Chapter 29

13.3K 239 1
                                    

“G*g*ng kotse ‘yun ha! Hindi man lang nag-sorry!”

Sabi ni Renz habang tinititigan ‘yung kotse na hindi man lang huminto at nag-sorry dahil muntik niya na akong nabangga. Pero hindi ‘yun ang dahilan kung ba’t ako kinakabahan ngayon, o kaba ba talaga ‘to? Kasi, ang awkward ng posisyon namin ni Renz. Medyo nasa gitna kami ng kalsada, nakahiga ako sa kalsada habang siya… well… nakapatong sa ‘kin >_< Tapos ... bigla siyang l-lumingon s-sa ‘kin! X’’’O
Ako lang ba ‘to o talagang kung makatitig siya sa ‘kin is parang… parang… may spark? AY EWAN!

“Ok ka lang?”

Tanong niya pagkatapos niya akong itayo. Halata sa mata niya ‘yung pagka-concern, o potassium lang ako? Nag-nod naman ako. And then, bigla na lang nag-black ang lahat.

***

Nagising ako mula sa silaw na galing sa bintana. Inikot ko yung paningin ko, hala! Nasa’n ako?! ‘Di ko ‘to kwarto eh! Nung lumingon ako sa other side ko, nandun si Renz habang naglalaro ng psp niya. Nung lumingon siya sa ‘kin, biglang nanlaki yung dalawa niyang mata sabay nabitawan yung psp niya.

“Nasa’n ako?”

Tanong ko sa kanya.

“N-nasa g-guest room n-namin.”

Pautal-utal niyang sagot na parang wala pa rin sa katinuan. Umaandar na naman ang pagka-wirdo niya -____-

*tok tok*

Bumukas ang pinto at pumasok si Ate Laurene.

“Gising ka na pala Althiya. Tamang-tama lang, breakfast is ready. Sunod kayo sa baba ha.”

Pagkatapos sabihin yun ni Ate Laurene, lumabas na ulit siya. Bumalik yung tingin ko kay Renz.

“Renz!”

“Ah, o-oo! Bakit?”

Sagot niya na parang kakabalik lang sa earth.

“Anong nangyari? Ba’t dito ako natulog sa guest room niyo? Alam ba ni papa na nandito ako?”

“Nahimatay ka kagabi pagkatapos mong muntik masagasaan kaya hindi ka na naka-uwi at dito ka na lang pinatulog ni ate. Alam ng papa mo na nandito ka.”

“Eh ba’t ka narito? ‘Wag mong sabihing dito ka –“

“Mag-breakfast na daw tayo.”

Sabi niya sabay tayo at labas ng kwarto. Ay, iniwan ako? Tch -___-

***

“Bakit nasa labas kayo kagabi?”

Tanong ni Ate Laurene sa kalagitnaan ng pagkain namin.

“Bumili kami ng ice cream.”

Walang pake-alam sa mundo na sagot ni Renz. Back to normal na siya -___-

“Ice cream? May ice cream naman tayo ha.”

“Strawberry ice cream, ate.”

“Strawberry ice cream? At bakit?”

“Ilalagay ni Althiya sa cookies na pinagawa ko.”

“Ahh.”

Sabi ni Ate Laurene with matching nakakalokong ngiti. Yung cookies nga pala! Hindi ko pa nalalagyan ng ice cream T^T

“Alam mo ba Althiya, binantayan –“

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon