Chapter 61

11.8K 219 5
                                    

Nandito kami ngayon sa garden. Last subject na namin this day pero wala ‘yung teacher namin kaya tumambay na lang kami rito. Kanya-kanya ulit, nagbabasa, nagchis-chisman, kumakain, naglalaro ng Tetris, pero wala ang natutulog which is si Kevin. Nung papunta na kami rito, sabi niya magsi-CR lang daw siya. Pero malapit ng matapos ang time, wala pa rin siya.

“Hi.” Napahinto kaming lahat sa ginagawa namin nung narinig naming may biglang bumati, at napalingun kami sa kanya. Si Anamarie, kasama niya si Kevin. Simula nung nag-promise ako kay Renz, hindi na ‘ko nag-iisip na babalikan niya si Anamarie. Pero meron pa rin akong pakiramdam eh, bwisit na pakiramdam ‘to.

“Nakita ko siya sa classroom, siya lang mag-isa. Kaya niyaya ko siya rito.” (Kevin)

“Wala na kasi ‘yung mga iba kong old friends rito.” (Anamarie)

Bigla namang tumahimik ang buong paligid. That means… awkward.

“Pwede naman sigurong sumama muna siya sa ‘tin diba?” Tanong ni Kevin. Naramdaman ko namang sa ‘kin lahat nakatitig maliban kay Renz na nakatingin kela Anamarie at Kevin, at si Anamarie na nakakatitig kay Renz.

“Ahh… sure. Oo naman, total diba kaibigan ka rin naman ng SPrince.” Maya-maya lang, tumunog na ‘yung bell para sa dismissal.

“Oooohhh!” Sigaw ni Marco.

“It’s Friday guys! At ‘wag niyong sabihin na nakalimutan niyo ang napag-usapan natin last Monday?” (Alex)

“’Wag po kayong mag-alala, hindi po namin nakalaimutan” (Andi)

“Gusto mong sumama, Anamarie?” Tanong ko. Naramdaman ko namang napalingun na naman silang lahat sa ‘kin. Nakita ko pa nga sa peripheral vision ko na napa “what” si Alex. Eh ano namang masama sa tinanong ko? Alangan namang pabayan namin siya rito mag-isa.

“Ahh… okay lang ba?”

“Oo naman.” Sagot ko. May pagka-shunga rin pala ‘to si Anamarie, tatanungin ko ba siya kung hindi okay.

Tutal dinala na rin naman namin ‘yung mga gamit namin nung papunta kami rito sa garden, dumiretso na kami sa parking lot. Halos silang lahat may mga sundo na na maghahatid sa kanila sa pupuntahan namin, maliban sa ‘min ni Anamarie. Well, at least, may rason ako. Sanay na kasi sila papa na hinahatid-sundo ako ni Renz kaya hindi na sila nag-abala pang magpadala ng susundo sa ‘kin. Ewan ko lang kay Anamarie.

“Nasa’n ang sundo mo?” Tanong ni Alex sa kanya.

“Akala kasi nila 6 PM pa ‘ko uuwi. May gagawin kasi dapat ako sa school library kaso nung chineck ko kanina kung tuloy pa ba eh sinabihan ako ng librarian na hindi na raw.” Sagot niya “Pwede bang sumabay muna ako sa inyo, Renz?”

At dahil jan, napalingun na naman sa ‘kin ang lahat. Maliban kay Renz na hindi ko alam kung sa’n nakatitig dahil nasa likod ko siya (hindi na rin ako lumingon sa kanya), at kay Andrea na nag-roll ng eyes sabay pasok sa kotse na sundo niya (hindi kay Marco dahil sumasabay lang siya rito kapag hindi dumarating ‘yung sundo niya)

“Uhm.. pwe –“

“May kasabay ka Kevin?” And this time, kami naman ang napalingun kay Renz.

“Wala.” Sagot niya

“Kay Kevin ka na lang sumabay Anamarie. 2 person car lang kasi ang dala kong kotse ngayon.” Napayuko naman si Anamarie sa narinig niyang sagot ni Renz.

