(Laurene’s POV)
I was working with the paper works when I feel this dizziness again. Ugh! Last week ko pa ‘to nararamdaman. Usually every morning.
*tok tok*
“Come in.” Pumasok si Renz.
“O, ate, anong problema?”
“Nothing.”
“Nothing? Tss. Na-sobrahan ka siguro sa trabaho.” Sabi niya naman sabay upo sa chair na nasa harap ng table ko.
“Okay, little bro. Bakit ka nga pala narito? Class hours pa ngayon ha.”
“Wala si Althiya eh. Pinasali mo sa National Quiz Bee.” Sabi niya with nagtatampo tone.
“Kahit na. Teka, ano nga pala ang nangyari kay Althiya last night?”
“Wala.”
“Wala?” What kind of answer is that? Tumango naman siya.
“Sinabi niya lang sa ‘kin na may nangyari raw sa bahay nila. Hindi niya naman daw talagang gustong lumabas ng bahay. Ni hindi niya nga alam kung bakit siya pumunta run.”
“Ano daw’ng nangyari sa bahay nila?”
“About raw kay Kuya Aldwin.” About kay Aldwin? Bigla akong kinabahan.
“What… happen to him?” Tanong ko na pinipilit hindi magpahalata na SOBRA akong nag-aalala.
“Hindi niya na sinabi at hindi ko na rin inalam. Change topic, pwede ba ‘kong tumambay rito?”
“No. Go back to your classroom.”
“Pero Section SZ ako kaya may special treatment ako.”
“Sobrang special treatment na ‘yang hinihingi mo. Go back to your classroom.”
“But –“
“Now.” Nag-sigh naman siya at tumayo na paalis. Ano ba’ng nangyari kay Aldwin? Ganun ba kasama ang nangyari sa kanya kaya umalis ng bahay si Althiya? Kinuha ko ‘yung cellphone ko at ida-dial na sana ang number ni Aldwin ng bigla naman dumating ang assistant ko.
“Good afternoon, ma’am. Eto na po ‘yung report na hinihingi niyo.” Sabi niya sabay abot sa ‘kin ng mga folders.
“Thank you.” Aabutin ko na sana ng biglang naramdaman kong masusuka ako.
“Are you okay, ma’am?” I nod. I immediately run to my office’s rest room. Nung lumabas na ‘ko, tiningnan ako ng assistant ko na parang nagugulat or something.
“What?” I asked her.
“Ma’am…. ‘wag niyo pong masamain ‘yung tanong ko ha pero…. may…. naka-sex ba kayo this past few days?”
“Ha?” Na-alala ko ‘yung nangyari sa ‘min ni Aldwin. Nahihiya akong nag-nod sa kanya.
“Baka…. Baka….”
“Baka, ano?”
“Baka buntis po kayo.” What? Then I remember na hindi kami gumamit ni Aldwin that time ng any contraceptives. Mas lalo pa ‘kong kinabahan.
“Gusto niyo po bang bilhan ko kayo ng pregnancy test?”
“Yes, please.” I answer immediately.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...