Chapter 71

11K 179 1
                                    

(Renz POV)

“Good evening, Young Master. Kumusta po ang outing niyo?” Tanong ni Butler Camora pagkapasok ko sa bahay.

“Okay lang.” Dirediretso lang ako sa paglakad papuntang kwarto ko dahil gusto kong mapag-isa.

“That’s good to hear, sir.” Napahinto ako sa paglalakad at napalingun kay Butler Camora. May kakaiba kasi sa tono niya ngayon eh, parang may magandang nangyari nung wala ako rito.

"Ano po 'yun sir?" Tanong niya. Tinitigan ko lang siya at hindi na sinagot, sabay punta sa kwarto ko.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang may narinig akong umiiyak na bata. Umiiyak na bata?! Kailan pa nagkaroon ng bata sa bahay namin? Hinanap ko kung sa'n galing 'yung iyak: sa nakabukas na kwarto ni Ate Laurene. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kwarto ni ate, pinipilit na hindi mag-expect. Habang papalapit ako ng papalapit, mas lumalakas 'yung iyak. Pumasok ako sa kwarto at nakita kong may babae na naka-upo sa kama, habang pinapatahan niya 'yung sanggol na nakahiga doon.

"Ate?" Lumingon ang babae sa 'kin at... oh god.

"Renz!" Tumayo siya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Ate, pa'no? Alam ba 'to nila papa?" Tanong ko pagkahiwalay namin.

"Oo, alam nila papa. Hinanap nila kami." Oo nga naman. Talagang hahanapin sila nila papa, dahil sa nangyari sa 'min ni Althiya. Nakita ko rin sa mukha niya na alam niya na kung ano ang nangyari sa 'min. Napunta ang tingin ko sa batang nakahiga sa kama.

"Siya na ba, ate?" Tanong ko habang lumalapit ako sa kama.

"Yes."

"Pwede ko ba siyang kargahin?"

"Of course. Pamangkin mo naman 'yan eh." Dahan-dahan ko siyang kinarga na para bang isa siyang glass na madaling masira. Grabe, ang gaan niya.

"Ano nga pala ang pangalan niya?"

"Jazzil."

"Hi Jazzil." Pagkasabi ko nun, tumawa siya. Totoo nga yung sabi nila, napapangiti ang kahit sino kapag tumawa na ang isang sanggol. "Nga pala ate, nasa'n si Kuya Aldwin?"

"Umuwi muna siya sa kanila. Bibisita rin kami bukas sa bahay nila para makita ng family niya si Jazzil."

"Sa'n nga pala kayo tumira dati?" Binigay ko si Jazzil kay ate dahil bigla siyang umiyak.

"Sa isang condo sa Makati. Naging maayos naman kami dun for almost 1 year."

"Mabuti naman kung ganun. Na-miss talaga kita ate."

"Na-miss rin kita, Renz." Inilapag ni ate si Jazzil sa kama, nakatulog na kasi, at umupo sa tabi ko. "Ikaw, anong nangyari sa'yo nung wala ako?"

"Okay lang na--"

"Don't say it's okay kasi alam ko na hindi. Hahanapin ba kami nila papa kung okay lang ang sitwasyon niyo ni Althiya?" Tinitigan ko si ate ng matagal. Ayoko talagang sabihin sa kanya ang totoong istorya, pero ayoko ring magsinungaling. Kapag sasabihin ko kasi sa kanya ang totoo, parang binigay ko na rin sa kanya ang bigat na nararamdaman ko. Okay lang kay Charles, hindi naman kami masyadong close kaya masasabi ko pang wala siyang paki-alam. Pero si ate, mag-aalala siya.

"Ate, ayoko na sanang pag-usapan pa 'yan." Sabi ko. At least 'yan, totoo.

 "But R--"

"Please, ate." Tinitigan ako ni ate ng matagal bago siya bumuntong-hininga.

"Okay. Pero alam mong nandito lang ako lagi para sa'yo." Napangiti ako.

"I know ate. And I'm thankful for that."

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon