Maramiraming tao ang nakapila sa ferris wheel pagkadating namin, kaya bumili muna kami ng oreo sandali. Tamang-tama lang 'yung pagbalik namin dahil medyo wala ng naka-pila.
"Sa'n mo gustong pumunta bukas?" Tanong ni Renz nung nasa kalagitnaan na kami ng pag-sakay sa ferris wheel.
"Mmmmm, sa safe haven natin."
"Okay. Mag-picnic tayo dun bukas, susunduin kita." Sabi niya sabay kuha ng oreo. Pero nung nakita niyang wala na siyang oreo, bumaling 'yung tingin niya sa oreo ko. Bago ko pa man malayo 'to sa kanya, nahablot niya na. Bilis ng kamay!
"HOY LAWRENCE!"
"Pahingi lang, ang damot nito!" Pero bago pa siya makakuha ulit, kinuha ko na agad.
"Bibigyan sana kita kung marami pa 'tong sa 'kin. Pero," Kinuha ko ang iisang piraso na lang ng oreo ko. "isa na lang 'to kaya hindi. Akin na 'to."
Nasubo ko na 'yung kalahating part ng oreo ng bigla akong sundutin ni Renz sa balikat ko. Nilingon ko siya at tiningnan ko ng anong-kailangan-mo look. Pero imbis na sagutin ako, kinagat niya 'yung kalahati ng oreo mula sa bibig ko at kinain.
"O ayan, share na lang tayo." Sabi niya habang ngumunguya, ta's bigla siyang tumawa. Kinain ko naman ang oreo ko para makapag-salita ako.
"Ba't ka tumatawa? May nakakatawa ba?"
"Gulat na gulat ka kasi sa ginawa ko, at 'yung expression mo, nakakatawa!" Ta's tumawa na naman siya ulit.
"Pa'no akong 'di magugulat sa ginawa mo? Eh biglaan mo 'yung ginawa at the same time, ngayon mo lang din 'yun ginawa." Bigla siyang tumigil sa pagtawa at tiningnan ako ng nakakaloko. Ano na naman kayang pumasok sa utak ng wirdong 'to?
"Ngayon ko lang ginawa 'yun? So gusto mo lagi ko 'yung gagawin sa'yo?"
"HAH! Asa you! First and last mo na 'yun"
"Ahh, ok. Eh eto, pwede ko ba 'tong gawin sa'yo lagi?" Nilapit niya 'yung mukha niya sa ‘kin sabay halik sa labi ko. Hindi lang basta smack, matagal at mariin na halik.
"Uhh... 'wag lang lagi." Tiningnan niya 'ko ng confuse look "Siguro mga 3 times a week." At tumawa kaming dalawa, sabay halik niya ulit sa 'kin.
***
Monday
"Asan si Renz?" Tanong ko sa barkada pagkalapag ko ng bag ko sa upuan. Tinext niya kasi ako kanina na hindi niya 'ko mahahatid. Tinanong ko naman siya kung bakit pero 'di na nag-reply. Tapos ngayon, wala pa siya eh 7 minutes na lang bago mag-bell.
"Diba dapat kami ang nagtatanong sa'yo niyan?" Sabi ni Alex
"Hindi niya kasi sinabi sa 'kin kung bakit 'di niya 'ko masusundo kaya akala ko sa inyo niya sinabi."
"Ha! Kailan naman kaya mangyayari ang sinasabi mo." Sagot ni Spencer. Sa bagay, simula nung naging "official" kami, sa 'kin niya lagi unang sinasabi ang mga gagawin or pupuntahan niya.
"Speaking of the..." Napahinto si Marco at napalingun kaming lahat sa pinto. Si Renz, kasama si Anamarie. "... devil"
Hindi niya 'ko sinundo, then hindi niya sinabi 'yung dahilan kung bakit, tapos pagdating niya kasama niya si Anamarie. Wala nga ba talaga akong dapat ipag-alala? Eh mukhang nangyayari na nga 'yung dapat kong ipag-alala... ang kinatatakutan ko. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Pinag-uusapan niyo 'ko? At hindi ako devil Marco... Diba!" Nagulat naman ako sa biglang pagback-hug sa 'kin ni Renz. 'Di ko napansing lumapit pala siya sa 'kin.
"N-nandito ka na p-pala." Sabi ko sabay hiwalay sa kanya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nagulat siya sa ginawa ko.
"O bakit? May problema ba?" Tanong niya sabay hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Totoo kaya 'to? Sincere kaya 'tong ginagawa niya sa 'kin ngayon?
