Chapter 70

13K 211 0
                                    

(Charles’ POV)

“O, ba’t kulang kayo? Nasa’n si Renz?” Tanong ni Archie pagkarating namin sa bar. Manonood na naman kasi kami sa SPrince, kasama ang A’s. Pero pumunta na kami rito kahit maaga pa, gusto raw kasi nilang makitang mag-rehearse ang banda.

“May outing raw ang family ni Anamarie at kailangan niya raw sumama.” Sagot ni Spencer. Sandali akong napalingun kay Althiya at nakita kong napayuko siya. Kahit nanadyan na si Kevin para sa kanya, halata pa rin ang pagmamahal niya kay Renz kahit ginago na siya nito. "Si Kevin muna ang kakanta"

"Ayos lang naman siguro sa inyo na ako ang kakanta diba?" Pa-birong tanong ni Kevin

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Syempre naman noh!" (Marco)

"O sige na, mag-simula na tayo. Kakantahin ngayon ni Kevin ang kinompose ni Tristan."

***

Pagkatapos nilang mag-rehearsal, nag-kwentuhan at nag-meryenda muna kaming lahat sa bar. Nakalibre rin naman kami dahil nandun ang may-ari ng bar that time.

"Ilang kanta na ba ang na-compose ng banda niyo?" (Kristof)

"Mga 13 siguro, pinag-isang compose na 'yan ni Tristan at Kevin." (Marco)

"Nagco-compose ka rin pala, Kevin? (Archie)

"Oo. Pero mas marami ang na-compose ni Tristan. By mood lang kasi ang pagco-compose ko." (Kevin)

"Kahit naman kaunti lang 'yang naco-compose mo eh maganda naman. Lalo na 'yung... 'yung may 'future girl' sa title." Sabi ni Althiya habang kumakain ng burger.

"'That future girl in my dreams' 'yun. Tyaka, mukha ka ng batang walang nanay eh, tingnan mo 'yang bibig mo." Sabi naman ni Kevin sabay kuha ng tissue at pinunas ito sa bibig ni Althiya. Kung dati aiguro magse-selos pa 'ko, ngayon hindi na. Nung bumalik kasi ako sa US ay nakapag-move-on na rin ako. Actually, may nililigawan nga ako ngayon eh. Pero kahit nakapag-move-on na 'ko kay Althiya, ayoko pa ring may manakit sa kanya.

Napansin naming biglang lumingon si Althiya at Kevin sa likod nila, kaya napalingon na rin kami sa direksyong iyon. At nakita naming may isang batang babae na nakatingin sa kanilang dalawa, mga nasa 6 years old siguro 'yung bata. Siguro anak ‘to ng manager.

"Kiss kayong dalawa." Sabi nung bata sa kanila na para bang nagbibigay ng command. Nagulat kami sa sinabi ng bata at the same time nagpipigil rin kami ng tawa. Langyang bata rin 'to ha!

"Ano?!" Sabi nung dalawa na gulat rin. Namula rin sila.

“Kiss kayong dalawa.” Ulit nung bata na ngumuso pa.

“Ay naku, hindi—“ Hindi na natuloy ni Althiya ang sasabihin niya nung biglang lumungkot ang mukha nung bata at papaiyak na. Hala! Spoiled rin ‘tong batang ‘to!

“Naku! ‘Wag kang umiyak!” Medyo natatarantang sabi ni Kevin.

“Kiss nga kayo!” Umiiyak ng sabi nung bata. Mukhang nag-dalawang-isip muna si Althiya at Kevin bago nila hinalikan ang isat-isa cheeks.

“Sa lips!” Biglang tumawa ng malakas si Alex at Marco kaya napatawa na rin kami. Grabe, ang bata-bata pa may alam na jan!

“’Wag nga kayong tumawa!” Inis na saway sa ‘min ni Althiya. Natawa naman ako sa itsura niya. Ang pula niya na kasi eh, parang kamatis!

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon