[Prom Day: Feb 14]
(Althiya’s POV)
“Ma! Ayoko nga ng masyadong mataas ang heels!” Ang kulit! Mukhang ako pa ata ang nanay sa ‘min sa sobrang tigas ng ulo niya eh!
“But princess, mas bagay ‘to sa dress mo.”
“Pero ma, ang taas ng 6 inches. Gusto niyo bang matapilok ako at mapahiya?”
“Okay! 5 inches?”
“Piso lang natanggal? 3!”
“5! That’s final! Take it or leave it? Deal or no deal?”
“*sigh* Okay.” Then sinuot ko na para matapos na ‘to. Ba’t kasi ‘di pwedeng mag-flats?!
“Renz is here princess.” Sabi ni Jung Min Oppa. Tamang-tama lang ang pagdating niya sa pagtatapos ng Hunger Games namin ni mama about sa sapatapos na susuotin ko. Bumaba na ‘ko para salubungin si Renz. Na-una na kasi si unni, sinundo na ni Sir Gaudiano. ALAM NA! Pati rin si Jang Min Oppa, na chaperone ko, eh pina-una ko na rin dahil alam kong matatagalan talaga ako.
Nagtataka siguro kayo kung bakit hanggang ngayon nandito pa si Jung Min Oppa at mama. Eh kasi, paga-graduatin daw muna nila ako ng high school bago sila aalis ng Pinas. ‘Lam niyo na, “the wedding”. Okay lang sana kung si oppa, pero si mama? SI MAMA? Mahal ko naman si mama pero, nakaka-inis lang ‘yung pagiging diktador niya sa ‘kin eh! Kagaya na lang ngayon, siya pa nga namili ng isusuot ko eh. Mabuti na lang at nagustuhan ko kahit papa’no at kahit hindi purple. Okay na rin naman sa ‘kin ang pink, pati stiletto ko na pinili ni mother dear eh pink rin.
Nasa hagdan pa lang ako, sinalubong na ‘ko ni papa at Jung Min Oppa.
“You’re so beautiful princess.” Sabi ni papa sabay hug sa ‘kin. “You’re right, you’re not a little princess anymore.”
“Baka wala pa ‘ko sa prom namin wala na ‘kong make-up dahil sa’yo papa.”
“Tama na ‘yan, papa. Naghihintay na ang prince-soon-to-be-king ng princess-soon-to-be-queen natin.”
Umunang bumaba sila papa, mama, at oppa para makita at maka-usap rin si Renz. Dahan-dahan na rin akong sumunod sa kanila. Pagkarating ko, kakatapos lang din nilang mag-usap. Then nakita ko si Renz na naka-white-tux, still gwapo as ever, pero mas lumala ngayon. My soon-to-be-king.
“Wow!” Sabi niya nung nakita ako. Napa-ngiti naman ako.
“O Renz, ingatan mo ang princess namin ha.” Pa-alala ni papa sa kanya.
“’Wag mong hahayaan na may mangyaring masama sa kanya.” Sabi naman ni oppa.
“Don’t worry Kuya Alfred, I will never let that happen.” Sagot naman ni Renz.
“Tama na ‘yan boys! Pumasok na tayo at hayaan na natin si Prince Renz ang bahala sa princess natin.” Then pumasok na sila sa loob.
“Okay lang ba ‘yung make-up tyaka dress ko?” Then he smile at me.
“Even without that, you’re still beautiful and gorgeous.” Mabuti na lang medyo madilim na kaya hindi na masyadong kita ang kamatis kong mukha dahil sa sinabi ni Renz, may blush-on pa naman ako. Pagkatapos niyang isuot ang corsage sa ‘kin, pumasok na kami ng kotse at umalis.
Pagkarating namin sa event hall, nadatnan kaagad namin ang barkada na nasa table na at kami na lang pala ang hinihintay.
“Beautiful as always Althiya.” Sabi ni Andrea.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Novela Juvenil[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...