Lumabas ako ng kwarto at bumaba para kumain na ng breakfast. Nung nakita kong nandun pa rin si ate sa kusina, bumalik agad ako sa room ko. Nakita ko pang may sasabihin pa sana siya.
Nanatili lang ako sa kwarto buong araw at nagbabasa ng Divergent at Insurgent. Kasi nga sira halos lahat ng gadgets ko kaya ito na lang ang ginawa kong past time. Pinahiram sa ‘kin ‘to ni Althiya nung nasabi ko sa kanyang nasira ang mga gadgets ko. Book worm talaga! I miss her, though. May biglang kumatok habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng Insurgent.
“It’s your mama, Renz.” Tumayo ako at pinag-buksan ng pinto si mama, pumasok naman siya.
“May kailangan ka ma?” Tanong ko.
“Naka-uwi na daw sila Althiya.” Shit! Oo nga pala! Ba’t ko nakalimutan?!
“Alam na ba nila? Ni Althiya?” Tumango si mama. Napayuko ako.
“Mag-prepare ka na. Maya-maya, pupunta tayo sa kanila.” Aalis na sana si mama nung tinawag ko siya.
“P-papayag ba kayo?”
“In what?”
“K-kung…. gustong magpakasal ni Kuya Aldwin at Ate Laurene?” Kasi ayoko. Selfish na kung selfish, ayoko lang talagang mawalan ulit. Mawalan ng babaeng mahal na mahal ko. Napayuko si mama.
“I… I don’t know. I really don’t know.” Hinalikan muna ako ni mama sa noo bago lumabas ng kwarto.
Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos, lumabas na ‘ko sa room. Nakita kong bumukas ang pintuan ng room ni ate kaya nagmadali akong bumaba. Pero nakita niya pa rin ako at tinawag. Hindi ako lumingon sa una niyang tawag. Sa pangalawang tawag na ‘ko walang ganang lumingon sa kanya.
“Renz, I… I’m sorry.” Tinitigan ko lang si ate. “Renz, please.” Nakita kong papaiyak na naman siya.
“Mahal mo ba talaga si Kuya Aldwin?” At last, tinanong ko.
“Yes, but—“
“Kung ganun, ba’t mo pa ‘ko pinilit na mahalin si Althiya kung mahal mo pala si Kuya Aldwin?”
“Renz let me—“
“Ngayong mahal na mahal ko na si Althiya, dun mo naman sinabi na mahal mo si Kuya Aldwin.”
“I just don’t—“
“Alam mo naman ang tradisyon ng pamilyang ‘to diba? Hindi tayo katulad ng ibang pamilya sa mundong ‘to. Niloloko mo ba ‘ko ate? Dati gusto mong mahalin at pakasalan ko siya. Ngayong gusto ko na, paghihiwalayin mo naman kami.” Napayuko si ate, humihikbi. “Ang ganda ng joke mo ate. Natawa talaga ako.”
“I-I am really *sob* sorry Renz.”
“Alam mo, nagpapasalamat ako sa’yo. Kasi kung hindi mo ‘ko pinilit, ‘di ko rin sana minahal at nakilala ang isang Althiya Kim. Pero… mas nangingibabaw ‘yung disappointment ko ngayon.” At ang huli ko na lang narinig mula sa kanya ay ang paghikbi niya.
***
(Althiya’s POV)
“IKAW PA NAMAN SANA ANG PINAKA-MATANDA, IKAW PA ‘TONG MALAKING DISSAPOINTMENT! ANO BA’NG NANGYARI SA’YO, JANG MIN?!” Narinig kong sigaw ni mama mula sa kwarto nila. Bakit ba kahit ang layo-layo na ng kwarto nila mama sa kwarto ko naririnig ko pa rin rito ang sigaw niya?! Dinagdagan ko ng isang unan ang ulo ko para hindi ko na talaga sila marinig, completely! Gusto kong mapag-isa, gusto ko tumahimik muna sila!
Mas lalo pa ‘kong umiyak. Nalilito kasi ako eh. Pinilit ako ni oppa na mahalin si Renz. Ngayong mahal ko na siya, paghihiwalayin niya kami? Anong klaseng kalokohan ba ‘to?! Hindi ko masabi ang nararamdaman ko ngayon para kay oppa. Nagagalit, naiinis, naaawa, nalilito. Gusto kong sumaya kahit konti, pero…. hindi ko magawa eh. Sa lahat ng expression na sinabi ko, galit at lito ang nangingibabaw.
Maya-maya lang, tumahimik na ang buong bahay. Wala na ang sigaw mula kay mama. Tinanggal ko na ang tatalong unan na nakapatong sa ulo ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at nung nakita ko ang wallpaper ko, umiyak na naman ako. Ayokong mawalan ng parents – or possible, vice versa – ang magiging pamangkin ko. Pero, ayoko rin namang magkahiwalay kami ni Renz. Bago nga lang namin inamin ang nararamdaman namin para sa isa’t-isa eh. Tapos ganito agad? Hiwalay? Nag-simula ‘to sa pilitan, mage-end rin ba sa pilitan? Pilitin kaming mag-hiwlaya ni Renz dahil kailangan magpakasal ni oppa at Ate Laurene? Bakit kami na lang lagi ang pinipilit?!
Narinig kong bumukas ang pinto pero ‘di ko pa rin pinansin. Baka kasi si papa or si Jung Min Oppa na naman. Then may naramdaman akong may yumakap sa ‘kin.
“Shh. Stop crying, please.” Si Renz. Humarap ako sa kanya’t pinunasan niya ang luha ko. “Hi.” Bati niya with a smile, pero halatang pilit lang. “Na-miss kita.”
Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin rin siya ng mahigpit, humagulgul na ‘ko ng iyak sa mga bisig niya. “Na-miss *sob* rin kita.”
“When the visions around you, bring tears to your eyes.” Pagsisimula niya sa pagkanta. “And all that surround you, are secrets and lies. I'll be your strength, I'll give you hope, keeping your faith when it's gone. The one you should call, was standing here all along.” Nag-simula ng mag-broke ‘yung boses niya. “And I will take you in my arms, and hold you right where you belong. ‘Till the day my life is through, this I promise you. This I promise you”
“I love you, promise.”
“I… *sob* love you *sob*… too, p *sob* promise.” Pinilit kong sabihin.
“Lagi mong tatandaan ang kantang ‘yan ha.” Tumango na lang ako. ‘Di ko na kasi talaga kaya pang mag-salita, nawalan na ‘ko ng lakas na gawin ang kahit ano man. Ang gusto ko lang talaga ay yakapin si Renz. Ayoko siyang mawala, ayoko, ‘di ko kaya.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...