Chapter 65

11K 196 1
                                    

Binilisan ko ang pagtakbo papunta sa rooftop. Excited na 'kong makita siya at makausap ulit. Sobrang na-miss ko talaga si Renz, kahit sobrang inis rin ako sa kanya. Pero mamaya ko na lang siya bibigyan ng sermon kapag nayakap ko na siya ulit.

Nasa tapat na 'ko ng pintuan sa rooftop ng napahinto ako, hiningal kasi ako sa pagtakbo. Kaya huminga muna ako ng malalim bago 'ko binuksan ang pintuan.

Nakasandal siya sa may railings, at nakatalikod mula sa akin. At ngayon ko lang na-realize kung gaano ko talaga siya sobrang na-miss nung tumakbo agad ako papalit sa kanya... pero bigla akong napahinto.

May lumapit sa kanyang isang babae, na kamukha ko, at niyakap siya nito. Niyakap rin siya ni Renz. At nung humiwalay na sila, bigla siyang hinalikan ni Renz sa labi. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, anong nangyayari? Anong --

Pagkatapos nilang maghalikan, nagyakapan ulit sila. And at this time, nakita ako ni Renz, alam kong nakita niya 'ko dahil lumingon siya sa kinaroroonan ko. Tinitigan niya 'ko. At dun lang naging malinaw ang lahat.

Tumalikod agad ako at tumakbo papaalis sa lugar na 'yun. So 'yun pala 'yun. Kaya siya umabsent for one week, para kay Anamarie, kaya pala absent rin siya. Kaya pala parang iniiwasan niya ako, parang ayaw niya 'ko makita. Kung "parang" nga ba 'yun. Pinili niya si Anamarie, at hindi natupad ang promise niya. 'Yung mga sinabi niyang hindi niya na babalikan si Anamarie, na hindi niya 'ko iiwan, lahat 'yun naglaho ng parang bula na hindi ko man lang nalalaman kung ano ang dahilan. May nagawa ba ako? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? At kung meron nga, ganun ba talaga ka-grabe kaya ginawa niya 'to sa 'kin? Kaya niya 'ko iniwan sa ere na parang tanga?

Dinala ako ng paa ko sa garden. Shetes! Sa lahat talaga ng lugar?! Bwisit naman o! Pero okay na nga lang din, at least walang tao. Pwede akong umiyak rito maghapon.

Pero syempre hindi ako dun nag-stay. Pagtapos kong umiyak dun, dumiretso na 'ko sa clinic. Ayoko munang pumasok, ayoko munang magpakita sa barkada, ayoko muna ng kahit ano na magpapa-alala sa 'kin sa Renz na 'yun. Pinuntahan ako nila Alex nung morning recess, pero sinabihan ko ang school nurse na sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at gusto ko lang mapag-isa kaya ayun, pina-alis niya sila Alex

Nung lunch, tinawagan ko si unni at pinapunta ko sa school clinic.

"O, anyare sa'yo at--" Bigla siyang napahinto sa pagsasalita, at maya-maya lang, naramdaman ko ng umupo siya sa tabi ng kama ko. Nakayuko kasi ako kaya 'di ko nakitang lumapit siya sa 'kin. "Anong nangyari?" Tanong niya gamit ang unusual soft tone ng boses niya.

"Unni, gusto ko ng umuwi. Pwede gawan mo 'ko ng excuse letter?" Tinitigan niya muna ako ng matagal. Expressionless 'yung mukha niya kaya 'di ko ma-predict kung nag-aalala ba siya.

"Sige. Tatawagan ko si manong para ma-sundo ka na niya. Ipapakuha ko na rin ang bag mo." Sabi niya, sabay tayo at alis. Napabuntong-hininga na lang ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon

***

"Manong, pwedeng may daanan muna tayo bago sa bahay?" Sabi ko kay manong nung naka-sakay na 'ko sa kotse.

"Sige po Young Miss. Saan po ba?"

"Ituturo ko na lang po sa inyo ang daan."

Nung nakarating na kami, dumiretso ako sa bridge. Nakaharap ako ngayon sa ilog. Tumingin ako sa baba, hindi naman masyadong malalim 'tong ilog na 'to. 'Yung tipong parang kanal lang na malinis. Hinubad ko 'yung singsing na binigay niya sa 'kin. Kanina ko pa 'to hinahawak-hawakan nung nasa biyahe kami papunta rito. Inisip ko na ibalik na lang 'to sa kanya. Pero baka kapag nakipag-kita siya sa 'kin eh dalhin niya naman si Anamarie at maghalikan na naman sila sa harap ko.

Bumuntong hininga muna ako bago ko ito tinapon ng napakalayo sa ilog. Pero 'di ko nagawa, kasi bigla akong napatigil. Hindi - yung kamay ko ang tumigil. Gustong itapon ng isip ko ang singsing pero pinigilan ng puso ko ang kamay ko. NAMAN! TANGINA NAMAN O!!!!! ITATAPON KO NA NGA 'TO PARA 'DI KA NA MASAKTAN AYAW MO PA!!!! TYAKA GUSTO NG MAKA-KALIMOT NI UTAK!!!! AT GANUN RIN ANG MAY-ARI MO KAYA MAKI-COOPERATE KA NAMAN!!!!!!!!!!!

Itatapon ko na sana ulit ang singsing pero imbis na sa ilog, sa sahig ng tulay ko natapon. BWISIT KA NAMAN PUSO O!!!!! SINAKTAN KA NA NGA MINAMAHAL MO PA RIN!!!!!! ANO BA'NG PROBLEMA MO PVTANGINA KA??!!!!! Tinapak-tapakan ko na lang ang singsing kasi ayaw siya itapon ng bwisit na pusong 'to.

***

"Young miss?" Napalingon ako sa nag-salita. "Hindi pa po ba tayo uuwi?"

"Anong oras na po ba?"

"Alas tres na po ng hapon." Alas tres? Tatlong oras na pala ako rito, kung ganun. 'Di ko napansin ang oras.

"Sige po manong, umuwi na po tayo." Kinuha ko ang bugbog ng singsing sa sahig at sumunod na kay manong.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon