Chapter 53

13.7K 249 1
                                    

Nung recess time, huli na ‘kong nakarating sa garden dahil kinausap pa ‘ko sandali ng MAPEH Teacher namin para sa play na pinapagawa niya sa class, ako kasi ‘yung ginawa niyang director. Nung nakarating na ‘ko sa garden, si Alex naman eh papa-alis, na umiiyak? Then sinundan siya si Tristan. Para ring nabagsakan ng mundo ang mukha ng buong barkada. Ano naman kaya ang na-miss ko?

“Psst! Anong problema? Ba’t ganyan ang mga mukha niyo at ba’t ganoon si Alex at Tristan?” Oh, by the way, si Alex at Tristan na. Nung prom day lang. Echos diba! Valentines Day ang anniversary!

“Bad news.” Sabay-sabay nilang sinabi. Tiningnan ko naman sila ng hindi-ko-tinanong-kung-good-ba-o-bad-news-ang-tinatanong-ko-eh-anong-problema look.

“Sabi kasi ni Tristan, sa U.S. na daw siya mag-aaral next year.” Sagot naman ni Amy. Oh, bad news nga.

“At dahil hindi naniniwala si Tristan sa LDR…” (Andi)

“Hiniwalayan ni Tristan si Alex sa harap niyo?!” (Althiya)

“Hindi! Nung sinabi na kasi ni Tristan na aalis na nga siya, tinanong agad siya ni Alex kung naniniwala ba siya sa LDR. Sagot naman ni Tristan eh hindi, kaya ayun, umiyak at nag-walk-out.” (Andrea)

“Ahh.” Umupo ako sa tabi ni Renz at inakbayan niya ‘ko. “Hindi naman siguro hihiwalayan ni Tristan si Alex diba?”

“Hindi.” Sabay na sagot ng SPrince.

“Naging OA lang talaga si Alex” Sabi ulit ni Andrea.

Lumipas ang mga ilang minuto eh hindi pa rin bumabalik si Alex at Tristan. Eto naman sila, parang walang nangyari, balik sa dating gawi na kain dito, usap doon. Kaibigan talaga!

“Kailangan nga pala ‘yung seniors ball?” Tanong ni Amy

“Next week ata.” (Andi)

“Pwede bang pumunta ang lower years, Renz?” (Amy)

“Oo. Pero may bayad.” Sagot naman ni Renz. Tuwing seniors ball daw kasi rito, wala ng bayad ang mga fourth year. Parang graduation gift na rin ng school para sa kanila. Kaya kung gusto sumali ng lower years, may bayad na sila. ‘Di naman kasi sila ang ga-graduate.

“Pupunta kayo?” Tanong ko.

“Niyaya ako ni Kristof. Tatanggi sana ako kasi gusto kong mag-stay sa bahay sa seniors ball pero binayaran niya na ‘ko. Kaya… no choice.” (Andi)

“Kung ikaw gustong mag-stay sa bahay, ako hindi. Ang boring kaya! Kaya pupunta ako.” Sabi naman ni Andrea, ganun na rin ang iba. At katulad lang din ng dahilan ng kay Andrea.

“So… kailangan na rin ba nating sumama Althiya?” Tanong ni Renz sa ‘kin.

“Parang ganun nga. Para kasing kung hindi tayo pupunta, tayo lang sa school ang hindi pupunta.”

***

(Senior’s Ball Night)

(Renz’ POV)

It’s already 6pm, kaya susunduin ko na si Althiya para sa ball. Excited na ‘ko kung ga’no na naman kaganda ang itsura niya ngayon, gaya nung sa prom. Pero kahit ano pa man ang suot niya, wala man siyang make-up or hindi man siya naka-cocktail, she will always be beautiful in my eyes.

Nung nasa bahay na nila ako, naghintay muna ako na lumabas si Kuya Alfred bago ako lumabas ng kotse. ‘Yun na kasi ‘yung sign na lalabas na si Althiya. Kasunod niyang lumabas si Tito Jeffery, then si Tita Jennica, and lastly, her. ‘Di ko napigilang mapangiti, she’s really always beautiful.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon