Saturday
"Tama na nga 'yang pagiging nerbyosa mo! Siya na nga mismo nagsabi diba, na hindi ka niya ipagpapalit kahit kanino man lalong-lalo na kay Anamarie. Kaya chill lang pwede!" Pang-isang-libo na yatang sermon sa 'kin 'yan ni Alex simula nung nag-umpisa kaming mag-skype.
May projects at assignments na kasi kami agad kahit second week pa lang ng klase kaya walang gimik. Kaya skype na lang kami ng A's. Kasi magagawa pa rin naming maging estudyante at the same time nakakapag-chika. Tumanggi kasi silang lahat na sa iisang bahay lang kami kaya, ayan! Skype!
Wala ang SPrince, hindi namin sinabi sa kanila na magsa-skype kami kasi, girl talk po ito! At sa sermon pa lang ni Alex, alam niyo na kung sino ang pinag-uusapan namin. Ngayon ko lang kasi nasabi sa kanila ang nararamdaman ko about sa mga dahilan ni Renz nung monday (sa sobrang busy! Ganito pala kapag senior, kahit second week pa lang ng klase ang rami na agad pinapagawa sa inyo).
"Tama nga naman si Alex, Althiya. At sa lahat ng tao sa mundong ito, ikaw dapat ang mismong nakaka-alam na malakas ang tama sa'yo ni Renz, at ganun ka rin sa kanya! At kapag malakas ang tama, ibig sabihin hindi niya kayang mawala ka sa kanya. 'Yung tipong malapit na sa ikaw-ang-lahat-ko-at-ikakamatay-ko-kapag-nawala-ka-sa-'kin effect." Sermon rin ni Ahriya sa 'kin sabay, "Ew! Ang OA nun ha! Pero totoo 'yun! Alam ko nakaka-relate kayong lima niyan! Lalo na si Alex!"
"YES! I CAN'T LIVE WITHOUT TRISTAN!" Pag-sang-ayon naman ni Alex with matching drama effect.
"Kayo lang, ako hindi." At last, nagsalita rin si Andrea. Simula kasi nung pinag-usapan namin si Renz 'di pa 'yan nagsasalita.
"Uy! Akala ko tuluyan ng magiging yelo ang ice princess!" (Andi)
"Ba't ngayon ka lang nag-salita?" Tanong ko sa kanya.
"At 'wag kang echos Andrea! Kahit yelo ka alam naming lahat rito na ganun ka rin kay Marco." (Ahriya)
"Kayo lang may alam, ako hindi ko alam. Anyways, ngayon lang ako nag-salita kasi pinapakinggan ko muna 'yang mga opinyon niyo. Well, kung kayo naniniwala kay Renz, pwes ako hindi." Sabi ni Andrea. "Alam ko naman na malakas ang tama ni Renz kay Althiya, same as Althiya. Kaya hindi si Renz and demonyo. Ang demonyo, si Anamarie."
"Maka-demonyo ka naman Andrea." (Althiya)
"Oo nga naman! Tyaka wala naman kaming nakikitang masama kay Anamarie ha. Humble pa nga eh." (Amy)
"Alam ko namang mala-anghel ang mukha ni Anamarie, kasi kamukha niya nga si Althiya. Pero don't judge a book by its cover. At kung sa ugali niya naman, well, lahat ng tao may kakayahang maging plastic." (Andrea)
"Ano ba kasing nakikita mong hindi namin nakikita?" (Althiya)
"Hindi niyo ba pansin? Parang pinipilit niya ang sarili niya kay Renz kahit kinlaro na nito sa kanya na si Althiya na ang girlfriend slash fiancee niya. Tyaka..." Bigla siyang napahinto. Parang nagdadalawang-isip siya na sabihin 'yung dapat niyang susunod sabihin.
“Tyaka…?” Tanong ni Andi. Pero umiling lang si Andrea.
“Ewan ko sa’yo Andrea! May pa-suspense-suspense ka pang nalalaman eh.” (Amy)
"Let's just say na isa siyang silent bitch." Pahabol ni Andrea.
"Walang na--" Naputol sa pagsasalita si Amy ng may biglang kumatok sa kwarto ko. Agad naman akong tumayo at binuksan ang pintuan. Hinarap ako ng isang lalakeng nakatabaon ang mukha ng boquet of flowers. Napangiti ako. Kasi alam ko na agad kung sino 'tong wirdong 'to.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...