(Renz’ POV)
“Is that because…..?”
“Because magka-mukha sila ni Anamarie, magka-boses. Dahil na-aalala ko sa kanya si Anamarie. ‘Yan ba ang iniisip mo?”
“You can’t blame me if I’ll think that.” Sa bagay, hindi ko talaga siya masisi.
“She makes me happy and she makes my heart beat abnormally faster. Kapag tumititig ako sa kanya, nakikita ko siyang ngumingiti, kapag nag-aaway kami dahil sa oreo. And that “she” is not Anamarie, but Althiya Kim. And I’ll admit, naalala ko rin sa kanya si Anamarie, obviously dahil sa mukha niya and kapag kumakanta siya. But since our very first “unofficial” date in school, hindi ko na nakikita si Anamarie sa kanya. All I can see is si Althiya Kim na mahal ko ngayon.” Yumuko si Kuya Aldwin na parang may iniisip. Then he sigh before he talk.
“Well, that’s…… very good. You love her already. And Renz, sana mapagkakatiwalaan kita sa sinabi mo ngayon. Na hindi mo siya minahal dahil kay Anamarie. Ayokong masaktan ang kapatid ko….” And he murmurs something na hindi ko narinig.
“Don’t worry kuya, you can trust me.”
“Good. Sige na, ihanda mo na ‘yung surprise mo.” Lumabas na ‘ko sa kusina pagkatapos nun.
‘Yung surprise ko kay Althiya, kakantahan ko siya and then, I’ll confess my feelings for her. That I love her, not because I see Anamarie to her, but because I see Althiya Kim. The Althiya Kim that I love now.
Nung nasa beach na ‘ko, hinanap ko agad si Althiya pero ‘di ko siya nakita. Nilapitan ko ang Miss A’s at ang SPrince para tanungin kung nasa’n si Althiya pero sabi nila, huli nila siyang nakita is pumasok siya sa rest house. Kaya bumalik ako sa loob para hanapin siya pero halos nilibot ko na ang buong bahay hindi ko pa rin siya makita. Nasa’n ba ‘yung babaeng ‘yun? May naka-tagpo akong isang maid kaya tinanong ko siya kung nakita niya ba si Althiya.
“’Yun po bang birthday girl ang tinutukoy niyong Althiya?”
“Oo, ‘yung nga. Nakita mo ba siya?”
“Nakita ko po siyang papunta sa likod. Dun po sa medyo walang tao na beach.”
“Ah. Sige, salamat.” Pumunta na kaagad ako sa likod at hinanap siya.
Grabe, ang dilim naman rito. Ano bang gagawin niya rito? Nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa kanya hanggang sa may nakita akong ikina-bigla ko. Siya, mali, SILA, na naka-upo sa isang putol na coconut tree. Hinahalikan siya ni Kevin…… sa labi. Wow! Ang ganda ng na-abutan ko ha. Hindi ko alam na may shooting pala rito, ang title is GAGUHAN: SULUTIN ANG FIANCÉE NG KAIBIGAN MO.
Nung humiwalay na sila sa isa’t-isa, napansin kaagad ako ni Kevin kaya napalingun siya sa ‘kin. Nanlaki ‘yung mata niya nung nakita niya ‘ko, ganun rin si Althiya nung napalingun siya sa ‘kin. Pero agad niyang iniwas ang tingin niya.
“Renz.” Ang tanging nasabi ni Kevin, ang pinaka MAPAGKAKATIWALAAN kong BESTFRIEND.
“Oo. Ako nga.” Sagot ko naman sa kanya habang dahan-dahan na nilalapitan si Althiya. Pabilis ng pabilis ang paglalakad papunta sa kanya at hinablot ko agad ang braso niya para ilayo siya rito.
“Aray! Ano ba, nasasaktan ako.”
“Renz, wait!” Lalapit sana si Kevin sa ‘min pero tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya, napatigil rin naman siya.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...