan niya naman ako ng masama pero syempre, hindi ako nagpa-sindak noh.
“Ba’t mo ba ‘ko pinapunta rito?!”
Inis kong tanong sa kanya.
“Pumasok ka muna.”
“Ayoko. Sabihin mo muna ang dahilan.”
“Sabing pumasok ka muna eh!”
“Sabihin mo muna yung dahilan!”
Napakamot ng ulo si Renz, sabay hila sa ‘kin sa loob ng kwarto niya at malakas na sinara yung pinto na naging dahilan ng pagka-gulat ko -___-
“Hoy wirdo! Pwede ba, sabihin mo na yung dahilan kung bakit mo ‘ko pinapunta rito!”
Hindi niya ‘ko sinagot, nagpalakad-lakad lang siya sa harap ko. Bwisit na talaga ha -___-
“HOY LAURENCE FRANCISCO!”
“OO NA! ETO NA O, SASABIHIN NA!”
Ayan! Sasabihin rin naman pala papatagalin pa. May palakad-lakad effect pa siya na parang hindi mapakale. Pssh -___- Nag-sigh muna siya bago nag-salita.
“Magpapaturo lang sana ako nung project sa AP. Pero…”
“Pero… ano?”
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Ficção Adolescente[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...