(Renz POV)
Agad akong umalis sa bar nung tinawagan ako ni Andrea. Pagkarating ko sa hospital, pumunta kaagad ako sa OR. Nandun daw kasi sila ngayon. Jusko, sana okay lang si Althiya. Please, please, please. Si ate ang unang nakakita sa 'kin pagkarating ko.
"Ate, kumusta si Althiya, okay lang ba siya?" Natataranta ko ng tanong.
"Nasa loob pa rin sila kaya hindi pa namin alam." (Laurene)
"Nahuli ba 'yung kotse na nakasagasa sa kanila?" (Renz)
"Yes. Nasa custody na siya ngayon ng mga pulis." (Aldwin)
"Eh 'yung guard?" (Renz)
"Dead on arrival. Nung nabangga kasi sila, sinangga niya ang sarili niya kay Althiya. Kaya nga we will make sure na kami na ang bahala sa expenses at sa pamilya niya na rin." (Aldwin)
"Kung hindi dahil sa kanya baka wala na rin si Althiya ngayon." (Amy)
"Ang SPrince?" (Laurene)
"Na-iwan sila sa bar, sila muna ang tutugtog ngayon. Susunod na lang daw sila pagkatapos." Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nag-excuse muna ako sa kanila sandali. Tiningnan ko kung sino: unknown number. Sino na naman kaya 'to?!
"Hello?"
"Renz! How are you?" Masaya niyang bati. Ba't siya tumawag? Jusko naman! Sana 'wag niya na 'kong pilitin ulit. Inexplain ko na lahat kay Anamarie eh, 'di niya pa rin tanggap?!
"Ano na namang kailangan mo?" Hininaan ko lang ang boses ko para 'di nila marinig sa likod.
"Nangungumusta lang. Kumusta ang girlfriend mo? Diba nabangga 'yung kotseng sinasakyan niya?"
"Pa'no mo na—" No. Oh my god, no. E-eto 'yung sinasabi niya! God! "Ikaw ba—"
"I told you, never leave my sister and nothing will happen to your girl. Pero dahil selfish ka..." Nabingi ako sandali sa mga sinabi niya. Hindi niya pala ako tinigilan. Sa mga ilang araw na walang nangyari kay Althiya simula nung sinabi ko kay Anamarie, pinaplano niya na pala 'to. "Blame yourself if something will happen to your girl." At pinatay niya na.
"Renz, nandito na ang doktor." Napalingon ulit ako kanila ate at nakita kong lumabas na 'yung doktor mula sa OR. Lumapit naman ako agad.
"How's my sister, doc?" (Aldwin)
"She's not fine. Masyadong malaki ang na-damage sa brain niya. Meron pa ngang mga internal bleeding na kailangan nating obserbahan."
"Kailan po ba siya pwedeng magising?" (Laurene)
"I really don't know. But we're really hoping na magising siya ng maaga. Gaya nga ng sabi ko kanina, malaki ang na-damage sa brain niya. Kailangan nating maagapan 'yun na conscious na siya."
"Pa'no po kung 'di siya ma-operahan agad?" Tanong ulit ni Ate Laurene. Huminga ng malalim 'yung doctor at parang nagdadalawang-isip na sabihin sa 'min. Please, 'wag sana please.
"You have two options. First, pwede natin siyang operahan ngayon pero maco-comatose siya at hindi natin alam kung kailan siya pwedeng magising. Second, hihintayin natin siyang magising but, mas lalong manganganib ang buhay niya. Possibly.... Death."
Biglang nanghina ang tuhod ko nung narinig ko ang salitang "death". Eto na 'yung kinatatakutan ko eh. Eto na 'yung sinasabi ko na kapag nalaman niya ang lahat, may mangyayaring masama sa kanya. Ayoko ng marinig pa ang sinasabi ng doctor kaya umalis na 'ko dun.
"Sa'n ka pupunta Renz?"
Death... Althiya... Death... Althiya.
"Blame yourself if something will happen to your girl."
Tama ang kuya ni Anamarie, kasalanan ko 'to. Kung hindi ko hinayaang malaman 'to lahat ni Althiya, hindi siguro 'to nangyayari ngayon. Hindi siguro napapahamak ang buhay niya. Siguro okay pa ang lahat. Gago talaga ako kahit kailan! Ba't pa ba ako nag-exist sa mundong 'to?! Pinahamak ko lang si Althiya eh! Pinahamak ko lang ang babaeng mahal ko!
"Renz, kumusta si Althiya?" Tanong ni Kevin na nasa harap ko ngayon. Pero 'di ko siya masagot. Gusto kong magsalita pero wala na 'kong lakas para gawin 'yun. Biglang na-ubos lahat ng lakas ko. "Renz?"
"Ma-una na lang kami dun ni Marco." Paalam ni Spencer at umalis na sila.
"Renz, ano ba'ng nangyari?" Iling lang ang tangi kong nasagot sa kanya. "What do you mean?"
"This is all my fault." At biglang nabasag ang boses ko. "THIS IS ALL MY FUCKING FAULT!" At bigla na lang akong napaluhod at tuloy-tuloy na ang pag-agos ng mga luha ko. Oh god, Althiya, I'm so sorry.
"It's not your fault Renz. Aksidente ang nangyari."
"Hindi, hindi aksidente. 'Yung kuya ni Anamarie—" Halos 'di na 'ko makahinga sa kakaiyak. Hindi ko kakayanin kung mawawala si Althiya. Anong gagawin ko kung wala siya? Ano?
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...