Biglang tumunog 'yung bell para sa flag ceremony. Tinanggal ko 'yung kamay ko mula sa kanya at lumabas na ng room. Mabuti na lang nag-bell, kasi ayokong umiyak that time.
***
Nung nag-bell na para sa break, agad akong tumayo at lumabas ng room. Sa tatlong klase kanina, hindi ako tinitigilan ni Renz. Lagi niya 'kong pinpasahan ng note - na tintapon ko agad ng hindi pa nababasa - at pabulong na tinatawag o tinatanong - na hindi ko pinapansin.
Hindi ako dumiretso sa school garden - dahil dun tatambay ang barkada at nandun si Renz, baka sinama niya rin si Anamarie. Instead, dumiretso ako sa roof top. Wala na kasi akong maisip na iba pang puntahan na wala ang presensya ni Renz.
Gusto kong mapag-isa. Gustong isipin na tutuparin ni Renz 'yung "promise" niya. Gusto kong isipin na coincidence lang 'yung sabay na pumasok si Renz at Anamarie kanina, na nagkita lang sila sa hallway at ayun, sabay silang pumasok sa room. Pero iba 'yung pumapasok sa isipan ko eh. Mas pumapasok 'yung hindi niya tutuparin ang "promise" niya at tinalikuran niya na 'ko para kay Anamarie.
Naramdaman kong may tumulong mainit na likido mula sa mga mata ko. Shet! Ayan na, 'di na nagpapigil ang gaga kong luha! Agad ko naman itong pinunasan.
"Umiiyak ka?" Tanong ng boses mula sa likod ko. Isang concern, sincere, at malungkot na boses - ang boses na ayaw ko na muna sanang marinig ngayon.
"Hindi. 'Yung hangin lang." Sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya.
"Nagtatampo ka?"
Nagtatampo, nagagalit, naiinis, nasasaktan, feeling betrayed, ewan! Lahat yata ng malulungkot at masasakit sa feelings, nararamdaman ko ngayon. 'Di ko siya sinagot, tahimik lang ako.
"Sorry na." Hindi pa rin ako sumagot. Nung hindi na siya nag-salita, akala ko wala na siya. Pero nabigla na lang ako ng may biglang yumakap sa 'kin mula sa likuran. Hinalikan niya agad ako sa pisngi. "Sorry na please. 'Wag ka ng mag-tampo, may ginawa lang kasi ako kaya 'di kita nasundo." Mahina niyang bulong sa 'kin.
"Ano ba'ng ginawa mo kanina? Tinanong kita pero 'di ka na nag-reply" Matagal bago siya bumuntong hininga at sumagot.
"About lang sa school. Medyo naging busy na rin kasi ako kaya hindi na 'ko nakapag-reply sa'yo." Simula kasi nung umalis si Ate Laurene, si Renz na ang nag-handle ng school. At kahit ganun, nagagawa niya pa rin namang makipag-bonding sa barkada. Ramdam ko ring nagsisinungaling siya. Pero hindi ko na lang pinilit at napabuntong hininga na lang ako. "Sorry na. Promise, bukas susunduin na kita."
"Hindi naman ako dun sa hindi mo 'pag sundo sa 'kin may problema eh..." Napalunok ako bago ko pinagpatuloy "... nagtataka lang ako kung bakit kayo sabay ni Anamarie."
Naramdaman kong parang napahinto siya sa pag-sabi ko nun. Naramdaman ko ring bumilis 'yung tibok ng puso niya mula sa likod ko. Matagl rin bago siya nakapag-salita ulit. "Nagkasalubong lang kami sa hallway, kaya nagkasabay kami. I already told you, imposible ng balikan ko pa si Anamarie." Medyo nanginginig 'yung boses niya nung sinabi niya 'yun.
Ngayon, parang nagdududa na 'ko kung imposible na nga ba talaga. Kasi pakiramdam ko halos lahat ng sinasabi niya hindi totoo.
"Sorry na please." Sabi niya sabay lapat ng pisngi niya sa pisngi ko.
"Oo na. Sorry rin kasi nagtampo agad ako sa'yo kahit hindi ko pa alam ang buong story."
"Don't be. Kasalanan ko rin naman. Basta Althiya," sabi niya "Promise, I love you." At for the first time sa lahat ng sinabi niya kanina, parang 'yun lang 'yung totoo at sincere. Napangiti ako.
"Promise, I love you, too."
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...