5 years later
“Woah! Excited na ‘ko sa first concert natin!” Sigaw ni Marco habang sinusukat ang susu-utin niya mamayang gabi.
“Hindi naman masyadong halata, Marco. Nung isang araw mo pa pinagsisigawan sa buong mundo ‘yan eh.” Sermon ni Tristan. Si Tristan lang talaga ang taga-sermon sa ‘min.
“O bakit, Tristan, ‘di ka ba excited? First concert natin ‘to! Tapos sa Araneta pa! ‘Yun o!” Sabi ni Spencer sabay apir kay Marco. Tss, ‘tong dalawang ‘to talaga.
“Ikaw Kevin, diba excited ka na rin?!” Tanong ni Marco.
“Sa kakasigaw mo ba naman araw-araw na excited ka na, ‘di rin kaya ako mae-excite?!”
“Eh ang vocalist natin?” Sabi ni Marco sabay akbay sa ‘kin.
“Kahapon pa, Marco.” Sagot ko naman sabay batok sa kanya.
“Aray! O diba, excited kaming lahat Tristan!” Sigaw na naman ulit ni Marco habang hinahaplos ang ulo niya.
It’s been five years. Marami ng nangyari. Si Tristan, bumalik siya nung second year college na kami, dito na rin niya pinagpatuloy ang pag-aaral niya at nabuo na ulit kami as friends and as a band. Ngayon, engage na sila ni Alex. Pagkatapos ng concert namin, pagpa-planuhan naman nila ang kasal nila. Si Marco at Andrea naman, last year nagpakasal. And now, well, mukhang magiging ninong na rin kami! Ganun rin ang ibang A’s, si Amy kay Archie. Si Andi at Kristof nga lang, hindi nagkaroon ng happy ending, pero masaya na rin naman sila sa kanya-kanya nilang ka-relasyon ngayon at close pa rin sa ‘min si Kristof. Si Kevin, may dine-date na rin, Victoria’s Secret model. Grabe talaga ang lalakeng ‘yun! Si Spencer, still single. Marami namang nagkakagusto sa kanya pero siya naman ‘tong walang magustuhan. Si Ahriya, ganun rin, pero successful businesswoman naman siya sa kanyang lumalaking pastry shop. Si Jazzil, ang laki na! Ang tali-talino rin, kahit kinder pa lang may alam na siya na pang higher years pa. May baby brother na rin siya, si Theo. At pag-usapan natin si Ate Yanni. Well, nagkatuluyan sila ni Sir Gaudiano. May anak na rin sila, kambal. Sina Sophia at Selena.
At sa five years na ‘yan, nakilala ang banda namin. Iba’t-ibang gigs, mga albums na laging number one, mga fans na kahit sa condo unit namin nag-aabang. Kung tutuusin dapat kontento na ‘ko, lalo na na mayaman rin ang pamilya ko. Pero kulang pa rin. Napag-desisyunan ng family ni Althiya na ipa-opera na siya. Mabuti na raw ‘yung coma na buhay pa kesa maghintay kami ng maghintay pero mahahantong naman sa wala ang paghihintay namin. Sa limang taon na nagdaan, ‘di siya nagising. Birthday niya, Christmas, New Year, dun namin sa hospital pinagdadaraos para kasama namin siya, kahit birthday ko. Nun ngang successful ang first album namin, dalawa ang naging party. Sa isang bar at sa hospital. Ako ang nag-request na mag-held rin ng party dun. Gusto ko kasing i-share sa kanya lahat ng mga magagandang nangyari sa buhay ko. Kahit ‘yung mga sumunod pa naming successful na album, ganun rin ang party. Pero kahit ganun, kahit nakikita ko pa rin siya, kahit nararamdaman ko pa rin ang presence niya, kulang pa rin. Kapag may bakante akong oras sa hospital ako tumatambay. Kinakausap ko siya lagi, kumakain rin ako ng oreo. Minsan nga bigla ko na lang na-iimagine na kukuha siya ng oreo ko at magrereklamo ako, tapos mag-aaway na naman kami. Sobrang miss ko na ‘yun, ‘yung nag-aaway kami dahil ayaw namin mamigay ng oreo sa isa’t-isa. Minsan rin kapag miss na miss ko na talaga siya, tumatabi ako sa hospital bed niya tapos niyayakap ko siya ng mahigpit. Ta’s bigla na lang akong ma-iiyak. Kalahati pa talaga ng puso ko ang kulang ngayon. Sana talaga, ngayong magkakaroon na kami ng first concert, magising siya. Gusto kong mapanood niya ‘ko sa isang malaking stage.
***
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang concert namin. Rinig na rinig ko na ang maraming tao sa labas na sinisigaw ang pangalan ng grupo namin. Halos kaming lahat ‘di na mapakali, lakad sila ng lakad papunta kung saan. Tinatanong kung maayos na ba ang mga instruments at sound system. Basta, commotion halos lahat ang makikita mo ngayon.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...