(Althiya's POV)
"WAAAAAAH! 5SPrince is here!"
Narinig kong sigaw nung isang girl student nung nakarating na kami sa cafeteria.
"Ay, hindi nila kasama si Prince Renz ko."
"Wait, kasama nila yung kamukha ni Anamarie."
"Siguro gusto makilala ni Kevin 'yang kamukha ni Anamarie kasi –"
"Punta na tayo sa buffet table. Pili na tayo ng kakainin natin."
Pag-aalok sa 'min ni Kevin, kaya pumunta na kaming sampu sa buffet table. Gusto akong makilala ni Kevin? At may dahilan 'yun? Ano kaya? 'Di ko na kasi narinig yung kadugtong ng sinabi ng isang estudyante kasi biglang nag-salita si Kevin. Aissh! Nevermind na lang nga 'yun.
Pumili na kami ng mga pagkain, binayaran sa cashier at pumunta sa isang table na pangsampuan at umupo. Magkatabi kami ng Miss A maliban kay Alex. Tumabi siya kay Tristan eh. Kaharap ko si Kevin, si Andrea at Marco magkaharap rin. Nakakatawa nga kasi pacute ng pacute si Marco kay Andrea. Si Andrea naman parang nandidiri 'pag ginagawa 'yun ni Marco. Si Spencer at Ahriya ang magkaharap tapos si Andi naman si Alex ang kaharap then si Amy at Tristan magkaharap rin.
Pagka-upo namin, nag-simula na kaagad kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain at ang tangi lang naming naririnig ay ang mga bulungan ng mga schoolmates namin.
"Tumabi pa talaga 'yang babaeng 'yan sa Prince Tristan ko. Hmp! Kainis!"
"Kamukhang-kamukha niya talaga si Anamarie 'no?"
"Ang gwapo talaga ng 5SPrince!"
"Bakit kaya wala si Prince Renz."
Binasag naman ni Andrea ang katahimikan sa aming grupo nang bigla siyang nagtanong sa apat na boys.
"5SPrince ba ang tawag sa inyo?"
Sinagot rin naman siya ni Marco.
"Oo. Maganda tawag sa grupo namin 'no?"
Hindi sumagot si Andrea kay Marco at tinarayan na lang ulit ito.
"Ano meaning ng 5S?"
Tanong ni Andi.
"5 Sparkling." (Spencer)
"Ahh, so it means 5 Sparkling Prince ang tawag sa inyo." (Andi)
"Yup." (Tristan)
5 Sparkling Prince. Woah! Echoserang frog. Pero bagay rin naman sa kanila ang 5 Sparkling Prince na pangalan kasi pare-parehas rin naman silang mga kumikinang na prinsipe. Charot!
"Tristan my loves, alam mo bang may tawag rin sa 'ming anim?"
At dahil malakas ang boses nitong si Alex, narinig ng buong cafeteria ang pagtawag niya kay Tristan ng my loves. Narinig ko na naman ang bulung-bulungan ng mga schoolmates kong mga chismosa lalo na ang mga babae.
"Tinawag niyang My Loves ang prinsipe ko? Oh My, girlfriend ba siya ng Prince Tristan ko para tawagin niya 'tong my loves?"
"Ang sarap sabunutan ng babaeng 'to! Tinawag ba naman my loves ang prince ko!"
"Argh! Ang sarap patayin ng babaeng 'yan! Tinawag niyang my loves ang my loves ko!"
Tss, kung makapag-salita rin 'tong mga babaeng 'to parang hindi rin makakapal ang mga mukha ha.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Novela Juvenil[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...