(Author’s POV)
Natapos na ang isang subject nila Althiya, susunod na ang last afternoon subject nila. Wala pa ang teacher kaya maingay pa ngayon sa SZ Section. Nagchi-chismisan rin ngayon ang Miss A at 4SPrince.
“Hay sa wakas! Last subject na! At pagkatapos, dismissal! Gusto ko na talaga umuwi.” – Ahriya
“Guys, total Saturday naman bukas, gimik tayo!” – Marco
“Sige!”
Pag-aagree ng lahat.
“Di ako pwede.” – Althiya
“Ha?” – Miss A (except Althiya) & 4SPrince
“Nakalimutan niyo na ba? May ESTUDYANTE pa akong itu-tutor bukas.”
Inemphasize talaga ni Althiya ang salitang estudyante para magparinig kay Renz na ngayon ay natutulog.
“Ay, oo nga pala.” – Alex
“Nakow, parang wala ka na rin pa lang pahinga.” – Marco
“Oo nga eh.” – Althiya
“Ayos lang sa’yo yun?” – Kevin
“Oo. Ayos na lang din. No choice na rin naman ako eh. This Sunday na lang tayo gumimik. Half day lang daw muna ako sabi ni Ate Laurene eh. Pero, ‘di tayo pwedeng magpa-gabi ha. May klase pa kinabukasan niyan.” – Althiya
“Sure. Dun tayo sa Olympus.” – Marco
“Olympus?” – Miss A
“Oo. Hindi yun Mt. Olympus na pinaninirahan ng mga gods an goddesses ha. Private bar yun na pagmamay-ari ng family nila Marco. Mga may-kaya lang ang pwedeng maka-pasok dun.” – Tristan
“Ahh. Sige.” – Miss A
“Yes! Makakainum na ‘ko ulit ng Black Velvet! Ahh! Na-miss ko na talaga yun! Ang tagal ko nang hindi nakaka-punta ng Olympus!” – Marco
“Ano? Black Velvet? Umiinum ka ng hard drinks?” – Andrea
“Yup. Hindi lang ako, ang buong 5SPrince.” – Marco
“Pinapayagan kayo?” – Miss A
“Oo naman. Siguro kayo hindi pinapayagan ‘no?” – Spencer
“Oo. Mojito or Margarita lang ang pwede daw namin inumin, or kahit ano basta light drinks lang.” – Althiya
~Wow! Hindi strict ang parents nila. Kahit 15 or 16 pa lang sila ok na, na uminum sila nd hard drinks. Sa bagay, mga lalake naman kasi sila eh.~ (Althiya)
Maya-maya lang, dumating na si Enrique. Nag-sibalikan na sila sa mga upuan nila. ‘Pag si Enrique ang teacher, boys man o girls, magiging masaya. Sa lahat kasi ng teacher nila, si Enrique lang ang kasundo nila at nakakaintindi sa kanila. Nag-check muna ng attendance si Enrique bago nag-simula.
“So, how’s your day class?”
“Ok lang naman po sir.”
“Good.”
Napansin ng lahat na lumingun si Enrique sa natutulog na si Renz. Napalingun rin ang buong klase kay Renz. Naglakad patungo sa upuan ni Renz si Enrique. Nung nakarating na siya, nilapit niya yung bibig niya sa tenga ni Renz.
“MR. FRANCISCO!”
“Sunog?! Nasa’n sunog?!”
Sabi ni Renz na gulat. Sinigawan kasi siya ni Enrique ng malapit sa tenga. Halos buong klase nagpipigil ng tawa. Ganun rin si Enrqiue.
“Ehem. Mr. Francisco, walang sunog.”
Medyo naririnig na yung tawa ng klase. Yung mga tawang mahihina na halatang nagpipigil lang.
“Tss, nakakatawa kayo SIR.”
Sarcastic na sinabi ni Renz with matching emphasize pa sa word na “sir”. Bumalik sa pagkaub-ub si Renz.
“Well, mabuti naman at natatawa pa kayo sa ‘kin. So, Mr. Francisco diba sinabi ko sa iyo na may ipapagawa ako dahil hindi niyo ginawa ang pinagawa ko nung Monday?”
Hindi kumibo si Renz. Kinuha ni Enrique yung ruler niya sa table at pinala sa ulo si Renz ng isang beses.
“Aray! Ba’t mo naman ginawa yun? Natutulog yung tao eh! Bastusan lang?”
“Wow! Bastusan Mr. Francisco? Sino ba ang bastos na natutulog sa harap ng teacher habang nagka-klase?”
Hindi naka-sagot si Renz pero halatang naiirita ito.
“Ano ba yung ipapagawa mo sa ‘kin?”
“Hindi naman siya masyadong mahirap eh. May ipapabasa lang naman ako sayong libro.”
“Libro? Tss. Anong libro?”
“Noli Me Tangere.”
“Ano?!”
Napakamot ng ulo si Renz bago nagpatuloy.
“Ba’t naman Noli Me Tangere? Hindi naman ‘to panahon ng español ha.”
“Bakit Mr. Francisco, sa panahon lang ba ng español pwedeng basahin ang noli? At tyaka by the end of school year, noli na ang magiging topic natin.”
“Ang tagal pa pala nun eh, ba’t ngayon niyo ko pababasahin nun?”
“Parusa para sa iyo. Dahil hindi mo ginawa ang pinagawa ko dati.”
“Tss. Sige babasahin ko yun.”
“Kailangan by Monday, next week, mai-kwento mo na sa amin ang noli.”
“Monday?! Agad-agad?! Tss, sige. Siguro naman mga 10 chapters lang yan.”
~Yun oh! 10 chapters daw. Wala talagang alam tong lalakeng ‘to.~ (Althiya)
“10 chapters? Tss.”
Tumawa ng mahina si Enrique. Napataas ng kilay si Renz.
“Ba’t ka natawa? Bakit, ilang chapters ba ‘yang noli na ‘yan?”
“Hindi naman siya masyadong mahaba eh. Sa kabuhuan, mga 65 chapters.”
Napatayo si Renz.
“Ano?! 65 chapters?! At gusto niyong basahin ko siya for just 2 days?! Seryoso kayo?!”
“Yes Mr. Francisco. ‘Yan lang naman kasi ang napapala ng mga estudyanteng BASTOS at laging NATUTULOG sa klase.”
Napa-upo na lang ulit si Renz ng naiirita.
“Aissh!”
~Kung hindi ka lang talaga teacher rito sa school eh. Shemay! Sana lamunin ka ng lupa! LANGYA!!~ (Renz)
~Ayiiee! Parang excited na ‘ko bukas sa pagtu-tutor ko kay wirdo. Hindi dahil sa kanya kundi dahil sa ituturo ko. About noli! OMAGAD! Adik ako niyan eh! Hahaha!~ (Althiya)
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Ficção Adolescente[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...