“Halika na Anamarie.” Tawag ni Kevin sa kanya. Hinila naman ako ni Renz papunta sa kotse niya ng nakahawak sa baywang ko.

Nung nakapasok na siya sa loob, bigla na lang siyang bumuntung-hininga ng malalim. “Bakit?” Tanong ko. Lumingon siya sa ‘kin at tinitigan ako, tiningnan ko naman siya ng confused look.

“Hindi mo itatanong kung bakit hindi ako pumayag na sumabay siya sa ‘tin?”

“Ba’t ko pa itatanong eh sinabi mo na kanina diba?” Wirdo. Pero tinitigan niya lang ako sandali at pinaandar na ang kotse, ng hindi sinasagot ang tanong ko.

***

Pagkarating namin, kanya-kanya na agad. Parang mga batang ngayon lang nakarating sa Amusement Park ang mga ‘to sa sobrang excited.

Naghiwalay muna ang A’s at SPrince nung una, si Anamarie sumama sa boys. Inuna namin ng A’s ‘yung pirate ship, then nag octupos kami at last ‘yung swing na kung maka-ikot eh parang wala ng bukas. Mabuti na lang hindi kami masyadong kumain kanina kaya hindi kami nasuka.

Maya-maya lang, nagkita na kami ng SPrince at ni Anamarie sa may fountain ng park. Habang papalapit na sila rito, nakikita kong nag-uusap si Renz at Anamarie. Sa tuwing may sinasabi si Renz, tumatawa si Anamarie, ganun rin si Renz sa kanya. Medyo may naramdaman akong konting selos… or konti nga lang ba?

Pero nung lumingon na sila sa kinaroroonan namin at nung nakita na ako ni Renz, nawala kaagad ang selos na nararamdaman ko na parang inihip ng hangin. Lumiwanag kasi ang mukha ni Renz nung nakita niya 'ko at the same time, mas lumaki ang ngiti niya. Iniwan niya si Anamarie na nag-sasalita pa rin at tumakbo papalapit sa 'kin, sabay lagay ng kamay sa balikat ko.

"Kumusta ang rides niyo?" Tanong niya.

"Sobrang enjoy. Sumakay ba kayo dun sa swing?"

"Hindi. May phobia kasi si Marco jan. Isang beses na sumakay kami sa ride na 'yan eh halos naubos ang kinain niya sa buong buhay niya. "

"Hula ko, nung nangyari 'yan noh eh tawa lang kayo nung tawa imbis na i-comfort siya"

"Nung una, oo! Pero nung tumagal ng halos kalahating minuto 'yung pagsusuka niya eh halos napatawag na rin kami ng ambulansya."

Gulat akong napatingin kay Renz nung sinabi niyang halos kalahating oras sumuka si Marco that time. Grabe, made-dehydrate na yata ako niyan kapag ganun ako katagal susuka. Tiningnan niya naman ako ng oo-medyo-hindi-kapani-paniwala look.

"So ano? Sa'n tayo ngayon?" Tanong ni Marco

"Ferris wheel" Napalingun kaming lahat kay Renz sa sinagot niya.

"Ferris wheel? Seryoso ka Renz?" (Spencer)

"Kailan ka pa nag-enjoy sa pag-sakay ng ferris wheel?" (Marco)

Nagkatinginan kami ni Renz at napangiti sa isa't-isa. Dahil parehas naming alam na may isang beses na nag-enjoy siya - at ako - sa pag-sakay sa ferris wheel.

"Bahala kayo, basta kami ni Althiya dun sa ferris wheel."  Then hinila niya 'ko papunta sa ferris wheel habang tumatakbo.

"Maglakad lang kaya tayo. Ano ba'ng minamadali mo?" Sabi ko sa kanya habang tumatakbo pa rin.

"Nagmamadali akong magkasama tayo ng tayo lang dalawa. 'Yung walang istorbo"

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon