(Althiya's POV)
Grabe! Kahit 4:30pm na, ang init parin. Pangalawang summer ko pa kasi dito sa Philippines eh. Siguro hindi pa 'ko sanay. Kahit in-on ko na yung aircon at electric fan, ang init parin. Ang sarap pumunta ng mall para magpa-lamig, HINDI PARA MAG-SHOPPING! Wala akong hilig diyan 'no. Kaso wala akong kasama. Ayoko kayang umalis ng bahay ng mag-isa lang.
At dahil wala akong magawa sa bahay, nag-OL na lang ako buong araw. Aissh! Dapat hindi na lang ako nag-OL, wala rin namang nago-OL eh. MAHABAGING LANGIT NAMAN O! ANG INIT TALAGA TSONG! Makakuha na nga lang ng ice cream para medyo mabawas-bawasan naman tong kainitan na nararamdaman ko. Bumababa ako mula sa kwarto at pumunta sa kusina para kumuha ng ice cream. Chocolate flavor yung kinuha ko, syempre, favorite ko yun eh! Dinala ko yung ice cream ko sa room. Pagkatingin ko sa laptop ko, nakita kong may message galing kay Andrea. Binasa ko naman agad yung message niya.
Andrea Matinez: hoy! koreana!
Ji Min Althiya Kim: bkit?
Andrea Martinez: ba't wla ka sa airport ngayon?
Ji Min Althiya Kim: huh? at ano naman daw ang gagawin ko sa airport aber?!
Andrea Marinez: WAHAT?! di mo tlaga alam kung ano gagawin mo sa airport?
Ay walangjo naman tong si Andrea o. Itatanong ko ba kung alam ko? Shunga lang te? Magre-reply na sana ako sa kanya pero bigla na naman siyang nag-send ng message.
Andrea Martinez: sa bagay, itatanong mo ba kung alam mo dba?
Buset.
Ji Min Althiya Kim: mabuti alam mo. teka, ano nga ba dpat ang gagawin ko sa airport?
Wala kasi talaga akong maalala na may kailangan akong gawin sa airport eh.
Andrea Martinez: tingnan mo muna ang messages mo tas sabhin mo sa kin kung tpos mo ng tingnan ang messages mo, tpos sasabihin ko sayo kung ano ang dpat mong gawin sa airport.
Ji Min Althiya Kim: eh? bkit?
Andrea Martinez: gwin mo na lng pwede?
Ji Min Althiya Kim: tss, pms!
Andrea Martinez: sows! prang d ka na nasanay!
Ji Min Althiya Kim: HEH! bhala ka nga jan! cge, gagawin ko na po ang inuutos niyo mahal na prinsesa -_-
Ginawa ko na lang ang pinapagawa sa 'kin ng Prinsesang Yelo na si Andrea. Pinuntahan ko yung message board then naghalungkat ako dun.
Ji Min Althiya Kim: o ayan, nandto na ko sa message board ko. o ano, sasabhin mo na ba?
Andrea Martinez: may nkikita ka bang message sayo ni Amy jan?
Ji Min Althiya Kim: yup.
Andrea Martinez: i-open mo yan tas bsahin mo.
Ji Min Althiya Kim: sows! dmi mo nmang echos!
Andrea Martinez: gwin mo na lng!
Ji Min Althiya Kim: OPO!
Tss. Walangjo talaga 'to si Andrea oh. Ginawa ko na lang ulit yung utos ng "PRINSESA". Inopen ko yung message ni Amy para sa 'kin at binasa.
Amethyst Joy Johnson: Hey Althiya! mzta na?! btw, uuwi na ko dis saturday, dis week, 4pm. yung promise mo ha, isa ka sa mag-susundo sa kin sa airport. miss you! :*
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...