“Guuuys! Gimik tayo sa Saturday ha!” Sabi ni Marco pagkapasok na pagkapasok niya sa classroom: senior Section Zeus (slash) SZ 4.
Pasukan na naman kasi ulit. At well, classmates pa rin kami ng A’s at SPrince, nabawasan nga lang ng isa. Umalis si Tristan ng bansa one week before ang pasukan. Halos kaming lahat ay hinatid siya sa airport. At si Alex, shockingly, hindi umiyak, or pinipigilan niya lang. Kasi nagga-glassy eyes na siya nung pumunta na sa departure area si Tristan.
“First day na first day ng school, at kakapasok mo lang rin, at Monday na Monday, ‘yan na agad ang iniisip mo?!” Sumbat naman sa kanya ni Andrea.
“Bakit, ano ba’ng gusto mong gawin sa Saturday?” Sabay ngiti ng nakakaloko kay Andrea. Binato naman siya nito ng ballpen.
“Pumayag na kayo guys! Lubus-lubusin na natin hanggang wala pa’ng masyadong assignments tyaka projects.” Pag-sang-ayon naman ni Alex.
“Akala namin kapag nawala na si Tristan mababawasan na ‘yang pagba-bar mo.” (Andi)
“Pinayagan niya naman ako eh. Basta ‘wag lang daw mapa-sobra ng inum.” Sagot niya with a pout.
“Gora na ‘ko. May point naman sila dun sa wala-pa-tayong-masyadong-projects-at-assignments kaya dapat sulitin na natin.” Sabi ni Amy. Um-oo na rin ang iba kaya um-oo na rin ako, maliban kay Spencer.
“’Di ka sasama?” Tanong ni Renz sa kanya na naka-upo ngayon sa table ko.
“Sasama. Kaso ‘wag tayo sa bar.”
“Ay! Ba’t ayaw mo sa bar?” (Alex)
“Nung summer halos every Saturday tayo nagba-bar kaya, ibahin naman natin.” (Spencer)
“Sa’n mo ba gusto?” (Ahriya)
“Ewan. Mall? Amusement Park? Kahit saan basta ‘wag lang sa bar.” (Spencer)
“Ocean Park?” (Amy)
“Punta kaya tayo ng Baguio?” (Andi)
“Bitin ‘pag Baguio. 2 days lang ang weekend natin at medyo mahaba pa ang biyahe. Ganun rin sa Ocean Park.” (Andrea)
“Amusement Park na lang kaya.” (Kevin)
“Oo nga! Gusto ko sumakay ng roller coaster!” (Marco)
“So, amusement park?” Tanong ni Spencer. Um-oo din naman kaming lahat.
Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap ng kung ano-ano hanggang sa parami na ng parami ang mga classmates namin. Nung malapit ng mag-bell, may dumating na isa pa naming kaklase. Halos natahimik kaming lahat nung pumasok siya sa loob.
“Oh, dito ka pala mag-aaral?” Gulat na na-tanong ni Marco.
“Makatanong ka naman Marco parang ‘di ako nag-aaral rito dati.” Sagot ni Anamarie sa kanya. “Hi Renz.” Sa pagbati niyang ‘yun kay Renz, nag-simula na ang bulung-bulungan ng mga kaklase namin. May narinig pa nga akong nagtanong kung si Anamarie na ba talaga ang nakikita nila or another kamukha niya na naman.
“Hi.” Bati rin ni Renz sa kanya. Medyo nawala ‘yung ngiti niya – pero nakangiti pa rin siya – nung nakita niyang naka-upo sa table ko si Renz. Binati rin ni Anamarie isa-isa ang SPrince.
“Nasa’n si Tristan?” Tanong niya. Akala ko nasabi na sa kanya ni Renz na aalis si Tristan.
“America. Dun na siya mag-aaral.” Sagot ni Spencer
“Ahh.” Nabalik ‘yung atensyon niya kay Renz. “Sa’n ka naka-upo?”
“Diyan.” Tinuro ni Renz ‘yung upuan sa tabi ko.
“May naka-upo na rito?” Tanong ni Anamarie habang tinuturo ‘yung upuan sa likod ni Renz.
“Wala pa naman.” Sagot ni Spencer sa kanya. Nilagay naman ni Anamarie ‘yung bag niya sa upuan na ‘yun. At pagkatapos, nag-bell na para sa flag ceremony.
***
Inihatid ako pa-uwi ni Renz. Nung bumabyahe na kami pa-uwi, alam kong hindi kami papunta sa bahay namin or sa kanila, pero hindi ‘yan ang iniisip ko. Ang iniisip ko eh kung alam ba ni Renz na sa IPA mag-aaral si Anamarie.
“Ano’ng iniisip mo?” Tanong niya sa gitna ng katahimikan namin.
“Wala naman.” Pagsisinungaling ko.
“Oo, alam ko na sa IPA mag-aaral si Anamarie.” Sagot niya na parang nabasa niya ang utak ko. Napalingun ako sa kanya. Lumingon rin siya sa ‘kin pero sandali lang dahil nagda-drive siya. “Sinabi niya sa ‘kin nung nag-usap kami. Sorry kung hindi ko nasabi sa’yo.”
“Ayos lang.” Sabi ko sabay ngiti.
“Pero…”
“Pero?”
Hininto niya ang kotse sa gilid ng kalsada at tinanggal ang seatbelt para makaharap siya sa ‘kin.
“Nung nag-usap kami, sinabi niya sa ‘king gusto niyang mag-simula kami.” Kahit wala akong ginagawa, naramdaman kong napahinto ako.
“A-anong s-sagot mo?” Tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.
“I said yes.”
“What?” Biglang nabasag ang boses ko.
“She said na magsimula ulit kami sa na-udlot naming relationship. But I said na mag-simula kami ng bagong friendship.” Bigla akong nakahinga ng maluwag. “Tss, sabi ko na nga ba eh. Iniisip mo na naman na babalikan ko si Anamarie.” Narinig ko ang disappointment sa boses niya.
“Masisisi mo ba ako kung—“ Napahinto ako sa pagsasalita ng biglang nag-ring ‘yung cellphone niya. Pinatay niya naman ito kaagad ng hindi man lang tinitingnan kung sino ‘yung tumawag. “Ba’t mo pina—“
“Althiya, ilang beses ko ba dapat sabihin sa’yo na hindi ko na babalikan si Anamarie? At ano ba dapat ang gawin ko para matigil na ‘yang pag-iisip mo na gagawin ko nga ‘yun?” Natahimik ako. Wala akong masagot. Wala naman siyang dapat gawin na kahit ano, eto lang talagang si ako ang may problema. Ba’t ko nga ba iniisip na magagawa niya ‘yun? Kung maghihiwalay man kami may parents kaming siguradong kaagad kokontra.
“I’m sorry.” Ang tangi kong na-sabi sabay yuko. Narinig ko namang bumuntong hininga siya.
“It’s fine. Ang akin lang naman ay mawala ‘yang pagdududa mo at hindi ka na mag-alala.”
“Promise, hindi ko na talaga aalahanin pa na babalikan mo siya.” Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa labi, smack lang. Then nagpatuloy na kami sa biyahe kung sa’n pumunta kami sa safe haven namin.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...