(Renz POV)
" ~ ~Puno ang langit ng bitwin, at kay lamig pa ng hangin. Sa 'yung tingin ako'y nababaliw, giliw. At sa awitin 'kong ito, sana'y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko, sa isang munting harana, para sa'yo.~ ~"
Kinanta ko 'to nung nanliligaw ako kay Anamarie, this is her favorite song. Oh right, I'm here in our school garden. Naka-upo sa isang bench at nagmumuni. Pagkatapos ng pangyayari kanina, parang gusto ko ulit umiyak. Pangalawa na 'to. Pangalawang beses na, na may nakikita akong kamukha ni Anamarie. Bakit kaya? What is the meaning of this? Nung pumunta ako ng Starbucks kahapon, may nakita rin akong kamukha ni Anamarie. Hinabol ko pa nga 'yung van na sinakyan niya kasama ang mga friends niya kaso 'di ko naabutan. Tapos ngayon naman. Hindi ko na talaga alam. Ano nga ba talaga ang meaning ng mga 'to. Mga anghel ba sila ni Anamarie na pinadala dito sa lupa just to tell me that I have to forget her already? Ginagawa ko naman lahat para lang makalimutan na siya eh kaso hindi ko talaga magawa. Habang pinipilit ko siyang kalimutan, mas lalo lang akong nasasaktan.
Oo nga pala, hindi niyo pa ko kilala pati na rin kung sino si Anamarie at kung sino siya sa buhay ko. Ako nga pala si Lawrence Francisco, but you can call me Renz. 15 years old at anak ng may-ari ng school na 'to. Kapatid ko ang principal ng school na 'to, si Laurene Grace Francisco. Si Anamarie naman, ang past ko na kahit anong gawin kong kalimot, eh hindi ko talaga makalimutan. Ewan ko ba, siguro dahil siya ang first love at first girlfriend ko. Nung nabubuhay pa siya, ngiti niya lang ang bumubuo ng araw ko. She's my everything. Pero nung namatay siya, nawalan na 'ko ng gana sa buhay. Nawala 'yung nagbibigay sa 'kin ng kasiyahan araw-araw. At isa pa, ako rin 'yung may kasalanan kung bakit siya nawala. Tinitigan ko ulit yung kwintas na binigay sa 'kin ni Anamarie nung nag-celebrate kami ng 1year namin.
**Flashback
"Renz, nag-enjoy talaga ako ngayong araw na 'to!"
Sabi niya sa 'kin habang nakangiti at iniinom yung Zagu niya. Pa-uwi na kami ngayon galing sa pagce-celebrate naming ng 1st year anniversary namin.
"Talaga? Mabuti naman kung ganun. Gusto ko kasing maging memorable sa'yo ang 1st year anniversary natin."
Sagot ko sa kanya habang nakatitig sa kanya at nakangiti. Napansin niya ata yun kaya napatingin rin siya sa 'kin.
"Hoy! Ano tinitingin-tingin mo jan?"
Tanong niya sa 'kin habang nakangiti ng nakakaloko.
"Wala. Hindi lang kasi ako makapaniwala na tumagal tayo ng isang taon."
"Dahil ba sa pamilya –"
"Wag mo nang ituloy ang sasabihin mo, Anamarie."
Alam ko na kasi ang sasabihin niya eh. Ayokong marinig 'yun. Ayokong masira ang araw na 'to ng dahil lang sa sasabihin niya. 'Pag 'yun kasi ang pinag-uusapan namin, madalas humahantong kami sa away. Nakita kong nag-sigh siya pagkatapos eh nag-smile.
"Okay po."
Tapos pininched niya yung cheeks ko at nag-smile. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Alam mo yung pakiramdam na kapag hindi mo nakikita ang ngiti niya eh pakiramdam mo eh hindi makukumpleto ang araw mo. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad palabas ng mall. Pero nabigla na lang ako ng biglang siyang tumigil kaya napatigil na rin ako. Nakita kong nakatitig siya dun sa likod ko, na curious ako kung ano yung tinititigan niya dun kaya lumingun ako sa likod. At nakita ko ang shop na may pangalang "Cuddlers" na puno ng mga stuff toy at kung ano-ano pang mga cute na bagay.
"Babes."
Narinig kong tawag ni Anamarie kaya lumigon ulit ako sa kanya. At nakita kong naka-puppy eyes na siya at naka-smile. Alam ko na kong anong gusto nito. Napangiti na lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...