“ANO BA! AKO KAYA BUMILI!”
“EH ANO NGAYON?! PROMISE MO RIN NAMAN SA ‘KIN ‘TO EH!”
“WALA KAYA AKONG SINABING PROMISE!”
Nakaka-bwisit talaga ‘tong wirdo na ‘to! Alam mo ‘yung feeling na ikaw ang bumili ng tatlong balot ng oreo pero halos siya lahat ang umubos? HINDI MAN LANG AKO TINIRHAN! Well, tinirhan niya ‘ko pero ANG KONTI LANG! Mga limang piraso lang siguro. NAKAKAINIS!
“Itigil niyo na nga ‘yan. Para kayong mga bata na nag-aaway ng dahil lang sa oreo eh.” Saway naman ni Ate Laurene sa ‘min. Nandito rin kasi siya ngayon sa hospital, binabantayan si Renz. Nandito ako kasi… uhm… wala lang! Ay! Hindi pala! Kasi tutor niya ‘ko!
“Siya po kasi Ate Laurene eh!” Sabi ko habang tinuturo si Renz.
“Anong ako? Eh dapat naman talaga mas marami ang oreo ko kasi kaka-galing ko lang!”
“Ano?! ‘Di kaya ganun! Dapat pantay lang!”
“EH PROMISE MO RIN NAMAN ‘TO EH!”
“HINDI NGA KASI AKO NAG-PROMISE!” Langhiya! Tigas ng ulo ng wirdong ‘to! >o<
“Hoi!” Napalingun kami ni Renz sa may pinto. Nakita namin si oppa na may dalang isang basket ng prutas. “Ba’t ba kayo nag-sisigawan? Nandun pa lang ako sa elevator rinig na rinig ko na ang boses niyong dalawa.”
“Si Renz/Althiya kasi!” Sabay naming turo sa isa’t-isa.
“Ano bang pinag-aawayan nila, Laurene?” (Aldwin)
“Oreo.” (Laurene)
“Tss, para kayong mga bata. Ji Min, ilagay mo ‘to sa kusina.” Sabi ni oppa habang inaabot ang basket. Ahh….. tiningnan ko si oppa ng ba’t-ako? look
“Ako na, Aldwin.” (Laurene.)
“No. I want Ji Min to do it.” Tiningnan ako ni oppa ng sundin-mo-ko-at-kunin-mo-na-to look. Pssh, okaaaaaaaay! Kinuha ko na ang basket at pumunta na sa kusina. Ba’t kaya ako ang inutusan ni oppa?
***
Pagkalabas ko ng kusina, wala na si oppa. Ganun rin si Ate Laurene. O, sa’n sila nag-punta? Ganun ba ‘ko katagal sa kusina? Feel ko mga 10 minutes lang ‘yun eh. Nadatnan ko naman si Renz na tulala at parang may iniisip. Ahh………
“Renz, nasa’n si Ate Laurene at oppa?” Hindi niya ‘ko sinagot, tulala pa rin na parang may iniisip. Langya, anyare sa kanya? “Hui! Renz!”
“O-oo! B-bakit?” Parang kababalik lang sa mundo niya na sagot.
“Anyare sa’yo?”
“Ha? Wala naman. Althiya?”
“Bakit? Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”
“Tanong? Ano bang tanong mo?” K, hindi nga siya nakinig kanina -____-
“Sabi ko, asa’n si oppa at Ate Laurene?”
“Ahh, hindi nila sinabi eh. Pero Althiya, pwede ba ‘kong mag-request?”
“Ano?”
“Punta tayo sa garden.”
“Ha? Anong gagawin natin dun?”
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...