Chapter 52

12.6K 236 1
                                    

 2 weeks later

Dismissal time! Nung naka-alis na ‘yung iba naming classmate at kami na lang ng SPrince ang natira, biglang pumunta si Alex sa gitna.

“Guys, Friday ngayon! Kaya gimik na tayo!”

“Sige, sige!” Paga-agree naman ni Marco, then sumabay na rin ang buong barkada except sa ‘kin at kay Renz. Mag-aagree na sana ako ng biglang nag-salita si Renz.

“No, hindi kami sasama ni Althiya.”

“Ikaw lang noh! Sasama ako!” Sabi ko naman. Ang boring kaya sa bahay ngayon! May trabaho si mama tyaka si papa, si unni may date (alam na kung sino!), si Jung Min Oppa naman pumunta ng Palawan kasi inimbeta ng barkada niya. Mabuti sana kung nandun si Jang Min Oppa…. Kumusta na kaya sila ngayon?

“’Di nga pwede! Sasama ka sa ‘kin.”

“O, saan na naman tayo pupunta?” Parang napapadalas na ata ang ‘pagdala sa ‘kin nitong si Renz sa kung saan-saan.

“Sa bahay.”

“Niyo?” Tumango naman siya. “Ano namang gagawin natin dun?”

“Bago mo sagutin ‘yan Renz,” Singit ni Andrea “aalis muna kami.”

“Ha? Teka, sasama—“ (Althiya)

“’Wag na! Narinig mo naman diba, ayaw kang payagan ng asawa mo.” Then nagbabay na silang lahat at umalis. Humarap ako kay Renz with nagtatampo look.

“Ano ba kasing gagawin natin sa bahay niyo?” Tanong ko sa kanya.

“Joke lang ‘yung sa bahay tayo pupunta.” Sabi niya with a big smile, literally, big smile. Then hinila niya ‘ko at dinala sa kotse niya. Heto na naman po tayo sa hilaan session!

Habang nasa biyahe, tahimik lang kami at nakahawak lang din siya sa kamay ko. Kung makahawak nga parang bukas end of the world na. Then huminto siya sa isang amusement park…. na walang tao. Hindi rin naman siya mukhang abandunado, kasi mukha pa namang bago ang mga rides at wala pa naman sira.

“Ba’t walang tao?” Tanong ko sa kanya.

“Inarkila ko.”

“Oh.” Ba’t ‘di ko ‘yun na-isip? Mayaman nga pala ‘to. “Eh, anong gagawin natin dito?”

“Magsi-swimming, gusto mo?” Tiningnan ko siya ng masama. “Basta, sumama ka lang sa ‘kin.”

Naglakad kami patungo sa kung saan at huminto kami sa ferris wheel. Pinaghintay niya ‘ko sandali sa kinatatayuan ko at pumasok sa ticket booth. Paglabas niya, may dala na siyang isang picnic basket. Anong gagawin namin sa picnic basket?

“Magpi-picnic tayo sa gabi?”

“Oo. At sa ferris wheel.”

“Sarcasm lang ‘yan diba?”

“Hindi. Seryoso ako.” JUSMI! Wirdo talaga!

Umakyat na kami at pumasok sa isa sa mga cab ng ferris wheel. May pinindot siyang button sa gilid ng pinto ng pinasukan naming cab at umandar ang ferris wheel. Kinuha niya ‘yung blanket sa loob ng basket at nilatag sa sahig ng cab, umupo naman kaming dalawa dun kahit may upuan na sana sa loob. Then nilabas niya ‘yung dalawang box (yes, box!) ng oreo, isang nutella, dalawang kutsara, isang box ng fresh milk, at dalawang baso. Well, this is our unique style of picnic: sa gabi, nasa loob ng cab ng isang ferris wheel, at oreo lang kakainin at gatas ang iinumin. Salamat sa wirdo kong fiancé.

“Anong masasabi mo sa Alrenz Picnic style?” Tanong niya habang naglalagay ng gatas sa baso namin.

“Alrenz?”

“Alrenz. Althiya and Renz.”

“Ahh. Well, unique, kagaya ng nag-imbento. And wirdo, kagaya rin ng nag-imbento.”

“Well, weird is the new cool.” Sabi niya sabay abot ng oreo na nilagyan niya na ng nutella. Inabot ko naman at kinain ng buo. Tumawa naman siya. “Patay-gutom!”

“Nagshalita!” Sabi ko habang puno ng oreo ang bibig. Kumuha pa ‘ko ng isang oreo at siya naman may kinuha pang isang kung ano sa picnic basket. Kahit nung nilabas niya na, ‘di ko pa rin nakita kung ano ito dahil nakatabon ito sa buong kamay niya. “Ano ‘yan?”

“Pikit ka muna.”

“Ha?”

“Pikit ka nga muna!” Sabi niya habang tinatabunan ng isa niyang kamay ang mga mata ko.

Sandali lang niyang tinakpan ang mata ko, then may nakita na ‘kong may hawak siyang isang maliit na box na naglalaman ng isang simple but elegant ring, engagement ring. Inayos niya ang sarili niya at lumuhod siya sa harap ko. Bigla kong nabitawan ang oreo na dapat kakainin ko sana.

“I know na engage na tayo, pero gusto kong makaranas na lumuhod sa harap ng taong mahal ko habang hinihingi ang kamay niya. At I know medyo weird ‘to dahil halos 3 months pa lang tayong OFFICIALLY magkasintahan. But then, I know na ikaw na ang babaeng mamahalin at aalagaan ko habang buhay, at ang magiging ina ng mga anak ko. So… Althiya Kim, will you marry me?” Bigla akong natameme. Totoo ba ‘to? Ni minsan ‘di sumagi sa isip ko na gagawin niya ‘to! Kasi nga, gaya ng sabi niya, already engage na kami kahit nung hindi pa kami pinapanganak! “Althiya?”

Bigla naman akong nabalik sa present. Bgila akong napangiti at hinalikan ko siya ng mariin sa labi sabay sabing “I will never say no to that question. Yes!”

Nakita kong ngumiti siya ng pagkalaki-laki at isinuot ang singsing sa daliri ko. Then siya naman ang humalik sa labi ko.

“Promise.” He said after he kissed me.

“Promise.” And I kiss him again.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon